Mga organisasyon at institusyon na may espesyal na kahalagahan sa mga bagong mamamayan
Ministeriet for Flygtninge, Indvandrere og Integration (ang Kagawaran ng Ugnayan para sa Mga Refugee, Imigrasyon at Pagsasanib)
Holbergsgade 6
1057 Copenhagen K
Telepono: 33 92 33 80
Website: www.newtodenmark.dk
E-mail: inm@inm.dk
May kinalaman sa mga bagay na kaugnay ng patakaran sa pangkalahatang imigrasyon at pagsasanib pati na rin ang pagkamamamayan. Nagsisilbing grupo sa pag-apela para sa mga pagpapasya ng Immigration Service sa muling pagbubuklod ng pamilya, mga visa at pagtatrabaho, mga permit sa paninirahan o mga permit na ibinibigay sa espesyal na kadahilanan, kasama yaong mga ibinibigay para sa mga kadahilanang mapagkawanggawa.
Udlændingeservice (Ang Immigration Service)
Ryesgade 53
2100 Copenhagen Ø
Telepono: 35 36 66 00
Website: www.newtodenmark.dk
E-mail: us@us.dk
Ang pagpoproseso ng mga kasong may kinalaman sa access ng imigrante sa paninirahan sa Denmark, kasama ang mga kaso ng asylum, muling pagbubuklod ng pamilya, mga permit sa paninirahan at pagtatrabaho, at mga visa. Nagsisilbing grupo sa pag-apela sa mga kasong may kinalaman sa mga permit sa paninirahan at pagtatrabaho alinsunod sa mga espesyal na regulasyon ng EU/EEA.
Flygtningenævnet (ang Refugee Board)
St. Kongensgade 1-3
1264 Copenhagen K
Telepono: 33 92 96 00
Website: www.fln.dk
E-mail: fln@inm.dk
Ang Refugee Board ay may kinalaman sa mga reklamo tungkol sa mga pagpapasya ng Immigration Service sa mga kahilingan ng mga imigranteng mamamayan para sa asylum sa Denmark.
Rådet for Etniske Minoriteter (ang Council for Ethnic Minorities)
Kagawaran ng Ugnayan para sa Mga Refugee, Imigrasyon at Pagsasanib
Holbergsgade 6
1057 Copenhagen K
Telepono: 33 92 27 90
Website: www.rem.dk
E-mail: rem@inm.dk
Nagpapayo sa Minister for Integration sa mahahalagang katanungan na kaugnay ng mga imigrante at refugee. Inihahalal mula sa mga kinatawan ng mga munisipal na konseho sa pagsasanib.
Statsforvaltningen (ang State Administration)
May limang rehiyonal na administrasyon ng estado sa Denmark. Ang mga administrasyon ay may kinalaman sa mga kasong kaugnay ng paghihiwalay, diborsyo, sustento sa asawa, mga bayad sa sustento ng bata, pangangalaga, mga kaso ng pagsasama at mga pangalan. May kinalaman din sila sa mga kasong kaugnay ng mga permit sa paninirahan at pagtatrabaho alinsunod sa mga espesyal na regulasyon ng EU/EEA.
Website: www.statsforvaltning.dk
Jobcentre (Mga job center)
Bawat munisipal na awtoridad ay may sariling job center. Bawat job center ay may sariling website na nagtatampok ng lokal na impormasyon para sa mga naghahanap ng trabaho at mga employer. Ang pangunahing website ng job center ay nagtataglay ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng job center at ang mga detalye sa pagkontak sa indibidwal na job center.
Website: www.jobnet.dk
Dansk Flygtningehjælp (ang Danish Refugee Council)
Borgergade 10, 3rd floor
Postboks 53
1002 Copenhagen K
Telepono: 33 73 50 00
Website: www.flygtning.dk
E-mail: drc@drc.dk
Isang pangkawanggawang organisasyon na tumutulong sa mga refugee, sumusuporta sa boluntaryong tulong sa pagsasanib at nagpapayo sa mga pag-asa ng imigrante at pagbabalik sa sariling bansa ng refugee. Ang Danish refugee Council ay nagbibigay din ng tulong sa takdang-aralin at mga panlipunang aktibidad gaya ng mga club na pangkababaihan at sama-samang pagkain.
Dansk Røde Kors (ang Danish Red Cross)
Blegdamsvej 27
2100 Copenhagen Ø
Telepono: 35 25 92 00
Website: www.drk.dk
E-mail: info@drk.dk
Pangkawanggawang organisasyon na nagbibigay ng boluntaryong tulong sa pagsasanib. Kasama sa mga aktibidad ng Danish Red Cross ang tulong sa takdang-aralin at pagsasanay sa bisikleta para sa mga may-gulang, mga grupong pangkababaihan at mga kaganapan na kalahok ang iba't-ibang kultura.
Ungdommens Røde Kors (ang Danish Red Cross Youth)
H.C. Ørstedsvej 47, 4th floor
1879 Frederiksberg C
Telepono: 35 37 25 55
Website: www.urk.drk.dk
E-mail: info@urk.dk
Isang independiyenteng pangkawanggawang organisasyon ng kabataan sa ilalim ng Danish Red Cross. Kasama sa mga aktibidad ng Danish Red Cross Youth ang mga café para sa tulong sa takdang-aralin para sa mga bata at mga kabataan.
Institut for Menneskerettigheder (ang Danish Institute for Human Rights)
Strandgade 56
1401 Copenhagen K
Telepono: 32 69 88 88
Website: www.humanrights.dk
E-mail: center@humanrights.dk
Isang institusyon na nangangalap ng kaalaman sa mga karapatang pantao sa Denmark, Europe at internasyonal na mga karapatang pantao. Dagdag pa, ang institusyon ang humahawak sa mga indibidwal na reklamo tungkol sa pang-aapi sa lahi sa labas ng labor market.
Klagekomitéen for Etnisk Ligebehandling (Complaints Committee for Ethnic Equal Treatment)
Strandgade 56
1401 Copenhagen K
Telepono: 32 69 89 44/ 32 69 89 45
Website: www.klagekomite.dk
E-mail: klagekomite@humanrights.dk
Ang gawain ng Complaints Committee ay hawakan ang mga indibidwal na reklamo ng pang-aapi batay sa lahi o etnikong pinagmulan. Hindi ito nagkakahalaga ng kahit ano upang maghain ng reklamo at kahit sino ay maaaring magrehistro ng reklamo sa Complaints Committee.