Mga paliwanag sa mga salita
Ang night school ay boluntaryong edukasyon na ginagawa sa bakanteng oras ng isang tao. Ang pag-aaral ay sumasaklaw sa malawak na subject gaya ng wika, kasaysayan, IT, pilosopiya, pagguhit at pisikal na ehersisyo. Ang mga klase ay hindi humahantong sa mga kuwalipikasyon at walang exam. Ang mga klase sa night school ay karaniwang pinamamahalaan ng isang samahang pang-edukasyon*.
record* (Aktindsigt)'>Access sa mga record* (Aktindsigt)
Alinsunod sa Public Records Act, ang lahat ay may access sa mga record na hawak ng estado at mga munisipal na awtoridad.
Ang mga awtoridad ay maaaring tumangging magbigay ng access upang mapangalagaan ang privacy ng iba, seguridad ng estado o ang mga pinansyal na interes ng estado.
Kung partido ka sa isang kaso, nadagdagan ang karapatan mo sa pag-access sa mga kaso.
Kung ikaw ay kumukuha ng panimulang benepisyo, perang benepisyo o benepisyo sa kawalan ng trabaho, kailangan mo ng tulong at gabay para makapagsimula ng pag-aaral o makahanap ng trabaho. Ito ay tinatawag na pag-aaktibo at maaaring nasa uri ng mga kurso o on-the-job training. Parehong isang karapatan at tungkulin ang sumali sa pag-aaktibo pati na rin isang precondition para sa pagtanggap ng tulong pinansyal.
Ang isang suportadong asosasyon sa pabahay ay nagtatayo at nagpaparenta ng pabahay na suportado ng estado. Ang mga munisipal na awtoridad ay may ilang suportadong apartment na kanilang maitatalaga na maaaring ilaan sa mga lokal na residente.
Ang lahat ng lagpas sa edad na 15 ay maaaring magpalagay ng kanilang pangalan sa waiting list para sa suportadong apartment. May maliit na singil para sa serbisyong ito. Sa maraming kaso, ang paghanap ng suportadong apartment ay maaaring tumagal ng maraming taon.
Ang benepisyo sa kawalan ng trabaho ay isang tulong pinansyal na ibinibigay sa mga walang trabaho na mga kasapi ng isang unemployment fund (a-kasse).
Ang isang unemployment fund o a-kasse ay isang pribadong asosasyon ng mga empleyado o independiyenteng may-ari ng negosyo, at ang layunin nito ay magbigay ng tulong pinansyal sa mga kasapi nito kung mawawalan sila ng trabaho. Ang mga unemployment fund ay direktang nauugnay sa mga unyon ngunit maaari kang maging kasapi ng isang unemployment fund na hindi nagiging kasapi ng isang unyon.
Ang Industrial Court ay isang espesyal na hukuman na namamahala sa mga kasong may kinalaman sa interpretasyon at paglabag sa mga kasunduan at pagkakaisa ng mga employer at mga empleyado. Ang mga hukom ay itinatalaga ng Minister of Employment.
Ang National Board of Industrial Injuries ay isang grupong walang kinikilingan na nagsasabi kung ang isang kapinsalaan o karamdaman ay maaaring tawagin na isang kapinsalaan sa trabaho. Ang lupon din ang nagpapasya kung ikaw ay karapat-dapat para sa bayad-pinsala. Ang insurance company ng employer ang nagbabayad-pinsala sa empleyado.
Sumangguni tayo sa www.arbejdsskadestyrelsen.dk para sa karagdagang detalye.
Ang Danish Working Environment Authority ay isang pampublikong grupo na ang trabaho ay gumawa ng ligtas, mabuti at maunlad na paligid sa trabaho sa pinagtatrabahuhan. Para makamit ang mga layuning ito, ang awtoridad ay nagsasagawa ng regular na pagsisiyasat ng mga kumpanya, gumagawa ng mga alituntunin at mga regulasyon at naglalathala ng impormasyon tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa trabaho. Ang Danish Working Environment Authority ay may mga tanggapan sa buong bansa. Sumangguni tayo sa www.at.dk para sa karagdagang detalye.
Ang isang maternity ward ay isang ward sa ospital kung saan ang mga kababaihan ay ipinapasok kaagad kasama ng kanilang mga bagong panganak na sanggol matapos maipanganak.
Ang asosasyon ng mga residente ay isang asosasyon na binubuo ng mga residente na nangungupahan sa parehong building association. Kinakatawan ng asosasyon ang mga interes ng mga residente kaugnay ng kasero.
Ang lista ng mga mamamayan ay isang lista ng mga non-party candidate sa isang munisipal na halalan. Ang lista ng mga mamamayan ay kumakatawan sa mga espesyal na lokal na interes.
Ang hukumang pang-distrito ang hukumang unang dulugan (court of first instance) sa Danish na sistemang hudisyal. Ang mga hukumang pang-distrito ay may kinalaman sa mga kasong sibil at karamihan sa mga kasong kriminal.
Ang Dankort card ay isang espesyal na Danish payment card na ibinibigay ng mga bangko. Ang mga Dankort card ay tinatanggap sa maraming lugar. Bibigyan ka ng PIN code na dapat gamitin kapag nagwi-withdraw ng pera mula sa mga ATM. Ang ilang shop ay nangangailangan ng lagda sa resibo ng Dankort.
Ang yellow pages ay mga pahina sa isang telephone directory na nagbibigay ng impormasyon sa mga negosyo. Ang yellow pages ay matatgpuan din sa www.degulesider.dk.
Ang may-ari ng gusali ay kumukuha ng tauhan upang mamahala sa gusali. Sila ang may hawak ng mga kontrata sa renta, nangongolekta ng renta, kumukuha ng mga tagapangalaga at nakikipag-ugnayan sa mga tenant.
Hanggang 1993, ang European Union ay kilala bilang EC (ang European Community). Ang kooperasyon ay dahan-dahang binalangkas mula nang lagdaan ng unang anim na bansa ang Treaty of Rome noong 1957. Ang Denmark ay naging kasapi ng EC kasunod ng pambansang referendum noong 1972. Ang EU ay binubuo na ng 27 kasaping estado sa Europa. Ang mga ito ay Belgium, Bulgaria, Cyprus, Denmark, England, Estonia, Finland, France, Greece, Holland, Ireland, Italy, Latvia, Luxembourg, Malta, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, ang Czech Republic, Germany, Hungary at Austria.
Ang European Parliament ay may 785 na kasapi na inihahalal ng mga mamamayan ng 27 kasaping estado ng EU. Ang mga kasapi ay inihahalal upang magsilbi sa loob ng limang taong termino. Ang bilang ng mga kasapi ay nagdedepende sa laki ng bansa. Ang Denmark ay may 14 na kasapi.
Ang Council of Europe ay isang inter-governmental na organisasyong politikal na itinatag noong 1949. Ang Council ay may 47 kasaping estado na sama-samang nagtutulungan para isulong ang demokrasya at mga karapatang pantao. Ang Council of Europe ang responsable sa paggawa ng European Convention on Human Rights of 1950.
Ang Danish National Church ay isang Evangelical Lutheran Church. Ibig sabihin nito na ito ay kabilang sa Christian Church, na humiwalay mula sa Roman Catholic Church sa panahon ng Repormasyon noong ka-16 na siglo.
Ang EEA ay abbreviation ng European Economic Area. Ito ay isang kasunduan sa pagitan ng mga kasaping estado ng EU at Iceland, Norway at Liechtenstein. Ang kasunduan ay ipinatupad noong 1994 at may kinalaman sa malayang pagkilos ng trabaho, produkto, tao, serbisyo at puhunan pati na rin ang pare-parehong alituntunin sa pakikipag-kompetensya.
Ang UN ay abbreviation para sa United Nations, ang United Nations Organisation of 1945. Ang layunin ng organisasyon ay panatilihin ang internasyonal na kapayapaan at seguridad, at internasyonal na makipagtulungan upang malutas ang mga internasyonal na di-pagkakaunawaang pang-ekonomiya, panlipunan, pang-kultura at pangkawanggawa at isulong ang respeto para sa karapatang pantao. Ang UN ay may 192 na kasapi at anim na pangunahing organisasyon. Ang mga ito ay ang General Assembly, ang Security Council, ang Economic and Social Council, ang Trusteeship Council, ang International Court of Justice at ang Secretariat. Ang UN headquarters ay nasa New York.
Ang isang pambansang referendum ay nagbibigay ng pagkakataon sa populasyon na pagbotohan ang isang partikular na desisyon na ginawa ng o gagawin ng Danish Parliament. Ang mga pambansang referendum ay maaaring pinaiiral o isang pagpapahiwatig para sa parliamento. Alinsunod sa konstitusyong Danish, ang mga pagbabago sa konstitusyon at ang mga katanungan tungkol sa pagkawala ng kapangyarihan sa mga supranational na awtoridad ay dapat pagpasyahan sa pamamagitan ng pambansang referendum. Ang huling pagkakataon na ginamit ang pambansang referendum ay kaugnay ng pagsapi ng Denmark sa EU.
Ang folk high school - karaniwang tinatwag na high school - ay isang espesyal na uri ng boarding school para sa mga may-gulang at kabataan. Ang mga high school ay nabuo sa Denmark noong kalagitnaan ng ika-labingsiyam na siglo. Ang ideya sa likod ng high school ay ang mabigyan ang mga kabataan at may-gulang ng kaalaman sa kasaysayan, kultura at buhay panlipunan. Ang mga high school ay nag-aalok ng mga kurso sa musika, sining, sport, pilosopiya at mga araling panlipunan. Ang pag-aaral ay hindi humahantong sa mga pormal na kuwalipikasyon at ang mga mag-aaral ay hindi naghihintay sa exam.
Ayon sa konstitusyong Danish, ang Evangelical Lutheran Church ang National Danish Church. Ang salitang "national" ay tanda na ang malaking bahagi ng populasyon ay kabilang sa Church, at may mas direktang kaugnayan ito sa estado kaysa sa iba pang pangrelihiyong komunidad. Alinsunod sa konstitusyon, dapat suportahan ng estado ang National Church, at ang parliamento ang nagtatakda ng mga panuntunan para sa pangangasiwa sa mga kapakanan ng simbahan, at ang estado ay hindi karaniwang nakikialam sa mga bagay na Pansimbahan. Ang mga serbisyo ng Danish National Church ay bukas sa publiko, at ang mga kasapi ng simbahan ay malayang mapapakinabangan ang mga seremonya ng simbahan gaya ng binyag, kumpil, kasal at libing. Ang mga pari at mga parish clerk ng National Church ay responsable sa pagrerehistro ng lahat ng kapanganakan sa Denmark, isang tradisyon na nagmula pa noong sinaunang panahon. Subalit, hindi kasali dito ang Southern Jutland, kung saan ang registrar ang responsable sa pagrerehistro ng mga kapanganakan. Ang mga pari ng National Church ay nagsisilbi rin na awtoridad sa libing, at sa gayon ay dapat magbigay ng permiso bago mailibing o mai-cremate ang namatay.
Ang pangkalahatang edukasyon ay pag-aaral at edukasyon para sa mga may-gulang sa mga pangkalahatang subject, at walang kinalaman sa trabaho. Ang pangkalahatang edukasyon ay espesyal na pinamamahalan ng mga high school, library, kultural, organisasyong pansimbahan o politikal.
Ang kahulugan ng salitang "folkestyre" ay demokrasya.
Folketinget ang Danish National Parliament. Ang Folketinget ay may 179 na kasapi, ang dalawa sa kanila ay mula sa Greenland at Faroe Islands.
Ang mga kasapi ay inihahalal upang magsilbi sa loob ng apat na taong termino. Ang prime minister ay maaaring tumawag ng pangkalahatang halalan bago matapos ang apat na taong termino. Ang mga halalan ay indinadaos gamit ang proportional representation. Nangangahulugan ito na ang mga partidong tumatakbo sa eleksyon ay binibigyan ng ilang kautusan sa parliamentong Danish na tumutugon sa bilang ng boto na kanilang natanggap.
Ang Consumer Complaints Board ay isang institusyon ng estado na may kinalaman sa mga reklamo ng mamimili kaugnay ng mga produkto at serbisyo. Ang National Consumer Agency of Denmark ay secretariat sa Consumer Complaints Board.
Ang pangangalaga ang tungkulin ng mga magulang na pangalagaan ang kanilang anak at gumawa ng mga personal na desisyon sa ngalan ng bata na para sa pinakamabuting kapakanan ng bata. Ang mga magulang na kasal ay may magkatuwang na pangangalaga sa kanilang mga anak. Kung ang mga magulang ay hindi kasal, sa ina ibibigay ang pangangalaga maliban kung iba ang pasya ng mga magulang . Kung ang mga magulang ay naghiwalay o nagdiborsyo, karaniwang ibinibigay sa kanila ang magkatuwang na pangangalaga.
Trabaho ng mga munisipal na awtoridad na tiyakin na mas maraming basura ang mare-recycle hangga't maaari Sa kadahilanang ito, ang mga awtoridad ay may munisipal na sentro ng pag-recycle ng basura kung saan maiuuri ng mga tao ang kanilang basura at mailalagay sa mga espesyal na lalagyan para sa, halimbawa, mga cardboard, salamin, metal at organikong basura. Ang mga mapanganib na basura ay hiwalay na dinadala.
Ang asosasyon ng mga may-ari ng bahay ay isang asosasyon na binuo ng mga pribadong may-ari ng bahay sa isang pook-panirahan. The association deals with matters of common interest - gaya halimbawa ng pagpapanatili ng mga semento at kalsada.
Lahat ng munisipal na awtoridad ay dapat mgkaroon ng mga lupon sa pagkontrol ng renta. Maraming munisipal na awtoridad ang may mga magkakatuwang na lupon sa pagkontrol ng renta*. Ang lupon sa pagkontrol ng renta ang may kinalaman sa mga reklamo tungkol sa halaga ng renta, ang kondisyon ng apartment at iba pang bagay na kaugnay ng mga kondisyon sa pangungupahan.
Sumangguni tayo sa Folk high school para sa karagdagang detalye.
Iba't-ibang uri ng gamot ang mabibili over the counter, iyon ay, walang reseta ng doktor. Ang mga botika ay nag-iimbak ng gamot na walang reseta at may reseta.
Magmula 1 ng Enero 2007, ang Denmark ay pinaghati-hati sa 98 munisipal na awtoridad. Ang munisipalidad ay isang pampublikong awtoridad na nagsasagawa ng ilang serbisyo sa lokal na komunidad. Ang mga munisipal na awtoridad ay malayang makakagawa ng kanilang mga desisyon sa maraming bagay.
Ang mga munisipal na awtoridad ay pinamamahalaan ng mga konsehong munisipal na inihahalal tuwing ika-apat na taon ng mga mamamayan na nakatira sa awtoridad.
Ang lisensya sa media ay ang singil sa gumagamit na iyong binabayaran kapag nagmamay-ari ka ng radyo, TV o computer na maaaring tumanggap ng mga programa sa radyo at TV. Ito ay singil para sa karapatang tumanggap ng mga programa sa radyo at TV. Ang lisensya sa media ay ginagamit upang gastusan ang Danmarks Radio - kapwa radyo at TV department nito - at TV2. Kapwa istasyon ay may tinatawag na tungkulin sa serbisyo publiko.
Ang NATO ay abbreviation para sa North Atlantic Treaty Organisation, na isang organisasyon sa depensang pang-kanluran na ginawa noong 1949. Ang NATO ay nakabatay sa Atlantic Treaty, na nilagdaan ng 12 bansa. Sa ngayon ay may 26 na kasaping bansa at ang organisasyon ay nakikipagtulungan sa Russia.
Ang OECD ay abbreviation para sa Organisation for Economic Cooperation and Development. Ang inter-governmental na organisasyon na ito ay may 30 kasaping bansa. Ito ay itinatag noong 1961. Ang layunin nito ay tiyakin ang mataas na antas ng pamumuhay at paglaki ng ekonomiya para sa mga kasaping estado nito.
Ang samahang pang-edukasyon ay isang organisasyon na nag-uugma at namamahala sa gawaing pang-edukasyon, lalo't kaugnay ng bokasyonal na edukasyon.
Ang serbisyo publiko ay isang katawagan para sa mga radyo at channel ng TV na ang layunin ay ang magsahimpapawid ng mga programa na gusto ng pangkalahatang publiko. Ang Danmarks Radio (DR) at TV2 ay mga istasyon para sa serbisyo publiko. May tungkulin silang magsahimpapawid ng mga programang patas, kultural at nagbibigay-kaalaman.
Ang sangla ay isang loan na sinisiguro kapalit ng ari-arian. Kapag nagsangla ka ang iyong bahay ay nagsisilbing paniguro para sa loan. Ang mga mortgage lender at mga mortgage credit na institusyon ay nagbibigay ng ganitong uri ng loan.
Magmula 1 ng Enero 2007, ang Denmark ay pinaghati-hati sa limang rehiyon, bawat isa ay namamahala sa mga rehiyonal na gawain gaya ng pamamahala ng ospital, pampublikong sasakyan at mga rehiyonal na gawain sa pagpapaunlad. Ang mga rehiyon ay pinatatakbo ng mga konsehong rehiyonal na binubuo ng 41 kasapi na inihahalal tuwing ika-apat na taon ng mga mamamayan na naninirahan sa rehiyon.
Ang demokrasya ng kinatawan ay isang gobyerno kung saan ang mga tao ay naghahalal ng mga kasapi sa isang grupo ng kinatawan. Sa Denmark, ang mga grupong ito ay binubuo ng Danish Parliament, ang limang rehiyon at ang mga munisipal na awtoridad.
Ang Kingdom of Denmark ay isang ekonomiko, hudisyal at lingguwistikang komunidad na nagsasama sa Denmark, ang Faroe Islands at Greenland upang maging isang kaharian sa ilalim ng konstitusyong Danish. Sa loob ng kasunduan, ang Greenland at ang Faroe Islands sa kalakhan ay may sariling pamamahala.
Isa sa mga pangunahing katangian ng Schengen Agreement ay ang pagtatatag ng elektronikong network na nagbibigay kakayahan sa lahat ng pulisya at konsulado sa mga kasaping bansa sa Schengen na magkaroon ng access sa impormasyon tungkol sa mga naiulat na tao at mga nawawalang bagay at sasakyan.
Ang Schengen Agreement ay isang pinagtutulungang kasunduan sa pagitan ng mga kasaping estado ng EU, Belgium, Denmark, Finland, Greece, Holland, Italy, Luxembourg, Portugal, Spain, Germany at Austria at Norway, na hindi kasapi ng EU. Ayon sa mga probisyon ng Schengen Agreement, ang mga mamamayan ng kasaping estado ay malayang makakatawid sa mga border ng isa't-isa na walang pagpigil sa border. Ang Denmark ay naging miyembro mula pa noong 1997.
Ang isang kinatawan sa kalusugan at kaligtasan ay inihahalal ng mga kasama sa trabaho upang katawanin ang kanilang mga interes kaugnay ng employer sa mga katanungan tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa pinagtatrabahuhan. Ang isang kinatawan sa kalusugan at kaligtasan ay inihahalal para sa dalawang taon na termino kagaya sa kinatawan ng unyon, at dapat tumanggap ng espesyal na pagsasanay.
Ang Probate Court ay dibisyon ng hukumang pang-distrito. May kinalaman ito sa mga ari-arian, mga bankrupt na ari-arian at mga katanungan tungkol sa pamamahagi ng mga ari-arian ng asawa kasunod ng diborsyo.
Ang SSP scheme ay isang pagtutulungan ng mga paaralan, munisipal na awtoridad ng lipunan at ng pulisya. Ang layunin nito ay ang maiwasan ang krimen sa mga bata at kabataan.
Ang isang pampublikong piskal ay kumakatawan sa estado sa mga kasong kriminal na nililitis ng matataas na hukuman.
Ang administrasyon ng estado ay binubuo ng mga rehiyonal na grupo ng estado na kasama sa mga tungkulin ay ilang gawain na may kaugnayan sa paghihiwalay, diborsyo, pangangalaga at mga karapatan sa pagdalaw sa bata. Ang administrasyon ng estado ay humahawak din ng mga kaso ng reklamo sa pag-aampon, at mga alituntunin sa mga desisyon ng munisipal na awtoridad tungkol sa paggawa at mga bagay na panlipunan. Sa mga lugar kung saan walang espesyal na awtoridad sa pamamahala, sinusubaybayan ng mga rehiyonal na administrasyon ng estado ang mga munisipal na awtoridad upang matiyak na pinaiiral nila ang mga batas na partikular na may kaugnayan sa mga pampublikong awtoridad.
Ang Maritime and Commercial Court ay isang hukuman na may kinalaman sa mga komersyal na bagay at aksidente sa karagatan. Ang Maritime and Commercial Court ay binubuo ng presidente, isa o anim na bise presidente, hukom at ilang eksperto.
Ang isang kinatawan ng unyon ay inihahalal at mula sa mga kasamahan sa trabaho sa loob ng dalawang taon. Dapat katawanin ng kinatawan ng unyon ang mga interes ng mga empleyado kaugnay ng employer. Trabaho rin ng kinatawan na katawanin ang union sa pinagtatrabahuhan.
Ang Immigration Service ay bahagi ng Ministry of Integration, ngunit ang mga desisyon nito ay malaya sa ministry. Ang Immigration Service ay may kinalaman sa ilang bagay tungkol sa, halimbawa, pagpasok ng imigrante at paninirahan sa Denmark, kasama ang, halimbawa, asylum, muling pagbubuklod ng pamilya, mga visa at permit sa pagtatrabaho. Ginagawa ng Immigration Service ang mga desisyon nito batay sa mga partikular na aplikasyon, at nagbibigay ng impormasyon sa pagpasok at mga kondisyon sa paninirahan.
Ang tagapayo sa edukasyong pangkabataan (UU) ay maaaring kontakin sa mga espesyal na sentro sa iyong munisipal na awtoridad. Dito, ang mga taong mas bata sa edad na 25 ay maaaring humingi ng payong edukasyonal at pagpapayo.
Ang maibalik sa pagkakabilanggo ay nangangahulugan lamang na ang taong pinagbibintangang nakagawa ng krimen ay nananatili sa bilangguan.
Ang WHO ay abbreviation para sa World Health Organisation, (Verdenssundhedsorganisationen), na isang organisation na itinatag noong 1948 sa ilalim ng UN. Ang layunin nito ay ang masubaybayan ang mga nakakahawang sakit at maimplementa ang mga programang pangkalusugan.
Colophon
Mamamayan sa Denmark - Impormasyon para sa mga bagong mamamayan tungkol sa lipunang Danish.
Kagawaran ng Ugnayan para sa Mga Refugee, Imigrasyon at Pagsasanib
Holbergsgade 6
1057 Copenhagen K
Telepono: 33 92 33 80
E-mail: inm@inm.dk
Ang Kagawaran ng Ugnayan para sa Mga Refugee, Imigrasyon at Pagsasanib sa pakikipagtulungan sa Commitment Kommunikation ApS. Ang impormasyong ito ay tama sa petsa ng pagpapalimbag - Ika-30 ng Mayo 2007.
978-87-91850-38-7.
978-87-91850-60-8.
Edisyon sa wikang tagalog, Enero 2008.
3,000.
Annie Hagel sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Ugnayan para sa Mga Refugee, Imigrasyon at Pagsasanib.
Commitment Kommunikation ApS Nitivej 10, 2000 Frederiksberg. Telepono: 70 22 07 10, E-mail: post@commitment-aps.dk. Website:www.commitment-aps.dk
Mark Gry Christiansen.
PrinfoHolbæk-Hedehusene A/S
Michael Daugaard.
Per Morten Abrahamsen: 134. Mark Andersen: 139. Lars Bahl: 31, 47, 52, 73, 93 at 129. Ole Christiansen: 8 at 142. Jacob Dall: 24. Michael Daugaard: Harapan at likurang pahina, 10, 15, 16, 27, 28, 32, 35, 36, 41, 44, 47, 49, 50, 51, 53, 55, 58, 63, 66, 68, 75, 77, 80, 82 88, 92, 94, 100, 104, 107, 109, 110, 112, 113, 115, 119, 122, 124, 126, 137, 140 at 148. Anne-Li Engström: 54. Per Folkver: 132. Linda Henriksen: 85. Sonja Iskov: 61. Ulrik Jantzen: 141. Stuart McIntyre: 120. Kissen Møller-Hansen: 60, 76, 79 at 130. Morten Nilsson: 20 at 96. Heine Pedersen: 127. Kristian Juul Pedersen: 13. Jørgen Schytte: 65, 72, 144 at 147. Niels Aage Skovbo: 83. Stig Stasig: 67. Søren Svendsen: 70. Mikkel Østergaard: 12, 18, 42, 87, 98, 101 at 138. Mapa ng Denmark: Kampsax/Cowi: 11. Healthcare card: Mga Rehiyong Danish: 131.