7 Paaralan at edukasyon
Ang pag-aaral ay habang-buhay na proseso
Pangkalahatang edukasyon
Ang Denmark ay may tradisyon sa pangkalahatang edukasyon* na kasing tanda mismo ng demokrasyang Danish. Kasama nito ang paniniwala na ang ganap na maalam na populasyon ay mahalagang pangunahing kailangan para sa maayos na gumaganang lipunan.
Ang lahat ay may access sa habang-buhay na pag-aaral. Hindi lamang sa loob ng sistemang pang-edukasyon ngunt pati na rin sa pagpasok sa folk high school o night school*, pagsubaybay sa mga programang pang-edukasyon sa radyo o sa TV, o sa pagkuha ng mga kurso sa trabaho.
Sapilitang edukasyon
Ang Denmark ay may patakaran na siyam na taon ng sapilitang edukasyon. Ang mga bata ay kailangang turuan mula sa edad na pito. Karamihan sa mga bata, gayunman, ay nagsisimula sa pre-school kapag sila ay anim na taong gulang.
Ang karamihan ay nagpapatuloy sa kanilang pag-aaral pagkatapos ng siyam na taon ng sapilitang edukasyon.
Makalipas ang siyam na taon sa elementarya at mababang paaralang sekondarya, nasa tao na ang desisyon kung gusto niyang magpatuloy sa mas mataas na edukasyon. Sa ganang ito, paunti ng paunti ang mga trabaho para sa mga taong walang pinag-aralan kung kaya ang malaking bahagi ng kabataan ay kumukuha ng edukasyong pang-negosyo o mataas na sekondaryang edukasyon. Kasunod ay pang-maikli, pang-katamtaman o matagalan na karagdagang pag-aaral.
Pakikipagtulungan at partisipasyon
Ang Danish na sistema ng edukasyon ay nakabatay sa mataas na antas ng kalayaan at magkatuwang na pagpapasya. Mula sa mga pinakaunang klase hanggang sa unibersidad, ang mga estudyante ay maaaring sumali sa pagdedesisyon na may kinalaman sa paaralan at edukasyon. At inaasahan ng mga guro na gawin nila ito.
Ang pagtuturo ay hindi lamang nagtutuon sa kaalamang pang-akademika ngunit pati na rin sa kakayahan ng estudyante na linangin ang mga kasanayan sa pakikipag-usap at pakikipagtulungan. Mula pa sa klaseng pre-school, tinuturuan ng mga guro ang mga grupo ng bata at hinihikayat na sama-samang tapusin ang mga gawain.
Sa mga institusyon ng mas mataas na edukasyon, ang mga estudyante ay madalas na sama-samang gumagawa para matapos ang mga takdang-aralin at pribadong magkita-kita sa mga grupo sa pag-aaral.
Ang Danish na sistema ng edukasyon
Elementarya at mababang paaralang sekondarya
Munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya at mga pribadong paaralan
Lahat ng bata ay may karapatan sa libreng pag-aaral sa Danish na munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya. Kasama sa pag-aaral na ito ang isang taong, pre-school kasunod ang siyam na taon sa elementarya at mababang paaralang sekondarya at ika-sampung baitang na opsyonal.
Dagdag pa sa munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya, mayroon ding mga independiyenteng elementarya at mababang paaralang sekondarya at mga pribadong paaralan kung saan ang pag-aaral ay binabayaran ng mga magulang. Ang mga pribadong independiyenteng elementarya at mababang paaralang sekondarya ay maaaring may ibang konseptuwal na balangkas kumpara sa mga munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya, ngunit mula sa pang-akademika at panlipunang pananaw, ang mga bata ay pareho ang natututunan. Sumangguni tayo sa www.friskoler.dk para sa karagdagang detalye.
Kailangan mong i-enrol ang bata sa paaralan
Ang mga bata ay awtomatikong papasok sa munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya sa lugar kung saan naninirahan ang pamilya. Kapag ang bata ay malapit na sa edad ng pag-aaral, ang mga magulang ay tatanggap ng sulat mula sa paaralan na nagsasaad kung kailan mo dapat i-enrol ang bata sa paaralan at paanyaya na bisitahin ang paaralan. Maaari ka rin pumili ng isa pang munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya o pribadong independiyenteng elementarya at mababang paaralang sekondarya. Sa kasong iyon, ikaw ang bahala sa pagkontak sa paaaralang gusto mo.
Ano ang dapat tandaan kapag sinisimulan ang pag-aaral
Bago magsimulang mag-aral ang bata, ikaw ay tatanggap ng sulat kung saan nakalista ang mga praktikal na bagay na kakailanganin ng iyong anak sa paaralan, gaya ng bag na pamasok, mga panulat at baunan.

Ang mga layunin ng munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya
Ang Danish na elementarya at mababang sekondaryang edukasyon ay nakabatay sa Danish Education Act. Sa panimula nito, isinaasaad nito ang mga sumusunod tungkol sa mga layunin ng elementarya at mababang sekondaryang edukasyon:
" § 1. "Section 1. Kasama ng mga magulang, ang elementarya at mababang paaralang sekondarya ang magbibigay sa mga mag-aaral ng mga kaalaman at kasanayan na: maghahanda sa kanila para sa higit na pag-aaral at magbibigay-hilig sa kanila na higit na matuto, matutunan ang kultura at kasaysayang Danish, magbibigay sa kanila ng kaalaman sa iba pang bansa at kultura, makakadagdag sa kanilang kaalaman sa impluwensya ng tao sa kalikasan at magsusulong sa kabuuang kalinangan ng bawat estudyante.
Section 2. Ang elementarya at mababang paaralang sekondarya ay dapat bumuo ng mga pamamaraan sa paggawa at gumawa ng balangkas na nagsusulong ng kaalaman, pagkawili at kasipagan upang malinang ng mga estudyante ang kanilang imahinasyon, pagkilala at tiwala sa sarili, na sa gayon ay magbibigay kakayahan sa kanila na manindigan at kumilos.
Section 3. Ang elementarya at mababang paaralang sekondarya ang maghahanda sa mga estudyante sa pakikilahok, sama-samang responsibilidad, mga karapatan at tungkulin sa malaya at demokratikong lipunan. Ang mga gawain sa paaralan ay dapat mailarawan sa malayang pag-iisip, pagkakapantay-pantay at demokrasya*.
Ang mga magulang ay may impluwensya
Maging ang bata man ay pumapasok sa munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya o pribadong independiyenteng paaralan, maaaring magkaroon ng impluwensya ang mga magulang sa antas ng pag-aaral at maging kasamang may-pananagutan sa edukasyon ng kanilang anak. Ang mga pribadong independiyenteng paaralan ay mga institusyon na may sariling pangasiwaan na pinatatakbo ng isang lupon na inihalal ng mga magulang. Ang mga elementarya at mababang paaralang sekondarya ay may lupon na may mga kinatawan ng paaralan at mga kinatawang inihalal mismo ng mga magulang. Ang mga munisipal na awtoridad ay nakikipagtulungan din sa mga guro at mga kinatawan ng magulang. Ang mga munisipal na awtoridad ay may kabuuang responsibilidad sa mga bagay-bagay sa paaralan.
Pagtutulungan ng paaralan at tahanan
Binibigyan-diin din ng mga paaralan ang positibong kontak sa mga magulang ng bawat estudyante upang maibigay sa bata ang pinakamagagandang pagkakataon para maging maayos sa paaralan. Bawat taon, ikaw ay aanyayahang dumalo sa mga pagpupulong ng paaralan at tahanan na maaaring magtuon sa kung paano natututo ang bata, paano nakakasunod ang bata sa mga pinag-aaralan, ang takdang-aralin ng bata at pakikinig sa klase.
Halimbawa, ang mga magulang ay maaaring maghalal ng mga kinatawan ng magulang o makipag-usap sa mga magulang na direktang nakikipagtulungan sa mga guro tungkol sa mga pagpupulong ng magulang at guro o iba pang event. Ang pagtutulungan ng paaralan at magulang ay maaari rin gawin sa anyo na mga espesyal na hapunan o mga workshop. Ito ay nagkakaiba sa isang paaralan at sa isa pang paaralan Ang layunin ng pagtutulungan ay mabigyan ng pagkakataon ang mga magulang na makapag-ambag sa ikagagaling at edukasyon ng bata.
Pagtuturo
Pre-school
Sa pre-school, natututunan ng mga bata ang alpabeto at mga numero. Nagkakaroon sila ng bokabularyo, mga konsepto at mga pamamaraan sa paggawa sa ilang sapilitang tema, at sa pamamagitan ng paglalaro at pagtuturo ay nalalaman nila ang mga kalakaran ng paaralan at pagsasamahan. Bilang alituntunin, ang mga bata mula sa pre-school ay sama-samang magpapatuloy sa unang baitang.
Ang mga bata ay magkakasama sa parehong klase
Ang edukasyong Danish ay kumpleto batay sa uri. Nangangahulugan ito na ang mga bata ay maaaring magpatuloy sa parehong klase sa kabuuan ng kanilang pag-aaral.


Lahat ng ito ay tungkol sa pagtiyak sa kinabukasan ng ating mga anak
Si Sabah Elawi ay nagtungo sa Denmark mula sa Palestine noong 1990. Siya ay isang guro sa elementarya at mababang paaralang sekondarya at ina ng dalawang anak.
"Mahalagang dumalo sa mga pagpupulong ng magulang at guro at makilahok sa pagtutulungan ng paaralan at magulang upang masubaybayan ang mga pinakahuling balita at makagawa ng ugnayan sa pagitan ng lipunang Danish at Arabo. Ito ay tungkol sa pagtiyak sa kinabukasan ng ating mga anak. Makikilala mo ang iba pang magulang at magkaroon ng pagkakataon na maimpluwensyahan ang edukasyon ng iyong mga anak. Kailangang mong maging bukas ang isip at handang sabihin kung ano ang iyong saloobin at ipaalam sa kanila kung ano ang iyong kakayahan. Hindi ka dapat mag-isa. At pinakamahalaga sa lahat, kailangan mong matutunan ang wika upang mas makilala mong mabuti ang mga Dane, at gayundin ikaw."
Math, wika, panlipunan at natural na agham
Itinatadhana ng batas na ang mga estudyante ay dapat matuto ng ilang bagay sa paaralan. Dagdag pa, nasa bawat paaralan ang pagpapasya kung paano nito isasaayos ang pagtuturo.
Sa elementarya at mababang paaralang sekondarya, Ang mga bata ay natututo ng matematika, wika, agham panlipunan at natural na agham. Natututo rin sila tungkol sa kultura at kasaysayang Danish at tungkol sa iba pang bansa at ang kanilang kultura.
Layunin din ng paaralan na patibayin ang pagsulong ng mag-aaral at pasiglahin ang kanilang imahinasyon at hilig sa pag-aaral.
Mga pambansang pagsusulit
Sa kabuuan ng kanilang pag-aaral, lahat ng mag-aaral ay naghihintay sa ilang serye ng pagsusulit sa iba't-ibang subject. Ang mga pagsusulit na ito ay hinati-hati sa mga baitang at mga subject:
| Ika-2 baitang: | Danish/reading |
| Ika-3 baitang: | Math |
| Ika-4 baitang: | Danish/reading |
| Ika-6 baitang: | Danish/reading at math |
| Ika-7 baitang: | English |
| Ika-8 baitang: | Danish/reading, geography, biology at physics/chemistry |
Mayroon din boluntaryong pagsusulit sa Danish bilang pangalawang wika sa ika-5 at ika-7 baitang.
Ang layunin ng mga pagsusulit ay masuri kung ano ang natututunan ng mga mag-aaral. Ang mga resulta ay ginagamit sa pagpaplano ng syllabus sa pagtuturo upang ito ay makasabay sa mga kakayahan ng bawat mag-aaral.
Nakasulat na plano sa mag-aaral
Ang plano sa mag-aaral ay dapat magtaglay ng impormasyon tungkol sa kung paano pinag-aaralan at sinusuri ang pakinabang na nakukuha ng mag-aaral mula sa syllabus sa kabuuan ng taon. Dapat din isaaad ng mga plano sa mag-aaral kung paano susundan ng guro at mag-aaral ang mga natamong resulta. Ang plano sa mag-aaral ay dapat ihanda na kahit minsan sa isang taon at dapat pagtuunan ang lahat ng subject na itinuturo sa mag-aaral. Ang plano sa mag-aaral ay dapat ipadala sa mga magulang. Ang plano ay maaari rin maglaman ng mga kasunduan tungkol sa mga paraan kung saan ang mga magulang ay maaaring mag-ambag para sa positibong edukasyon ng bata at impormasyon tungkol sa pag-uugali ng bata at ikagagaling sa paaralan.
Mga grado sa mga nakakatandang baitang
Mga mag-aaral lamang sa ika-8, ika-9 at ika-10 baitang ang binibigyan ng grado.
Dalawang beses sa isang taon, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng mga grado sa mga subject kung saan sila ay magkakaroon ng mga panghuling pagsusulit. Ang mga subject na ito ay:
- Danish
- Math
- English
- German
- French
- Physics/chemistry
- Biology
| - Geography
- History
- Social science
- Christian studies
- Needlework
- Woodwork
- Domestic science
|
Kapwa lalaki at babae ay may pare-parehong subject
Pare-parehong subject ang itinuturo sa mga lalaki at babae. Pantay na ipinatutupad ito sa mga akademikal na subject na gaya ng Danish, English, social science at math at mga mapanlikhang subject. Kapwa lalaki at babae ay natututong manahi, magluto at gumamit ng mga tool. Sabay na naglalaro ng sport ang mga lalaki at babae ngunit magkahiwalay na naliligo.
Christian science at iba pang relihiyon
Ang Christian science ay may kinalaman sa mga ordinaryong katanungan tungkol sa Kristiyanismo pati na rin sa iba pang relihiyon at mga pananaw sa buhay.
Ang pagtuturo ay hindi nangangaral ng relihiyon subalit nagsasabi ng tungkol sa Kristiyanismo at iba pang relihiyon. Ang pag-aral ay nakakatulong sa pagbibigay ng kaalaman sa mga bata tungkol sa kahalagahan ng relihiyon sa modernong lipunan.
Ang iyong anak ay maaaring hindi isama sa pag-aaral ng Christian science. Magtanong sa paaralan ng iyong anak.
Sex education
Ang mga bata ay tumatanggap ng sex education sa paaralan Dito, natututunan nila ang tungkol sa kung paano gumagana ang katawan. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pag-ibig at pag-iibigan. At naririnig nila ang tungkol sa kung paano nabubuo ang bata at contraception.
Ang sex education ay hindi isang subject sa timetable ng paaralan. Gayunman, ang kalusugan, sex education at buhay may-pamilya ay mga kinakailangang subject. Kagaya rin ito ng highway code at edukasyon at kaalaman sa negosyo.

School camp sa isang ligtas na lugar
Ang school camp ay bahagi ng edukasyon sa paaralan, na nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga solidong karanasan. Ang mga guro ay nagtuturo, nagpapayo at tumitingin sa mga bata.
Tinatalakay ng mga guro ang mga praktikal na katanungan gaya ng pagkain at pagtulog sa labas ng tahanan kasama ang mga magulang upang maging kampante sila sa paglalakbay ng kanilang mga anak.
Magkatuwang na pagpapasya at demokrasya
Dapat ihanda ng paaralan ang mga bata sa pamumuhay sa isang malaya, demokratikong lipunan na nagbibigay ng responsibilidad at pagkakapantay-pantay. Ito ang dahilan kung bakit sila natututong makilahok sa pagdedesisyon at maging responsable.
Ang mga kapulungan ng mag-aaral ay pinakikinggan
Ang mga bata ay natututong magpahayag ng kanilang mga opinyon. Maaari silang bumuo ng mga kapulungan ng mag-aaral na kinokonsulta pagdating sa paggawa ng mahahalagang desisyon sa paaralan.
School camp
Ang school camp ay paglalakbay ng klase na may akademikang nilalaman. Ang school ay laging tumatagal ng ilang araw. kasama ng ilan sa mga guro nila, ang mga mag-aaral ay umaalis sa kanilang paaralan at sama-samang namumuhay ng ilang araw, halimbawa, sa isang kubo ng scout o katulad na kapaligiran na nagbibigay ng lugar sa pagtuturo, pagtitipon-tipon at magdamagang pananatili. Ang school camp ay bumubuo sa isang bahagi ng syllabus ng paaralan. May mahalagang bahaging ginagampanan din ito sa buhay panlipunan ng klase at pagsasamahan ng mag-aaral.
Bago umalis, ang mga bata ay naghahanda sa paglalakbay sa pagbabasa ng mga teksto, pagkalap ng impormasyon, pagtapos ng mga takdang-aralin at mga sanaysay sa mga akademikang paksa na may kaugnayan sa paglalakbay.
Sa school camp, ang mga bata ay sama-samang magluluto, sasakay ng bus at bisikleta, pupunta sa mga museo, mga tanawin at mga kumpanya, magsisiga, maglalakad-lakad at sama-samang maglalaro. Ang mga lalaki at babae ay natutulog sa magkahiwalay na dormitoryo.
Ang dalas at tagal ng mga school camp ay nagkakaiba sa isang paaralan at sa isa pang paaralan. Ang mga paglalakbay, gayunman, ay palaging mayroong ilang magdamagang paninirahan.
Danish bilang pangalawang wika
Mula sa edad na tatlo, ang mga bilingual na bata ay maaaring humingi ng tulong upang matuto ng Danish, kung saan kailangan. Ito ay isang serbisyong ibinibigay ng munisipal na awtoridad kasunod ng pagsusuri ng isang espesyalista sa wika tungkol sa lingguwistikal na pagsulong ng bata. Ang serbisyo ay binubuo ng ilang espesyal na gawain sa nursery o day care. Ang mga batang inaalagaan sa tahanan ay binibigyan ng 15 oras ng language stimulation sa isang linggo.
Kapag sinimulan ng isang bilingual na bata ang elementarya at mababang paaralang sekondarya, isang pagsusuri ang isinasagawa para malaman kung kailangan ng tulong ng bata sa Danish bilang pangalawang wika. Kung kinakailangan, ang bata ay maaaring tumanggap ng espesyal na pag-aaral ng Danish bilang pangalawang wika sa sarili nitong paaralan o sa iba. Ito ay nakahanda para sa mga bata mula sa pre-school hanggang sa ika-10 baitang, kung kinakailangan.
Pagtuturo sa katutubong wika
Ang mga munisipal na awtoridad ay dapat magbigay ng pagtuturo sa katutubong wika sa mga mag-aaral na mula sa Greenland at sa Faroe Islands at sa mga mag-aral na ang mga magulang ay mga mamamayan ng EU o EEA. Gayunman, ang pagtuturo ay gagawin lamang kung may sapat na bilang ng nakarehistrong mag-aaral.
Ang mga munisipal na awtoridad ay maaaring magbigay ng boluntaryong pagtuturo sa katutubong wika sa mga mag-aaral na mula sa ibang bansa. Ang mga munisipal na awtoridad ay maaaring maningil para sa serbisyong ito.
Kung ang bata ay nahihirapan makasunod
Kung ang iyong anak ay nahihirapan makasunod sa paaralan, maaari siyang tumanggap ng karagdagan o tulong na pag-aaral. Maaari itong gawin habang may klase o kaagad pagkatapos ng klase. Makipag-usap sa guro ng klase tungkol sa mga maaaring gawin.
Mga panghuling pagsusulit
Tinatapos ng mga mag-aaral ang elementarya at mababang paaralang sekondarya sa pamamagitan ng isang pagsusulit sa ika-9 na baitang. Maaari rin nilang piliin na magpatuloy sa ika-10 baitang, na natatapos din sa final exam. Pagkatapos nito, ang mga mag-aaral ay maaaring mag-enrol sa isang kurso sa pagssanay sa negosyo o magpatuloy sa mataas na sekondaryang edukasyon.
Continuation school
Ang mga mag-aaral ay nakatira sa paaralan
Maraming kabataan ang pumipili ng isa o higit pang taon sa continuation school sa ika-8, ika-9 o ika-10 baitang. Ang mga continuation school ay mga paaralang libre ang tirahan kung saan tumutuloy ang mga mag-aaral. Ang mga continuation school ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng alternatibong paraan ng pagtatapos ng elementarya at mababang sekondaryang edukasyon. Maraming kabataan ang pumipili ng continuation school dahil nais nilang sumubok ng bago o dahil kailangan nilang umalis muna sa tahanan.
Kailangan mong magbayad para magpatuloy
Kalinangang pantao
Sa pamamagitan ng pagtuturo at pagsasamahan, dapat patatagin ng mga continuation school ang kaalaman sa buhay, pangkalahatang kaalaman at kalinangang pang-demokrasya ng mag-aaral, at ang pagtuturo sa gayon ay naglalayong pagtuunan ang pangkalahatang pagpapalaki, kalinangang pantao at kahustuhan ng pag-iisip ng mag-aaral. Sa dahilang ito, maraming continuation schools ang nagtutuon sa mapanlikha at praktikal na subject na gaya ng drama, musika, sport, potograpiya, pagsasaka at iba't-ibang uri ng handicraft. Subalit ang mga layunin ng pagtuturo sa kanila ay katulad sa munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya, at sa karamihan ng continuation school ang mga mag-aaral ay naghihintay sa kanilang panghuling ika-9 at ika-10 baitang na pagsusulit. Ilang espesyal na continuation school ay nagbibigay ng tulong na pag-aaral, halimbawa, sa mga hirap na magbasang mag-aaral.
Ang pagtuloy sa isang continuation school ay maaaring magsulong sa kalinangang pang-akademiya ng mag-aaral. Halimbawa, maaari silang makahingi ng tulong sa takdang-aralin at ekstrang pag-aaral sa Danish. Ang pagtuloy sa isang continuation school ay magaling na paraan din ng paghahanda sa edukasyong pangkabataan at pagtatatag ng panlipunang network.
Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.efterskole.dk
Sa labas ng klase
Mga after-school center at ang plano sa after-school na pangangalaga
Ang mga bata ay maaaring mabantayan sa mga after-school center o sa mga plano sa after-school na pangangalaga (SFO) hanggang magsimula sila sa ika-3 o ika-4 na baitang. Dito, ang mga bata ay maaaring maglaro kasama ng kanilang mga kaibigan, gumawa ng takdang-aralin at sumali sa iba't-ibang aktibidad. Ang mga after-school center at SFO ay bukas araw-araw hanggang alas-singko o alas-sais ng hapon.
Kailangan mong mag-apply sa iyong munisipal na awtoridad para sa lugar sa isang after-school center o planong SFO. Kailangan mong sagutin ang ilan sa mga gastusin para sa serbisyong pangangalaga na ito, maliban kung ikaw ay binigyan ng libreng lugar. Maaari kang mag-apply sa iyong munisipal na awtoridad para sa libreng lugar.
Tulong sa takdang-aralin
Sa maraming munisipalidad, ang mga paaralan, library at mga lokal na organisasyon ay nagtutulungan upang makapagbigay ng tulong sa takdang-aralin sa mga batang nangangailangan. Magtanong sa iyong paaralan, library o munisipal na awtoridad.
Mga club para sa mga mas may-gulang na bata
Ang ilang munisipal na awtoridad ay mayroon ding mga club na panlibangan. Ang mga bata ay maaaring magpunta sa mga club kapg nakalakihan na nila ang mga after-school center o mga SFO.
Mga paaralang pangkabataan
Lahat ng munisipal na awtoridad ay may mga paaralang pangkabataan para sa mga batang 14 hanggang 18. Ang mga paaralang pangkabataan ay isang paraan ng pagdaragdag sa edukasyon sa paaralan sa iyong bakanteng oras. Ang pag-enrol ay boluntaryo at ang pag-aaral ay libre. Ang mga paaralang pangkabataan ay bukas sa hapon at gabi, at dito ay posibleng kumuha ng mga pang-akademika at mapanlikhang subject na gaya ng musika, potograpiya at ceramics, matuto tungkol sa IT at tumanggap ng panuto sa kung paano sumakay sa moped. Maaari ka rin makipagkita sa iba pang kabataan at magsama-sama. Maraming paaralan ang nag-oorganisa ng mga party tuwing Biyernes.
Ang isang paaralang pangkabataan ay maaaring may full-time na timetable ng paaralan na may opsyon na hintayin ang parehong mga pagsusulit kagaya sa elementarya at mababang paaralang sekondarya. Ang ilan ay mayroon din mga club at iba pang panlibangang aktibidad, ang ilan ay kailangang bayaran ng mga kasali. Magtanong sa iyong munisipal na awtoridad, paaralang pangkabataan o konsultahin ang Youth Education Guidance Service.
Pagkatapos ng elementarya at mababang paaralang sekondarya
Edukasyong pangkabataan
Kapag natapos mo na ang iyong basic na pag-aaral sa ika-9 o ika-10 baitang, maaari kang mag-apply para mai-enrol sa isang programang pang-edukasyon na pangkabataan. Ang mga programang pang-edukasyon na pangkabataan ay mga kurso na panimulang pag-aaral o mga programa sa propesyonal na kuwalipikasyon na kadalasang tumatagal ng tatlo o apat na taon. Ang mga programang ito ay libre at ang mga estudyante ay maaaring kumuha ng SU, ang plano na tulong pinansyal at loan sa edukasyong pang-estado, kapag umabot sila ng 18.
Ang plano na tulong pinansyal at loan sa edukasyong pang-estado
Ang plano na tulong pinansyal at loan sa edukasyong pang-estado, SU, ay isang uri ng pinansyal na tulong na ibinibigay sa mga estudyante habang sila ay nag-aaral. Ang SU ay binubuo ng libreng tulong pinansyal na, gayunman, ay nabubuwisan. Dagdag pa sa tulong pinansyal, ang mga estudyante ay maaaring mag-loan na dapat bayaran uli kapag natapos nila ang kanilang pag-aaral. Upang maging kuwalipikado sa SU, ang edukasyon na iyong nai-enroll ay dapat maaprubahan para sa tulong pinansyal sa edukasyong pang-estado, at hindi ka pinapayagan tumanggap ng iba pang uri ng tulong ng estado para sagutin ang mga gastos sa pamumuhay.
Kung ikaw ay hindi isang mamamayang Danish
Kung ikaw ay hindi isang mamamayang Danish, maaari kang mag-apply sa Danish Educational Support Agency at hingin na mailagay sa patas na katayuan kasama ng mga mamamayang Danish bago ka mag-apply.
Posible ito kung, halimbawa, ikaw ay lumipat sa Denmark kasama ng iyong mga magulang bago ang iyong ika-20 taong kaarawan at nakatira pa rin dito, kung ikaw ay kasal sa isang mamamayang Danish at tumira sa bansa sa loob ng dalawang taon, o kung ikaw ay may suwelduhang trabaho sa Denmark bago ka nagsimula sa iyong pag-aaral.
Kung ikaw ay isang mamamayan ng EU o EEA, maaari kang mag-apply na mailagay sa patas na katayuan kasama ng mga mamamayang Danish alinsunod sa mga regulasyon ng EU. Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.su.dk. Karamihan sa mga alituntunin ng SU ay magkakapareho anuman ang pinag-aralan. Ngunit mayroong, gayunman, ilang pagkakaiba para sa mga programang pang-edukasyon na pangkabataan at yaong sa mas mataas na edukasyon. Sumangguni tayo sa www.su.dk para sa karagdagang detalye.
Maaaring maimpluwensyahan ng lahat ang edukasyonal na nilalaman
Sa lahat ng institusyong pang-edukasyon, Maaaring iorganisa ng mga mag-aaral at estudyante ang kanilang mga sarili sa iba't-ibang grupo - mga pang-akademikang kapulungan ng estudyante, mga kapulungan ng estudyante or mga kapulungan ng mag-aaral. Ang mga grupong ito ang nangangalaga sa mga interes ng mga estudyante at humihiling tungkol sa nilalaman ng pinag-aaralan at kalidad. Ang lahat ay maaaring mangimpluwensya sa kanilang edukasyon sa pagtakbo sa halalan sa isang kapulungan ng mag-aaral o estudyante.
Edukasyon sa mataas na paaralang sekondarya
Dalawa hanggang tatlong taon
Ang edukasyon sa mataas na paaralang sekondarya ay tumatagal ng dalawa hanggang tatlong taon at nagbibigay daan sa mga programa ng mas mataas na edukasyon.

Ang Danish na pangkalahatang mataas na paaralang sekondarya (stx), na tatlong taong kurso at nagtatapos sa pagsusulit sa pagpasok sa unibersidad. Sa ilang paaralan (mga kurso ng estudyante), ang programa ay maaaring tapusin sa dalawang taon na full-time na pag-aaral. Ang layunin ng programa ay maihanda ang mga estudyante sa mas mataas na edukasyon. Ang programa ay naglalayon din na magbigay ng pangkalahatang edukasyon. Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral ay dapat matutong makipag-ugnayan sa mundo sa labas, sa kanilang kapwa tao, kalikasan, lipunan at sa kanilang sariling kalinangan. Para matanggap, bilang minimum na requirement dapat ay nakapasa ka sa final exam ng ika-9 na baitang sa munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya. Maaaring hilingin sa iyo na hintayin ang entrance exam, o maaari kang tanggapin ng mataas na paaralang sekondarya batay sa pagsusuring akademika.
- Ang edukasyon sa mataas na paaralang sekondarya ay binubuo ng:
- Ang Mas Mataas na Panimulang Pagsusulit, HF,na dalawang taong kurso. Ang layunin ng programa ay maihanda ang mga estudyante sa mas mataas na edukasyon. Ang programa ay naglalayon din na magbigay ng pangkalahatang edukasyon. Nangangahulugan ito na bunga ng kanilang pag-aaral, ang mga mag-aaral ay dapat matutong makipag-ugnayan sa mundo sa labas, sa kanilang kapwa tao, kalikasan, lipunan at sa kanilang sariling kalinangan. Para matanggap, dapat ay nakatapos ka ng ika-10 baitang ng munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya o katulad nito. O dapat ay makapasa ka sa isang espesyal na entrance exam.
- Edukasyon sa kolehiyo sa negosyo: Ang Mas mataas na komersyal na pagsusulit (hhx) at Mas mataas na teknikal na pagsusulit (htx), ay parehong tig-tatlong taong kurso. Ang layunin ng programa ay maihanda ang mga estudyante sa mas mataas na edukasyon. Ang programa ay naglalayon din na magbigay ng pangkalahatang edukasyon. Nangangahulugan ito na bunga ng kanilang pag-aaral, ang mga mag-aaral ay dapat matutong makipag-ugnayan sa mundo sa labas, sa kanilang kapwa tao, kalikasan, lipunan at sa kanilang sariling kalinangan. Para matanggap, bilang minimum na requirement dapat ay nakapasa ka sa final exam ng ika-9 na baitang sa munisipal na elementarya at mababang paaralang sekondarya. Maaaring hilingin sa iyo na hintayin ang entrance exam, o maaari kang tanggapin ng paaralan batay sa pagsusuring akademika.
Pagsasanay sa negosyo
125 na iba't-ibang kursong mapagpipilian
May 125 na iba't-ibang programang mapag-aaralan, halimbawa, karpentero, tubero, mason, sales assistant, electrician, chef at data technician. Ang mga kurso ay ginagawa sa mga kolehiyong bokasyonal at libre. Para matanggap, kailangan ay mayroon kang edukasyon na tumutugma sa siyam na taon ng elementarya at mababang paaralang sekondarya. Sa kabuuan ng kurso, kapwa ang estudyante at ang pagsasanay ay dapat makamit ang mga naitakdang layunin.
Danish exam
Kung hindi ka nakapasok sa isang paaralang Danish o nagkaroon pagkamamamayang Danish, maaaring hingin sa iyo ng kolehiyo na makapasa sa isang espesyal na Danish exam upang matanggap.
1½ hanggang 5½ taon
Tumatagal ng mula 1½ hanggang 5½ taon para matapos ang bokasyonal na pagsasanay, lahat ay depende sa specialist area na iyong pinag-aaralan. Ang pagsasanay ay natatapos sa nakumpletong pagsasanay bilang manggagawa o panghuling bokasyonal na pagsusulit, na mismong final exam.
Paaralan at praktikal na pagsasanay
May ilang kurso ng pagsasanay na limitado sa kolehiyo. Karamihan, gayunman, ay nagsasalitan sa pagitan ng pagsasanay sa kolehiyo at praktikal na negosyo.
Panibagong pagsasanay bilang manggagawa
Kung gugustuhin mong agad na simulan ang iyong praktikal na pagsasanay, karamihan sa mga kurso sa bokasyonal na pagsasanay ay nag-aalok ng kasunduan sa pagsasanay bilang manggagawa sa isang kumpanya kung saan kinukumpleto ng mga estudyante ang karamihan sa kanilang pagsasanay. Ito ay tinatawag na craft apprenticeship. Nakasalalay sa iyo ang paghanap ng kumpanya na handang pumasok sa isang pakikipagkasunduan sa iyo sa pagsasanay bilang manggagawa. Kailangan mong maghanda ng plano ng pagsasanay. Ang kolehiyo at ang kumpanya ay tutulong sa iyo sa bagay na ito.
SU at suweldo
Ang pagsasanay sa kolehiyong bokasyonal ay libre. Maaari kang kumuha ng SU para sa bahagi ng kurso na ginagawa sa kolehiyo. Kapag ikaw ay nasa bokasyonal na pagsasanay, ikaw ay tatanggap ng suweldo ng nagsasanay na manggagawa. Ang halaga ay magdedepende sa napiling subject at ang iyong edad.
Katulong sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan
Ang isang katulong sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan ay nagbabantay sa matatanda, sa may-sakit at may-kapansanan na nangangailangan ng espesyal na personal na pangangalaga at praktikal na tulong. Ang gawain ay ginagawa sa mga pribadong tahanan, mga nursing home at sa mga plano ng sama-samang pabahay.
Ang kurso ay tumatagal ng isang taon at dalawang buwan. Ang sandwich course ay hinati sa humigit-kumulang anim na buwan sa kolehiyong bokasyonal at walong buwan sa praktikal na pagsasanay. Sa pag-enrol, kailangan mong mag-apply sa isang kolehiyo sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan sa iyong munisipal na awtoridad. Kung natanggap ka, ikaw ay bibigyan ng pagsasanay bilang manggagawa sa ospital o munisipal na awtoridad. Maaari mong piliin na magsimula sa kolehiyo o sa praktikal na pagsasanay.
Ang kurso ay libre at tatanggap ka ng suweldo ng nagsasanay na manggagawa sa kabuuan ng iyong pagsasanay.
Assistant sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan
Kapag nakatapos ka na bilang katulong sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan, maaari kang magpatuloy para magsanay bilang isang assistant sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan. Ang mga assistant sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan ay nagtatrabaho sa mga ospital, nursing home at mga institusyon para sa may-kapansanan sa katawan at pag-iisip. Ang kurso ay tumatagal ng isang taon at walong buwan. Tatanggap ka ng suweldo ng nagsasanay na manggagawa sa kabuuan ng iyong pagsasanay.
Mga production college
Kung ikaw ay mas bata sa edad na 25, hindi nakatapos ng programang pang-edukasyon na pangkabataan at nangangailangan ng panahon upang pag-isipan ang iyong career sa hinaharap, maaari kang matanggap sa isang production college. May humigit-kumulang 100 production college na nakakalat sa bansa. Magkakaibang-magkakaiba sila sa uri ngunit binubuo ng iba't-ibang workshop at pagsasanay sa pangkalahatang paksa. Ang mga estudyante ay gumagawa sa production at gumagawa ng mga takdang-aralin na may layuning maibenta ang kanilang ginagawa. Kailangan mong mag-apply sa college para matanggap, at dapat aprubahan ng Youth Education Guidance Service* ng iyong munisipal na awtoridad ang iyong pananatili doon.
Basic na bokasyonal na edukasyon at plano ng pagsasanay (egu)
Ang mga munisipal na awtoridad ay dapat magbigay ng espesyal na basic na bokasyonal na edukasyon at plano ng pagsasanay para sa mga kabataan na mas bata sa edad na 30 na nakatira sa awtoridad na nakaranas ng kahirapan sa paghanap ng trabaho o edukasyon.
Ang egu ay isang praktikal na plano ng pagsasanay na nanglalayong makatulong sa mga kalahok na makahanap ng trabaho o makapagpatuloy sa mas mataas na edukasyon. Ang kurso ay karaniwang tumatagal ng dalawang taon at binubuo ng pag-aaral sa kolehiyo at praktikal na pagsasanay. Ito ay ginawa para sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao at sa mga oportunidad sa pagtatrabaho at praktikal na pagsasanay sa lokal na lugar.
Kasunod ng kasunduan sa mga munisipal na awtoridad, ang mga production at bokasyonal na college ay maaaring magbigay ng mga kursong egu.

Magtanong sa isang tagapayo sa edukasyon
- Sa mga indibidwal na kolehiyo at institusyong pang-edukasyon ang mga tagapayo sa edukasyon ay naroon upang magpayo sa iyo sa kung anong kurso ang pinakamabuti para sa iyong mga pangangailangan. Maaari ka rin humingi ng payo mula sa Youth Education Guidance Service sa iyong munisipal na awtoridad.
Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.borger.dk o www.uddannelsesguiden.dk

Ako ay nagtatamo ng magandang kita at respeto
Si Mohsin N. Rashad ay isang Turk na dating nakatira sa Iraq. Noong 2001, siya ay nagtungo sa Denmark. Siya ngayon ay nagsasanay na maging isang tubero.
"Ang aking ama ay isang inhinyero kung kaya nung una ay naisip kong sumunod sa kanyang mga yapak. Subalit napagpasyahan kong magsanay bilang isang craftsman. Gusto ko ang aking trabaho at paggawa sa iba't-ibang itinatayong lugar. Masayang-masaya ako sa programa ng pagsasanay at wala akong pinagsisisihan sa aking napili; walang kaibahan sa pagtrato sa akin at sa iba pang estudyante. Hindi mahalaga kung nagsanay kang maging isang inhinyero o isang craftsman. Ang suweldo ay pareho lang at tinatamo mo ang parehong respeto."
Trainee o on-the-job na sesyon ng pag-aaral
Sa ilang kalakalan, ang mga kabataan sa pagitaan ng 15 at 18 ay maaaring pumasok sa 3-6 na buwan kasunduan sa pagtatrabaho bilang trainee sa isang kumpanya kung saan sila ay tatanggap ng suweldo ng isang trainee. Ang layunin ng plano sa trainee ay upang pumasok sa isang aktuwal na kasunduan sa pagsasanay ang kapwa partido. Magtanong sa Youth Education Guidance Service.
Payo tungkol sa edukasyon at pagtatrabaho
Ngayon ay mas maraming oportunidad sa edukasyon kaysa dati. Ang ilang programang pang-edukasyon ay nakabatay sa prinsipyo, habang ang iba ay nagtutuon sa mga kalakalan. Mahalagang humanap ng edukasyon na tumutugma sa mga pangangailangan at interes ng indibidwal. Sa paaralan, ang mga bata ay binibigyan ng pagpapayo sa career na naglalayong iharap sila sa Danish na sistema ng edukasyon at sa job market.
Ang tagapayo
Ang tagapayo ay isang tao na nakikipag-usap sa mga kabataan at mga magulang tungkol sa pipiliing propesyon at edukasyon. Ang tagapayo ay tumutulong sa paghanap ng impormasyon tungkol sa iba't-ibang programang pang-edukasyon at nagpapaliwanag ng mga kinakailangan sa pag-aaral. Sa ganitong paraan, ang mga estudyante ay natutulungan sa pagpili ng mga programa kung saan sila ay kuwalipikado - at kayang tapusin.
May iba't-ibang uri ng tagapayo. Sa elementarya at mababang paaralang sekondarya, ang tagapayo ay kilala bilang UU counsellor (Tagapayo sa edukasyong pangkabataan), habang sa iba pang institusyong pang-edukasyon siya ay tinatawag na tagapayo ng career o gabay na tagapayo sa edukasyon at bokasyon.
Tagapayo sa edukasyong pangkabataan (UU)
Ang Youth Education Guidance Service ay nagbibigay ng tulong at payo tungkol sa edukasyon at pagtatrabaho sa lahat ng kabataan sa ilalaim ng edad na 25. ang UU ay nakikipagtulungan sa mga paaralan upang makapagbigay ng impormasyon na nakakatulong sa mga kabataan na pumili ng edukasyon. Ang UU ay maaaring kontakin sa iyong lokal na UU center.
Gabay sa paaralan
Sa paaralan, ang guro ng klase at ang UU na tagapayo ang nagpapayo sa mga mag-aaral at mga magulang. Ang UU na tagapayo ay nagbibigay ng personal na paggabay Sa madaling salita, ang tagapayo ang nakikipag-usap sa mga kabataan tungkol sa edukasyon at pagtatrabaho. Ang tagapayo ay tumutulong din sa mga mag-aaral sa ika-6 hanggang ika-10 baitang na sumulat ng booklet sa edukasyon. Sa ika-9 at ika-10 baitang, tinatapos ng mga mag-aaral ang kanilang booklet sa edukasyon sa paggawa ng isang plano ng edukasyon kung saan sinusulat nila ang edukasyon na kanilang napili. Mahalagang magpakita ng interes ang mga magulang sa isip ng kanilang mga anak sa panahon ng kanilang pag-aaral sa paaralan. Maaaring basahin ng mga magulang ang booklet sa edukasyon at ang plano ng edukasyon, at talakayin ang nilalaman sa kanilang mga anak.
Maraming alam ang mga tagapayo, ngunit ang mga magulang at mag-aaral mismo ay maaari rin tumingin sa iba't-ibang posibilidad. Maaaring gawin ito sa paghahanap sa Internet, halimbawa, o sa pagpunta sa iba't-ibang institusyong pang-edukasyon o mga pampublikong library.
After-school na paggabay
Ang mga kabataan na nagpapatuloy sa mas mataas na edukasyon ay maaaring tumanggap ng paggabay mula sa kanilang institusyong pang-edukasyon. Ang tagapayo ay maaaring makatulong sa pagpili ng subject, pagpaplano ng kurso at SU (ang Plano na Tulong Pinansyal sa Edukasyong Pang-estado).
Ang mga kabataan sa ilalim ng edad 25 na umalis sa paaralan pagkatapos ng ika-9 o ika-10 baitang ay maaaring tumanggap ng paggabay mula sa kanilang lokal na UU center. Ito ay ipinatutupad sa mga kabataan, halimbawa, na hindi pa nakapagsimula ng edukasyon o nakapagsimula subalit nabigong makatapos. Ang address at numero ng telepono ng iyong lokal na UU center ay maaaring makuha mula sa iyong paaralan, sa munisipyo o sa pag-log sa www.uddannelsesguiden.dk.
Karagdagang pagpapayo sa edukasyon
Nakakalat sa buong bansa ay pitong sentro ng edukasyon at paggabay na nagbibigay ng mas mataas na pagpapayo sa edukasyon. Matatagpuan mo ang address at numero ng telepono ng pinakamalapit na sentro ng edukasyon at paggabay sa pag-log sa www.ug.dk.
Karamihan sa mga institusyong pang-edukasyon ay may tagapayo sa curriculum na maaaring magpayo tungkol sa nilalaman ng programang pang-edukasyon, mga kinakailangan para makapasok, mga aplikasyon at mga oportunidad sa career sa hinaharap.
Pagpapayo sa edukasyon ng may-gulang at trabaho
May iba't-ibang resource na bukas sa mga may-gulang na naghahanap ng payo tungkol sa edukasyon at pagtatrabaho.
Sinoman na naghahanap ng trabaho ay maaaring mag-apply sa mga job center sa munisipal na awtoridad.
Ang mga sentro ng wika at mga VUC (Mga sentro ng pag-aaral ng may-gulang) ay nagbibigay ng pagpapayo sa mga kurso at programang pang-edukasyon na nagbibigay daan sa mas mataas na edukasyon. Ang pagpapayo tungol sa mga kurso sa bokasyonal na pagsasanay at mga programang pang-edukasyon ay maaaring makuha mula sa mga bokasyonal at kolehiyo sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan. Ang ilang day high school at folk high school ay nagbibigay ng paggabay bilang bahagi ng kanilang syllabus.
Ang pagpapayo sa mas mataas na edukasyon ay ginagawa sa pitong sentro ng edukasyon at paggabay sa bansa o sa institusyong pang-edukasyon kung saan mo binabalak mag-enrol.
Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.borger.dk, www.uddannelsesguiden.dk at www.vidar.dk
Mas mataas na edukasyon
pang-maikli, pang-katamtaman, at matagalang mas mataas na edukasyon
Kung natapos mo ang mataas na sekondaryang edukasyon, maaari kang kumuha ng programa ng mas mataas na edukasyon. May tatlong uri ng programa ng mas mataas na edukasyon:
- Ang maiikling programa ng mas mataas na edukasyon ay karaniwang tumatagal ng dalawang taon. Dito ay maaari kang mag-aral upang maging laboratory technician, market economist, certified electrician o mechanical engineer. Kapwa ang bokasyonal na edukasyon at pagsasanay at ang pangklahatang mataas na sekondaryang edukasyon ay nagbibigay ng access sa maiikling programa ng mas mataas na edukasyon.
- Ang Kainamang-tagal, na mga programa ng professional bachelor ay tumatagal sa pagitan ng tatlo at apat na taon. Dito ay maaari kang mag-aral upang maging guro, gurong panlipunan, nars, inhinyero o social worker.
- Ang mga matagalang programa ng mas mataas na edukasyon na pinag-aaralan sa unibersidad o mga institusyon sa mas mataas na edukasyon. Dito ay maaari kang mag-aral upang maging doktor, dentista, inhinyero o guro sa mataas na paaralang sekondarya. Ang mga programang pang-edukasyon sa unibersidad ay tumatagal sa pagitan ng lima at anim na taon at maaaring dagdagan ng programang PhD kung saan ang mga estudyante ay tumatanggap ng suweldo at nananaliksik at nagtuturo sa loob ng tatlong taon.
Alamin ang iba pa tungkol sa iyong pag-asang makapag-aral sa www.uddannelsesguiden.dk.
Mga kinakailangan sa pagpasok
Bawat programa ay may sariling requirement sa pagpasok na karaniwang nangangailangan ng mga partikular na pagsusulit at magkaminsan ay iba pang kuwalipikasyon. Ang ilang programang pang-edukasyon ay nagpapatupad ng patakaran na mahigpit na pagtanggap sapagka't mas maraming kuwalipikadong aplikante kaysa mga nakahandang lugar. Karamihan ng programang pang-edukasyon ay may quota system na may dalawang quota. Ibig sabihin nito ay tumatanggap sila ng mga aplikante sa dalawang quota. Sa unang quota, ang mga aplikante ay tinatanggap batay sa kanilang mga grado sa pagsusulit na kuwalipikasyon. Sa ikalawang quota, ang mga estudyante ay tinatanggap batay sa iba pang criteria sa pagpili na partikular sa programa.
Coordinated enrolment system (KOT)
Hinihingi sa mga estudyante ng halos lahat ng programa ng mas mataas na edukasyon na mag-enrol sa pamamagitan ng coordinated enrolment system (KOT). Makukuha mo ang mga application form sa pag-log sa www.optagelse.dk.
Mga entrance examination
Ang ilang programang pang-edukasyon ay nangangailangan ng mga entrance exam. Karaniwang ipinatutupad ito sa mga mapanlikha o craft-oriented na programa sa pag-aral gaya ng pag-arte, pagdidirek ng pelikula, journalism at disenyo.
Mga kuwalipikasyon mula sa ibang bansa
Mga espesyal na alituntunin sa pagtanggap ng mga aplikanteng may hawak na kuwalipikasyon mula sa ibang bansa. Mababasa mo ang iba pa tungkol sa mga alituntuning ito sa handbook sa pagsusulit sa www.ciriusonline.dk.
Sanayin ang iyong sarili sa programa at makipagkilala sa mga kapwa estudyante
Sa karamihan ng universidad at mga institusyon sa mas mataas na edukasyon, ang mga programa ay nagsisimula sa kurso ng orientation para sa mga bagong estudyante. Dito, ang mga bagong estudyante ay ipinapakilala sa isa't-isa at sa programa sa pamamagitan ng mga akademikal na presentasyon, talakayan at mga kasayahan. Kadalasan, ang mga bagong estudyante ay sabay-sabay na lalabas para sa isang sandaling pamamasyal.

Sa Copenhagen University, ang mga bagong estudyante ay tinatanggap ng rector.
Mga espesyal na kurso para sa mga may-gulang
Lahat ng antas
Bilang isang estudyanteng nasa hustong isip, maraming magagandang oportunidad sa edukasyon at pag-aaral. Maaari kang kumuha ng kurso sa pangkalahatang edukasyon, kumuha ng full-time na programang pang-edukasyon o pagpapatuloy ng pagsasanay. Halos lahat ng antas ng pag-aaral ng may-gulang ay are ipinapakita sa Danish na sistema ng edukasyon. Sa mga sentro ng pag-aaral ng may-gulang (VUC), ang mga may-gulang ay maaaring sumali sa panimulang edukasyon ng may-gulang (FVU), mga kurso para sa mga may-gulang na hirap magbasa, pangkalahatang edukasyon ng may-gulang (AVU) at mas mataas na panimulang kurso sa iisang subject.
Mag-log sa www.vuc.dk o www.vidar.dk para hanapin ang address ng sentro ng pag-aaral ng may-gulang na pinakamalapit sa iyong tahanan o pinagtatrabahuhan. Malalaman mo ang iba pa tungkol sa edukasyon at ang iyong pag-asang makatanggap ng pinansyal na tulong habang ikaw ay nag-aaral.
Panimulang edukasyon ng may-gulang (FVU)
Ang FVU ay para sa mga may-gulang na nais pabutihin ang kanilang pagbasa, pagsulat, pagbaybay at kasanayan sa matematika. Ang pag-aaral ay hinati-hati sa tatlong antas, at magsisimula ka sa antas na pinakamabuti para sa iyong mga kakayahan at pangangailangan. Maaari kang kumuha ng panghuling pagsusulit matapos ang bawat antas. Ang FVU ay libre. Para magkaroon ng kabuuang-ideya, mag-log sa www.vidar.dk. Dito ay makikita mo kung saan ginagawa ang pag-aaral. Ang mga sentro ng pag-aaral ng may-gulang (VUC), night school at mga pribadong guro ay karaniwang matatagpuan sa buong bansa.
Mga kurso para sa mga may-gulang na hirap magbasa
Ang mga kurso para sa mga may-gulang na hirap magbasa ay nilalayon para sa mga may-gulang na hirap magbasa at magsulat dahil sa dyslexia. Ang pag-aaral ay libre. Mag-log sa www.vidar.dk para makita ang kabuang-ideya ng mga institusyon na nagbibigay ng pag-aaral. Ang mga sentro ng pag-aaral ng may-gulang (VUC), night school at mga pribadong institusyon ay karaniwang matatagpuan sa buong bansa.
Tulong na pag-aaral
Ang tulong na pag-aaral ay kasing indibidwal ng pagtuturo at pagpapayo sa mga may-gulang na may kapansanang pisikal o sa pag-iisip. Ang layunin ay ang matulungan ang mga kalahok na makapagpatuloy sa aktibo at independiyenteng buhay may-gulang.
Maaari kang mag-apply sa iyong munisipal na awtoridad kung nais mong mabigyan ng pagsusuri upang malaman kung ang tulong na pag-aaral ay sapat para sa iyo.
Pangkalahatang edukasyon ng may-gulang (AVU)
Ang pangkalahatang edukasyon ng may-gulang ay pag-aaral sa ilang pangkalahatang subject na gaya ng Danish, Danish bilang pangalawang wika, math, mga subject sa computer, English at social science. Ang mga subject na ito ay hindi nakatuon sa anumang partikular na kalakalan ngunit maaaring kailangan para sa karagdagang pagsasanay o para mapabuti sa iyong trabaho. Ang kurso ay maaaring magtapos sa mga pagsusulit na tumutugma sa final exam sa ika-9 o ika-10 baitang ng elementarya at mababang paaralang sekondarya.
Maaari kang pumasok sa araw, sa gabi, gumamit ng pag-aaral sa malayo, o maging isang malayang estudyante kung saan mag-isa kang nag-aaral at maghintay sa final exam.
Kailangan mong magbayad ng maliit na halaga para makasali sa mga klase.
HF - mas mataas na panimulang kurso sa iisang subject
HF, ang mas mataas na panimulang pagsusulit, ay isang mataas na sekondaryang edukasyon. Sa VUC, ang pag-aaral ay pinlano bilang isang subject na kurso upang makuha mo ang mga subject na kailangan mo.
Maaari kang pumasok sa araw, sa gabi, gumamit ng pag-aaral sa malayo, o maging isang malayang estudyante kung saan mag-isa kang nag-aaral at maghintay sa final exam.
Kailangan mong magbayad ng maliit na halaga para makasali sa mga klase.
Karagdagang edukasyon ng may-gulang (VVU)
Ang mga may-gulang na may edukasyon at karanasan ay may napakagandang pag-asa para sa mas mataas na edukasyon. Maraming institusyong pang-edukasyon ang nag-aalok ng mga kurso at programa para sa mga may-gulang na nagnanais mapabuti ang kanilang mga kasanayan, halimbawa habang may hinahawakang full-time na trabaho. Depende sa programa at sa iyong karanasan, maaari kang kumuha ng klase na tumutugma sa pang-maikli, pang-katamtaman at matagalang mas mataas na edukasyon.
Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.vidar.dk at www.uddannelsesguiden.dk
Bokasyonal na pagsasanay ng may-gulang (AMU)
Maiikling programa sa pagsasanay:
Ang mga programa sa bokasyonal na pagsasanay ng may-gulang ay maiikling kurso para sa mga may-kasanayan at walang-kasanayang manggagawa na nagtatrabaho sa mga pribado o pampublikong kumpanya. Ang mga programa sa bokasyonal na pagsasanay ng may-gulang ay maaari rin maging bahagi ng mga inisyatibo sa pag-aaktibo sa trabaho* na ibinibigay ng mga job center sa mga walang trabaho.
2,500 iba't-ibang kurso
May humigit-kumulang 2,500 iba't-ibang kurso sa bokasyonal na pagsasanay ng may-gulang na nakahanda sa iba't-ibang sektor, halimbawa, pangangalakal at klerikal, lipunan at pangangalaga ng kalusugan, konstruksyon, agrikultura, industriya ng paggawa sa metal, mga industriya ng serbisyo at ang industriya ng sasakyan. Para sa karagdagang detalye, sumangguni tayo sa kabuuang-ideya sa på www.vidar.dk.
Dito ay makikita mo rin kung saan ginaganap ang mga kurso. Ang mga kursong ito ay ginaganap sa mga sentro ng bokasyonal na pagsasanay ng may-gulang, mga kolehiyong teknikal, mga paaralan sa pagnenegosyo, mga kolehiyo sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan, mga pambansang institusyon para sa mga gurong panlipunan at mga pribadong institusyon sa buong bansa.
Bayad
May bayad sa pag-aaral. Maaari mong maipasauli ang bayad nito. Ang iyong unemployment fund o job center ang makapagsasabi sa iyo ng iba pa tungkol dito.
Para sa mga bilingual na mamamayan
Kung hindi ka pa sapat na bihasa sa Danish para makasali sa kurso, posibleng kumuha ng mga espesyal na kurso. Sa pagkakataong ito, isa o higit pang programa sa bokasyonal na pagsasanay ng may-gulang ang isasama na may pag-aaral ng Danish. Posible rin na kumuha ng programa sa bokasyonal na pagsasanay ng may-gulang sa wikang Danish na hindi isinasama sa iba pang uri ng programang pang-edukasyon.
Pagtanggap sa mga kuwalipikasyon mula sa ibang bansa
Magagamit mo ba ang iyong kuwalipikasyon sa Denmark?
Kung natapos mo ang iyong edukasyon sa labas ng Denmark, kailangan mong alamin kung magagamit mo iyon na ganoon, o kung kailangan mo muling magsanay upang makapagtrabaho sa Denmark.
Tulong sa pagsusuri ng mga kuwalipikasyon mula sa ibang bansa
Ang CIRIUS ang sentrong kinatawan sa Denmark kung saan ka maaaring mag-apply kung nais mong masuri ang iyong kuwalipikasyon mula sa ibang bansa kaugnay ng Danish na sistema ng edukasyon at job market. Sumangguni tayo sa www.ciriusonline.dk/anerkendelse para sa karagdagang detalye.