9 Ekonomiya at pagkonsumo
Pamamahala sa iyong personal na pananalapi
Kinikita at gastusin
Ang iyong personal na pananalapi ay binubuo ng anumang asset na mayroon ka, ang iyong kinikita at ang iyong mga gastusin. Ang kinikita ay maaaring suweldo, kita sa sariling pagtatrabaho o tulong ng estado. Ang mga gastusin ay maaaring renta, heating, kuryente, pagkain, damit at ang iba pang kailangan mo. Kailangan mong magbayad ng income tax at buwis sa mga kinikita ng sariling kumpanya.
Mga bank account
Mga electronic transfer
May lumalaking bilang ng mga pagbabayad ang ginagawa sa mga bank account ng binabayaran gamit ang mga elektronikong transaksyon. Halimbawa, ito ay ginagamit sa mga suweldo, perang benepisyo, mga bayad sa sustento ng anak at pensyon. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mo ng bank account.
Awtomatikong pagbabayad ng mga bill
Maaari kang magpunta sa anumang bangko at magbukas ng account. Kung ikaw ay may bank account, maaari mong gawin na awtomatikong bayaran ang iyong mga bill mula sa iyong account.
Halimbawa, maaari kang magbukas ng account sa budget upang mabayaran ang nakatakdang gugulin gaya ng renta, heating, kuryente at telepono.
Cash card
Kapag nagbukas ka ng bank account, bibigyan ka ng bangko ng isang cash card na maaari mong gamitin sa pag-withdraw ng pera sa bangko at sa mga ATM ng bangko.
Dankort payment card*
Kung binigyan ka ng bangko ng positibong pinansyal na pagsusuri, bibigyan ka ng Dankort payment card. Maaari mong gamitin ang card upang mag-withdraw ng pera mula sa lahat ng ATM ng bangko at sa karamihan ng mga shop, at maaari mo itong gamitin sa pagbabayad ng mga produkto sa karamihan ng mga shop. Padadalhan ka ng PIN number na kakailanganin mo upang magamit ang card sa mga ATM at mga shop. Ang ilang shop ay nangangailangan ng lagda sa resibo ng Dankort card.
Maraming bangko ang nagbibigay ng pinagsamang Visa/Dankort card. Sa Visa, maaari kang magbayad ng mga produkto at serbisyo at mag-withdraw ng pera sa karamihang bahagi ng mundo.
Mga loan sa bangko at mga pasilidad sa pagpapautang
Kakailanganin mo ng kainamang, regular na kita
Ang mga bangko ay nagbibigay ng mga pasilidad sa loan at pautang sa kanilang mga customer. Subalit kinakailangan nila na ang mga customer ay may matatag na kita at hustong pananalapi. Susuriin ng bangko ang iyong mga personal na pananalapi at hihingi ng mga kopya ng mga resibo ng suweldo at ng iyong huling pagbabayad ng buwis mula sa SKAT.
Loan sa bangko o overdraft?
Kung ang iyong personal na pananalapi ay nakabatay sa regular na kita ngunit mayroon kang agad na pangangailangan para sa ekstrang pera upang makabili ng kasangkapan, halimbawa, ang loan sa bangko ang kadalasang pinakamabuting kasagutan.
Kung ikaw ay may-ari ng isang self-employed na negosyo na may di-regular na kita, maaaring kapaki-pakinabang na magbukas ng overdraft. Ang overdraft ay isang kasunduan sa pagitan mo at ng iyong bangko na nagbibigay kakayahan sa iyo na mag-withdraw ng ilang halaga ng pera mula sa iyong account kahit pa kulang ang pera sa account para sagutin ito. Dapat mong malaman na ang mga overdraft ay may matataas na halaga ng interes.
Magtanong-tanong upang malaman ang mga posibilidad
Ang pasilidad sa pagpapautang at halaga ng loan ay iba-iba mula sa isang bangko at sa isa pang bangko. At ang halaga ng interes ay magdedepende sa uri ng loan na iyong kukunin. Ito ang dahilan kung bakit mainam na magtanong-tanong para malaman kung saan ka makakakuha ng pinakamurang loan.
Pinansyal na payo
Karamihan ng bangko ay nagbibigay ng pinansyal na pagpapayo.
Kahit pa malamang na bigyan ka ng iyong bangko ng hustong pinansyal na payo, mabuting tandaan na hindi sila mga independiyenteng tagapayo ngunit isang pribado, komersyal na negosyo na ang trabaho ay kumita.
Mga accountant para sa komplikadong personal na pananalapi
Kung ikaw ay may komplikadong personal na pananalapi dahil sa ikaw ay may sariling trabaho o nagpapatakbo ng negosyo, mabuting makipag-usap sa isang accountant.

Maaaring hindi mangailangan ng pagkamamamayang Danish
Ang mga bangko ay hindi pinapayagan na mangailangan na ikaw ay isang mamamayang Danish bago ka pahiramin ng pera.
Ang mga shop ay hindi pinapayagan na mangailangan na ikaw ay isang mamamayang Danish bago ka makapagrenta o makabili sa pamamagitan ng utang. Sila ay, gayunman, pinapayagan mangailangan na mayroon kang regular na kita at permanenteng address sa Denmark.
Pag-arkila at pagbili na hulugan
Maraming shop ang nagbibigay sa mga customer ng pag-asang makapag-arkila ng mga produkto, lalo na yaong mga mamahalin. Ang mga ito ay maaaring mga refrigerator, freezer, telebisyon at computer.
Kung aalis ka ng bansa bago bayaran ang iyong mga utang, maaaring kolektahin ng mga kumpanya ang halagang dapat bayaran sa pamamagitan ng mga ahensyang tagasingil ng utang kung kanino sila nakikipagtulungan.
Charge card
Maraming shop ang may sistema sa account na nagbibigay kakayahan sa mga customer na bumili gamit ang account. Ang indibidwal na shop ang nagsusuri kung bibigyan ka nila ng charge card.
Pagbili na hulugan
Ang ibang shop ay nagbibigay ng pag-asa sa mga customer na makabili na hulugan. Kung iisipin, ang ibig sabihin nito ay humihiram ka ng pera sa nakatakdang halaga ng interes. Dapat mong malaman na ang mga halaga ng interes na ito ay maaaring napakataas. Kasabay nito, kailangan mong magbayad ng singil para sa pagbubukas ng credit loan.
Alamin mabuti ang kontrata
Kung ikaw ay nag-aarkila o bumibili na hulugan, kakailanganin mong lumagda ng kontrata na nagbabalangkas ng mga tadhana at kondisyon. Mahalagang basahin mong mabuti ang kontrata - o hayaang ipaliwanag ng ibang tao - ang kontrata sa iyo upang maiwasan mo ang anumang hindi magandang balita.
Paglabag sa kontrata
Kung nabigo kang bayaran ang mga pagbabayad sa interes o ang iyong mga hulog, nanganganib kang mailista na isang masamang mangungutang Ibig sabihin nito ay hindi ka na makaka-arkila o makakabili ng hulugan - sa taong pinagkakautangan mo o sa iba pang lugar.
Insurance
Pribadong insurance
Maaari mong protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya sa pamamagitan ng pagkuha ng pribadong insurance.
Maraming insurance company at maraming iba't-ibang uri ng insurance. Mula sa insurance sa buhay, aksidente at pananagutan hanggang sa insurance sa pamamahay, kalusugan at sasakyan.
Ang mga presyo at tadhana at kondisyon ay iba-iba mula sa isang kumpanya at sa isa pang kumpanya, na dahilan kung bakit mahirap makakuha ng kabuuang-ideya. Ang pinakamahal na insurance ay hindi laging pinakamabuti.
Dapat mong pag-isipang mabuti ang kung anong mga uri ng insurance at kung gaano kalaking coverage ang kailangan mo, pati na rin ang halaga ng excess na nais mong bayaran.
Mga kinakailangang insurance
Ang ilang uri ng insurance ay kinakailangan ayon sa batas. Kailangan ikaw ay may insurance sa sunog kung ikaw ay may-ari ng bahay. At kailangan mayroon kang insurance sa pananagutan kung may-ari ka ng aso, sasakyan, motorbike o moped. Ang insurance sa pananagutan ang sumasagot sa mga aksidente sa ibang tao maliban sa iyong sarili.
Insurance sa pamilya
Lahat ng insurance company ay nagbibigay ng insurance sa pamilya na sumasagot sa lahat ng kasapi ng pamilya na nakatira sa parehong address. Nagbibigay din ito ng coverage para sa mga bata sa ilalim ng edad 21 na nabubuhay mag-isa. Kasama sa insurance sa pamilya ang mga nilalaman, pananagutan at tulong na ligal.
Insurance sa nilalaman
Ang insurance sa nilalaman ay nagbibigay ng coverage sakaling ang kasangkapan, mga damit o computer ng pamilya ay ninakaw, nasira ng tubig o sunod o nasira sa vandalism.
Insurance sa pananagutan
Ang insurance sa pananagutan ang sumasagot sa iyo sakaling may kasapi ng pamilya na nakapagdulot ng pinsala sa iba pang tao at sa kanilang mga pag-aari.
Insurance sa tulong na ligal
Ang insurance sa tulong na ligal ay nagbibigay minsan ng coverage sa mga ligal na gugulin kaugnay ng mga pribadong kaso sa hukuman. Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.forsikringsoplysningen.dk
Mga karapatan ng mamimili
Mga reklamo sa loob ng 24 oras
Bilang isang mamimili, mayroon kang ilang karapatan na nagpoprotekta sa iyo laban sa pandaraya. Alinsunod sa Sale of Goods Act, mayroon kang karapatan sa isang depektibong produkto - o isang bagay na hindi tumutugma sa mga ipinangako ng nagbenta - na mapapalitan o maipagawa. Ang kailangan mo lang gawin ay lapitan ang nagbenta sa loob ng 24 oras sa petsa ng pagbili. Kailangan mong dalhin ang resibo sa pagbili. At dapat ay hindi ikaw ang nagdulot ng depekto.
Garantiya
Kapag bumibili ka ng elektrikal na kagamitan o isang bagay na mas malaki, halimbawa, ikaw ay maaaring bigyan ng garantiya. Ito ay isang serbisyong ibinigay ng dealer, at hindi sa anumang paraan pinapalitan nito ang mga tadhana at probisyon ng Sale of Goods Act. Ngunit maaaring piliin ng dealer na bigyan ka ng garantiya. Ang isang garantiya ay dapat maglagay sa iyo sa mas magandang posisyon kaysa sa karapatang magreklamo na ibinibigay ng Sale of Goods Act, na tumitiyak sa karapatan sa pagrereklamo sa loob ng dalawang taon at maaari rin ang karapatan na mapapalitan o maipagawa ang item.
Kung magbabago ang isip mo
Wala kang karapatan na ipapalit ang item dahil lamang pinagsisisihan mo ang pagbili nito. Sa ganang ito, posible pa rin gawin ito sa maraming shop. Ang ilang shop ay magsasauli rin ng iyong pera. Habang ang iba pa ay magbibigay sa iyo ng credit note para sa halaga o pag-asang mapapalitan ang item ng ibang bagay sa shop.
Deklarasyon at pagtatatak
May karapatan kang malaman ang petsa ng pagkakagawa ng mga pagkain na iyong binibili pati na rin ang kanilang itinatagal sa pagkakaimbak. May ilang plano sa pagtatatak at kontrol sa mga pagkain. Halimbawa, ito ay maaaring garantiya na ang produkto ay organikong ginawa. Ang mga produktong hindi pagkain ay tinatakan upang, halimbawa, ipakita kung sila ay mabuti sa kapaligiran o matipid sa kuryente.
Ø-mærket (ang Danish Ø-label)
Ang Ø-mærket (ang Danish Ø label) ay ginagamit kaugnay ng mga pagkain at halaman. Ang Danish Ø-label ay nagpapabatid na ang produkto ay ginagarantiyahan ng kontrol ng estado na organiko ang pinagmulan. Ibig sabihin nito ay walang pestisidyong ginamit sa proseso ng paggawa, maliban sa ilan gaya, halimbawa, ng asupre. Ang artipisyal na pataba ay ipinagbabawal kung 80% ng pagkain ng hayop ay organiko.
Svanen (ang Danish Swan label)
Svanen (ang Danish Swan eco label) ang eco label ng Nordic Council of Ministers para sa mga produktong hindi pagkain gaya ng detergent powder, mga kemikal na panlinis at toilet paper. Ang tatak ay nagpapabatid na ang mga produkto ay ang pinaka-environmentally sustainable sa kaugnay na kategorya ng produkto.
Tatak sa enerhiya
Ang tatak sa enerhiya ay isang ipinag-uutos, na magkakatuwang na pagtatatak sa Europa ng iba't-ibang puting kagamitan, electric oven, sasakyan at mga pinagmumulan ng liwanag, iyon ay mga bombilya, halogen lamp, fluorescent bulb, atbp. Ang A-label ay angpapakita na ang produkto ay may pinakamababang konsumo sa kuryente kumpara sa mga kaugnay na produkto.
Mga pag-asang makapagreklamo
Kung sa palagay mo ay hindi naging tama ang pagtrato sa iyo ng shop o nagbenta nang magreklamo ka tungkol sa kanilang produkto, maaari mong kontakin ang Consumer Complaints Board* o ang isang pribadong lupon sa pagrereklamo at pag-apela. Kakailanganin mong magbayad ng singil kapag inirehistro mo ang iyong reklamo. Kung ang lupon ay pumabor sa iyo, makakatanggap ka ng buong refund. Malalaman mo ang iba pa tungkol sa iyong mga pag-asang makapagreklamo sa pag-log sa www.forbrug.dk.
Ang Danish na sistema ng pagbubuwis
Ang lahat ay nagbabayad ng buwis
Ang lahat ng nakatira sa Denmark ay dapat magbayad ng buwis kung nakakatanggap sila ng kita. Ito rin ay pinaiiral kung ikaw ay:
- Walang trabaho at tumatanggap ng perang benepisyo mula sa estado o benepisyo sa kawalan ng trabaho mula sa iyong unemployment fund.
- Isang estudyante at tumatanggap ng SU, ang plano na tulong pinansyal sa edukasyong pang-estado at loan.
- Isang pensyonado na tumatanggap ng pensyon ng estado.
- Nagtatrabaho sa abroad o may kinikita mula sa abroad ngunit nakatira sa Denmark.
- May sariling negosyo.
Sa estado at sa mga munisipal na awtoridad
Ang Danish na sistema ng pagbubuwis ay gumagana sa paraan na lahat ng pribadong tao ay magbabayad ng income tax sa estado at sa mga munisipal na awtoridad. Kung ikaw ay mag-ari ng bahay kailangan mong magbayad ng amilyar. Ang mga kasapi ng Danish National Church ay kailangan magbayad ng buwis ng simbahan. Ang mga kumpanya ay kailangan magbayad ng corporate tax. Kung mayroon kang capital income, mula sa securities halimbawa, kailangan mo rin bayaran ang buwis ng mga ito.
Hindi direktang buwis
Dagdag pa sa income tax, nagbabayad din tayo ng mga hindi direktang buwis sa anyo ng VAT tuwing bibili tayo ng produkto o serbisyo. Nagbabayad din tayo ng buwis sa ilang produkto gaya ng mga sasakyan, gasolina, alak at sigarilyo.
Mga pag-asa sa allowance
Ang ilang halaga ay maaaring kaltasin mula sa income bago kalkulahin ng mga awtoridad sa buwis ang iyong bayad na buwis.
Kasama rito ang mga halaga ng interes sa mga utang, pagsapi sa unyon, insurance sa kawalan ng trabaho at sustento ng anak, at mga pamasahe kaugnay ng trabaho. Ang pinakahuli, gayunman, ay magdedepende sa iyong layo mula sa pinagtatrabahuhan. Dagdag pa, tatanggap ka ng personal tax allowance na hindi nauugnay sa anumang partikular na halaga.
Tax return
Kung ikaw ay isang empleyado, ang iyong buwis ay awtomatikong kakaltasin sa pinagkukunan bago mo matanggap ang iyong suweldo.
Taon-taon dapat mong kumpletuhin ang isang tax return na naglalaman ng impormasyon tungkol sa iyong kita at ang mga allowance kung saan ikaw ay may karapatan. Matatanggap mo ang iyong tax return sa Marso, at kung may mga pagbabago ka na dapat gawin, kailangan mo itong ibigay na hindi lalagpas sa 1 ng Mayo. Maaari kang gumawa ng mga pagbabago gamit ang isang form na kasama ng tax return, at ipadala ito sa SKAT. Maaari ka rin gumawa ng mga pagbabago sa pamamagitan ng telepono o sa Internet sa www.skat.dk.
Sa susunod, tatanggap ka ng taunang tax return na nagpapakita kung gaano kalaking buwis na ang naibayad mo at kung kailangan mong magbigay ng karagdagang bayad o kung may karapatan ka para sa tax refund.
BUWIS sa maraming bagay
Lalo na sa kaso ng mga empleyado, nasa mga awtoridad sa buwis (SKAT) na ang karamihan sa impormasyon na kailangan nila, dahil kinukuha nila ang impormasyong ito mula sa mga kumpanya, bangko at mga kagaya nito. Madalas din itong ginagamit sa mga halaga na maaaring kaltasin sa buwis. Subalit maaaring kailanganin mong ipaalam sa sa mga awtoridad sa buwis ang tungkol sa ilang gastusin na maaaring kaltasin sa buwis - katulad, halimbawa, ng mga halaga ng pamasahe.
Kung kararating mo lang sa Denmark
Kung kararating mo lang sa bansa, kailangan mong kontakin ang iyong tax center at kumuha ng paunang pagsusuri sa kita at ang halaga ng buwis at deduction card. May humigit-kumulang 30 tax center na nakakalat sa bansa. Mag-log sa www.skat.dk para makita kung saang tax center ka nabibilang.
Halaga ng buwis
Kung magkano ang buwis na dapat mong bayaran ay magdedepende sa iyong kita at tax allowance. Dagdag pa, ang halaga ng buwis ay iba-iba mula sa isang munisipal na awtoridad at sa isa pang awtoridad.
Ang halaga ng buwis ay tumataas kasabay ng laki ng kita
Ang Danish na sistema ng pagbubuwis ay progresibo. Ibig sabihin nito ay mas malaki ang kinikita ng tao, mas mataas ang halaga ng kanyang buwis - iyon ay, ang porsiyento ng kanyang kita kung saan ang kanyang batayang buwis ay kinakalkula. Ang layunin ng sistemang ito ay matiyak na yaong mga kumikita nang malaki ay makapag-ambag nang malaki tungo sa implementasyon ng mga karaniwang gawain sa lipunan.
May sariling trabaho
Kung ikaw ay may sariling trabaho, dapat mong tiyakin na binabayaran mo ang iyong buwis. Kailangan mong kumpletuhin ang isang tax return na dapat maibalik bago ang 1 ng Hulyo. Kinakailangan mo rin mag-file ng mga account na naaprubahan ng isang accountant.
Kung ikaw ay may sariling trabaho at nakarehistro sa VAT, kailangan mong magbayad ng VAT at buwis sa mga produktong iyong ibinebenta. Dapat mong tiyakin na naitatala mo ang mga account at mapaaprubahan sa isang accountant.

Gusto ko ang sistemang Danish
Si Nevzat Ibisi ay umalis mula sa Macedonia patungong Denmark noong 1990. Siya ay isang bihasang guro at nagtuturo sa mga batang mula sa iba't-ibang etnikong pinagmulan.
"Noong una, nalilito ako dahil napakaraming bagay ang naiiba sa sistemang alam ko sa Macedonia. Ngunit gusto ko ang sistemang Danish kung saan nagbabayad ka ng buwis at kapalit nito ay nabibigyan ng access sa libreng pangangalaga ng kalusugan at mga paaralan. Ang Danish na sistema sa paaralan ay talagang mahusay. Ang mga bata ay natutuwa sa maraming pagkakataon ng magkatuwang na pagpapasya. Mabuti iyon sapagkat nagiging mas independiyente at responsable sila sa kanilang mga sarili at sa lipunan."