To start page

Praktikal na impormasyon



Emergency

Sa malulubhang emergency na mapanganib sa buhay gaya ng sunog, matinding pambubugbog at malubhang karamdaman, tumawag sa 112.

Mga botika

Sa botika ay maaari kang bumili ng gamot na may reseta at walang reseta. Maraming supermarket at gasolinahan ang nagbebenta ng iba't-ibang uri ng gamot na walang reseta gaya ng mga painkiller at gamot sa ubo.

Ang mga botika ay karaniwang bukas sa pagitan ng 09.00 at 17.30 ng Lunes hanggang Biernes, kapag Sabado ang karamihan ay nagsasara ng 13.00 o 14.00.

Dagdag pa, ang mga botika ay nagsasalitan sa pagbibigay ng 24-oras na serbisyo. Maaari mong alamin kung aling botika ang may 24-oras na serbisyo sa pagtawag sa iyong pinakamalapit na botika o sa pag-log sa www.sundhed.dk.

Kakailanganin mong magbayad ng singil sa pagbili ng gamot sa labas ng normal na oras ng pagbubukas.

Mga bangko

Ang mga bangko ay bukas nang Lunes, Martes, Miyerkules at Biyernes mula 10.00 hanggang 16.00. Kapag Huwebes, ang mga bangko ay mas matagal na bukas, hanggang 17.30 o 18.00.

Maraming bangko ang may ATM kung saan posibleng mag-withdraw ng pera gamit ang isang Dankort card o credit card.

Mga library

Lahat ng munisipal na awtoridad ay may mga library kung saan makakahiram ka ng mga libro, CD at video at magkakaroon ng libreng access sa Internet.

Karamihan sa mga pangunahing library ay bukas ng weekday mula 10.00 hanggan 19.00, at mula 10.00 hanggang 13.00 o 14.00 kapag Sabado. Ang mga lokal na library ay kadalasang may mas maikling oras ng pagbubukas.

Tingnan ang website ng iyong munisipal na awtoridad para sa mga oras ng pagbubukas ng lokal na library.

Borger.dk (citizen.dk)

Ang Borger.dk ay isang portal na may kinalaman sa mga pampublikong awtoridad sa Denmark. Dito ay matatagpuan mo ang impormasyon sa lahat ng pampublikong awtoridad at ang kanilang mga kaukulang sektor ng pananagutan. Ang website ay nagbibigay din ng impormasyon sa kung ano ang magagawa mo mismo, at kung sino ang kokontakin para malaman ang iba pa. Maraming self-service na opsyon, halimbawa, paano aabisuhan ang mga awtoridad kapag lumipat ka o paano hahanapin ang iyong pinakamalapit na GP o botika.

Mga tindahan

Lahat ng tindahan ay pinapayagan na manatiling bukas ng Lunes hanggang Sabado mula 06.00 hanggang 17.00. Ang mga shops ay dapat normal na magsara kapag Linggo, mga pampublikong holiday, Araw ng Konstitusyon, Pasko at makalipas ang 15.00 sa Bagong Taon. Ang mga shop na maliit ang kita, gayunman, ay maaari rin manatiling bukas kapag Linggo at mga pampublikong holiday.

Lahat ng tindahan ay pinapayagan din na manatiling bukas ng anim na Linggo sa isang taon. Dalawa sa mga Linggo na ito ay dapat nasa Hulyo o Agosto. Dagdag pa sa anim na Linggo na ito, ang mga tindahan ay pinapayagan na manatiling bukas sa unang Linggo ng bawat buwan pati na rin sa lahat ng Linggo sa Disyembre hanggang sa Pasko.

Karamihan ng maliliit na tindahan ay bukas ng Lunes hanggang Huwebes mula 10.00 hanggang 18.00. Nananatili silang mas matagal na bukas kapag Biyernes at mas maagang nagsasara kapag Sabado. Marami sa malalaking supermarket at department store ang bukas mula 08.00 o 09.00 hanggang 20.00 o 21.00 ng gabi.

Mga museo

May humigit-kumulang 850 na museo at koleksyon sa buong bansa. Isang daan at apatnapu ay mga pambansang museo o tumanggap ng mga tulong pinansyal mula sa estado. Ang ilan sa kanila ay naniningil ng admission fee, ngunit ang mga bata at kabataan na mas bata sa edad 18 ay may libreng admission sa mga museong pambansa at inaprubahan ng estado sa Denmark. Ang mga may-gulang ay may libreng admission sa National Museum at Statens Museum for Kunst, at ilan pang museo na nagbibigay ng libreng admission sa mga piling araw.

Kasama sa mga Danish na museo ang malalaking pambansang museo ng sining at kasaysayan pati na rin ang mas maliliit na museo ng lokal na kasaysayan at yaong may mga espesyal na tema gaya ng pangdagat, pangangalakal at pangingisda. Ang Denmark ay mayroon din mga espesyal na museo ng kulungan at mga museo ng medisina at medikal na kaalaman, bukod pa sa mga mueso ng laruan, tsokolate, bisikleta, patatas at mga barkong nasa bote.

Alamin ang iba pa tungkol sa mga museo sa pag-log sa www.borger.dk at pag-click sa "Kultura at oras ng paglilibang".

Mga tanggapan ng pampublikong awtoridad

Karamihan sa mga tanggapan ng pampublikong awtoridad ay may mga nakatakdang oras ng opisina at oras na bukas sila sa publiko. Marmi ang nananatiling mas matagal na bukas kapag Huwebes at maagang nagsasara kapag Biyernes. Ang mga munisipal na awtoridad, rehiyon at mga ministeryo ay may kanya-kanyang website na may impormasyon at mga self-service na opsyon.

Sumangguni tayo sa www.borger.dk para sa karagdagang detalye.

Pampublikong sasakyan

Ang Denmark ay may maunlad na sistema ng pampublikong sasakyan, kapwa pambansa at lokal. Maaari kang bumili ng buwanang travel card at discount card para sa mga bus at tren. Magtanong sa iyong istasyon ng tren o bus, o magtanong sa iyong munisipal na awtoridad kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon. O mag-log sa www.rejseplanen.dk.

Sulat

May ilang kiosk at newsagent na nagtitinda ng selyo, na kung hindi ay ibinebenta sa mga post office. Ang mga post office ay naghahatid ng mga sulat at package, at humahawak sa mga domestic at overseas na pagbabayad. Maaari mo rin abisuhan ang mga awtoridad sa pagbabago ng address sa iyong lokal na post office. Dito ay posible rin na bumili ng mga ticket para sa sine, concert at iba't-ibang event sa sport.

Ang domestic at overseas na sulat ay dapat ilagay sa mga pulang letterbox na matatagpuan mo sa halos kahit saan. Ang mga oras ng pagkolekta ay nakalagay sa mga letterbox.

Ang mga local na post office ay may iba-ibang oras ng pagbubukas ngunit ang karamihan ay bukas araw-araw mula 09.30 hanggang 17.00. Ang mga post office ay nagsasara sa ganap na 17.30 kapag Hwebes at 13.00 kapag Sabado.

Mag-log sa www.postdanmark.dk para sa kumpletong lista ng mga postcode at mga oras ng pagbubukas ng post office.

Telepono

Ang mga telephone box ay matatagpuan sa maraming pampublikong lugar. Dito ay maaari kang gumamit ng mga barya o espesyal na pay card, na mabibili mula sa mga newsagent at post office.

Lahat ng lokal na lugar ay may kanya-kanyang telephone directory na ipinamamahagi sa lahat ng sambahayan. Dagdag pa sa mga numero ng telepono, naglalaman ito ng maraming praktikal na impormasyon tungkol sa iyong munisipal na awtoridad, emergency doctor service, pulisya, mga asosasyon, museo, mapa ng lokal na lugar at ang "yellow pages" na nagbibigay ng impormasyon sa mga lokal na pahina.

Halimbawa, maaari ka rin maghanap ng mga numero ng telepono sa pagtawag sa "directory enquiries" sa 118, o sa pag-log sa www.degulesider.dk, www.krak.dk o www.eniro.dk.





Last update: 3/20/2009
Published by: The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs
The Danish Immigration Service - tel: +45 35 36 66 00 - us@us.dk · The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs - tel: +45 33 92 33 80 - inm@inm.dk