To start page

5 Paghanap ng matitirahan



Ika 5- kabanata – Paghanap ng matitirahan


Pagrenta o pag-ari

Iba't-ibang uri ng pabahay

Karamihan sa pabahay sa Denmark ay binubuo ng mga apartment na maraming palapag, naka-terrace na bahay o nakahiwalay na bahay. Ang pabahay ay binubuo ng paupahang tirahan, pabahay ng kooperatiba at pabahay na ookupahan ng may-ari. Ang karamihan sa mga paupahang tirahan ay matatagpuan sa mga gusali na maraming palapag. Marami ang ginawa sa malalaking bloke ng flat na magkakagrupo sa mga bahaging urban sa malalaking siyudad. Ang mga paupahang tirahan ay pribadong pag-aari o pag-aari ng isang suportadong asosasyon sa pabahay.

Mga apartment na ookupahan ng may-ari at nakahiwalay na bahay

Ang mga apartment na ookupahan ng may-ari, naka-terrace na bahay, at nakahiwalay na bahay ay maaaring bilhin. Karamihan sa nakahiwalay na bahay ay mga tahanan na pang-isang pamilya na ginawa sa kanilang sariling lote. Sa mas malalaking bayan at siyudad, ang mga pabahay na ookupahan ng may-ari ay kadalasang napakamahal.

Tingnan ang mga ad o magtanong-tanong

Sa maraming bahagi ng bansa, ang paghanap ng matitirahan ay maaaring mahirap. Kung nais mong humanap ng matitirahan, maaari kang:

  • Kumonsulta sa tanggapan sa pabahay ng iyong munisipal na awtoridad.
  • Isulat ang iyong pangalan sa waiting list ng building association.
  • Tingnan ang mga ad sa mga pang-araw-araw na pahayagan, lokal na pahayagan o mga pahayagan sa espesyal na pabahay. Maaari ka rin maglagay ng ad na nagsasaad na ikaw ay naghahanap ng matitirahan.
  • Maghanap sa Internet. Dito, maaari kang maglagay ng libreng ad. Makakakuha ka ng libreng access sa Internet sa iyong lokal na library.
  • Tumingin sa ilalim ng "Seksyon sa matitirahan" sa yellow pages ng iyong telephone directory o mag-log sa www.degulesider.dk.
  • Maglagay ng abiso sa mga lokal na supermarket.
  • Magtanong sa kapamilya, mga kaibigan at mga kakilala.

Paupahang tirahan

Panlipunan o pribadong pabahay

Ang mga paupahang tirahan ay maaaring pribadong pag-aari o pag-aari ng isang building association. Maaari mong isulat ang iyong pangalan sa waiting list para sa apartment. Nangangahulugan ito na maaari mong upahan ang apartment kapag ang iyong pangalan ay lumitaw sa itaas ng lista. Ngunit maaaring abutin ito ng maraming taon. Magtanong sa isang asosasyon sa pabahay.

Maaari kang ituro ng iyong munisipal na awtoridad

Ang iyong munisipal na awtoridad ay may ilang suportadong apartment na pabahay na maitatalaga. Maaari kang makahanap ng apartment sa ganitong paraan. Magtanong sa iyong munisipal na awtoridad.

Ang mga apartment na pribadong pag-aari ay bibihirang may waiting list

Ang mga asosasyon sa pabahay na pribadong pag-aari ay bibihirang may waiting list. Dito, ang may-ari ang nagpapasya kung sino ang magrerenta sa bakanteng apartment.

Kasunduan sa pangungupahan

Mga karapatan at tungkulin

Kapwa ang nangungupahan at ang may-ari ay may mga karapatan at tungkulin. Ang mga ito ay nakatakda sa Danish Rent Act. Kasama sa Batas ang mga alituntunin tungkol sa pagtapos ng pag-upa. Bilang nangungupahan, karaniwan ay kailangan mong magbigay ng tatlong buwang abiso. At hindi ka maaaring basta lang palabasin sa kalye ng may-ari ng lupa dahil sa iyong pagkabigong matugunan ang mga tungkulin.

Ang Danish Rent Act ay naglalaman din ng mga alituntunin patungkol sa antas ng renta, pagpapanatili ng apartment at ang dami ng tao na pinapayagang manirahan sa apartment.

Tanawin ng bayan

Marami ang nakatira sa kani-kanilang bahay

Sa Denmark, 63% ng populasyon ay nakatira sa mga bahay na pang-isang pamilya. Lalong totoo ito sa mga mag-asawang may mga anak, na ang karamihan ay nag-aari ng kanilang sariling tahanan. Karamihan sa mga tahanan na pang-isang pamilya ay magkakatabi ang lote. Ang ilan ay mga naka-terrace na bahay.

Mga 30% ang nakatira sa apartment sa isang bloke ng mga flat. Karamihan sa mga bloke ng mga flat ay paupahang tirahan.

Ang ilan ay nakatira sa pangkomunidad na pabahay na ang bawat tao ay may kanya-kanyang kuwarto at naghahati sa gastos, pagluluto at iba pang gawain sa bahay.

Maraming kabataan ang naghahati sa mga apartment o umuupa ng kuwarto mula sa mga pribadong may-ari ng bahay.

Ang mga estudyante ay maaaring umupa ng mga kuwarto sa isang tirahan para sa mag-aaral. Ang isang tirahan para sa estudyante ay naglalaman ng maraming estudyante na ang bawat estudyante ay may sariling kuwarto. Karaniwan, bawat kuwarto ay may sariling kubeta at paliguan, habang ang mga residente ay naghahati sa kusina at isang silid.



May karapatan ka para sa isang kasunduan sa pangungupahan

Alinsunod sa Danish Rent Act, karapatan mong humingi ng kasunduan sa pangungupahan na nagsasaad ng mga kondisyong napagkasunduan mo at ng iyong kasero. Bukod sa ibang bagay, dapat isaad ng kasunduan sa pangungupahan kung ilang abiso ang dapat mong ibigay kapag tinatapos ang pag-upa. At dapat isaad nito kung ano dapat ang kondisyon ng apartment kapag nilisan mo na ito.

Tiyakin na nakalagay pareho ang mga pangalan sa kasunduan sa pangungupahan

Kug kayo ay mag-asawa na sabay na maninirahan sa parehong apartment, tiyakin na ang mga pangalan ninyo ay nakasulat sa kasunduan sa pangungupahan. Ito ang magiging katiyakan na isa sa mga partido ay maaaring manatili sa apartment kung ang kabilang partido ay umalis o nagdiborsyo ang mag-asawa.

Alamin kung may mga sira at depekto ang apartment

Huwag lagdaan ang kasunduan sa pangungupahan bago mo mabasa ang mga detalye. At hindi bago kayo magpunta ng kasero sa apartment para alamin ang anumang sira at depekto.

Kung ang apartment ay may mga sira at depekto, isulat ang mga ito, maaaring sa kasunduan sa pangungupahan o sa isang alternatibong papel na dapat mong lagdaan at ng iyong kasero. Kung may nakita kang mga sira at depekto sa apartment pagkatapos lumipat, dapat mong kontakin ang tagapangalaga ng gusali sa loob ng unang 14 na araw. Titiyakin nito na hindi mo kailangang magbayad para sa pinsalang hindi mo ginawa.

Hulog na deposito o upa

Makipagkasundo sa kasero tungkol sa hulog

Dapat mong asahan na maghulog ng deposito o upa bago o kasama ng unang buwang renta. Ang laki ng deposito o hulog ay pagpapasyahan mo at ng iyong kasero.

Maaaring gamitin ng kasero ang deposito o hulog para sagutin ang gastos sa mga pinsala sa apartment. Gayunman, kung iiwan mo apartment sa parehong kondisyon gaya ng matagpuan mo ito, dapat ibalik ng kasero ang buong halagang deposito o hulog kapag umalis ka sa apartment.

Gaano karaming mangungupahan?

Maaaring may ilang limitasyon

Sa kasunduan sa pangungupahan, isinasaad ng ilang kasero ang pinakamaraming bilang ng mangungupahan na maaaring tumira sa apartment. At maaaring piliin ng mga munisipal na awtoridad na pagtibayin ang patakaran na pumipigil sa dami ng tao sa bawat salas sa dalawang tao. Itanong sa iyong munisipal na awtoridad ang tungkol sa kung anong alituntunin ang umiiral.

Tulong sa renta

Kumuha sa iyong lokal na awtoridad ng loan at tulong sa renta

Maaari kang kumuha sa iyong munisipal na awtoridad ng loan na deposito para sa iyong inuupahang tirahan. Susuriin ng awtoridad ang iyong hiling batay sa iyong pinansyal at katayuan sa lipunan. Hinihingi sa iyo na bayaran uli ang loan.

Bilang nangungupahan, maaari ka rin kumuha sa iyong munisipal na awtoridad ng tulong sa renta. Ito ay tinatawag na tulong sa renta kakalkulahin ito ng awtoridad batay sa:

  • Dami ng taong nakatira sa apartment.
  • Laki ng apartment.
  • Halaga ng renta.
  • Laki ng kabuuang kita ng buong pamilya.

Ang mga pensyonado ay maaaring kumuha ng espesyal na panustos sa pabahay.

Mga reklamo

Kung hindi ka masaya sa desisyon ng munisipal na awtoridad tungkol sa loan na deposito o tulong sa renta, maaari kang magreklamo. Ang sulat mula sa munisipal na awtoridad ay dapat maglaman ng mga panuntunan sa pagrereklamo na nagpapaliwanag kung saan at kung kailan mo maaaring ihain ang iyong reklamo.

Payo

Makipag-usap sa isang tagapayo sa pabahay

Ang ilang malalaking non-profit na asosasyon sa pabahay ay may kanya-kanyang tagapayo sa pabahay. Dito ay maaari kang makakuha ng kapaki-pakinabang na payo tungkol sa iyong tirahan at tulong sa pag-unawa sa mga sulat kaugnay ng iyong tirahan.

Pabahay ng kooperatiba

Kailangan mong magbayad ng share pati na rin ang renta

Ang isang pabahay ng kooperatiba ay binubuo ng isa o higit pang bahay o isa o higit pang apartment na pag-aari at pinamamahalaan ng isang kooperatiba ng samahan sa pabahay. Ang kooperatiba ng samahan sa pabahay ang nagmamay-ari ng ari-arian. Kapag bumili ka ng share ng ari-arian, magkakaroon ka ng karapatang gamitin ang isang bahagi ng ari-arian na pagmamay-ari ng samahan. Dagdag pa sa share, dapat ka rin magbayad ng renta sa samahan sa pabahay.

Mga alituntunin at mga aktibidad

Bilang kasapi ng kooperatiba, ikaw ay awtomatikong nagiging kasapi ng samahan sa pabahay. Bilang kasapi ng kooperatiba sa pabahay may karapatan kang sumali at bumoto sa taunang pagpupulong ng samahan. Sa taunang pagpupulong, ang mga kasapi ang magpapasya kung aling mga alituntunin ang paiiralin sa samahan. Ang taunang pagpupulong ang magpapasya rin kung kailan at kung paano pananatilihin at pabubutihin ang gusali.

Pagpapaupa ng inuupahan at pakikipagpalitan ng apartment

Pagpapaupa ng nangungupahan

Posibleng umupa ng apartment mula sa isang nangungupahan o kasapi ng kooperatiba sa pabahay. Ito ay tinatawag na "subletting" at pinapayagan sa loob ng dalawang taon. O mas matagal, kung pinahihintulutan ng may-ari o ng mga alituntunin.

Pakikipagpalitan sa isang nangungupahan

Sa ilang paupahan at pabahay ng kooperatiba posibleng ipagpalit ang iyong apartment sa iba pang nangungupahan o kasapi ng kooperatiba sa pabahay. Sa madaling salita, kung ikaw ay may apartment maaari mo itong ipagpalit sa isa na mas maliit o mas malaki. O sa isang apartment sa ibang lugar. Magtanong sa tanggapan ng administrasyon ng gusali o tanungin ang lupon ng samahan ng kooperatiba kung maaari mong ipagpalit ang iyong apartment.

Ipinagbibiling apartment


Tirahan na sariling pag-aari

Ang isang pabahay na ookupahan ng may-ari ay maaaring bahay o apartment na iyong bibilhin.

Pahintulot para makabili ng ari-arian

Kung hindi ka nakatira sa Denmark o hindi nakapanirahan sa bansa sa loob ng minimum na limang taon, kakailanganin mo ng pahintulot mula sa Ministry of Justice para makabili ng tahanang ookupahan ng may-ari. Kailangan mong magpadala ng aplikasyon sa Ministry of Justice, na nakapaloob ang impormasyon tungkol sa ari-arian na nais mong bilhin kasama ng kopya ng iyong permit sa paninirahan. Makakaasa kang mabigyan ng pahintulot kung balak mong gamitin ang ari-arian bilang iyong permanenteng tirahan. Kung ikaw ay mamamayan ng EU, maaari mong bilhin ang iyong ari-arian na ookupahan na walang pahintulot mula sa Ministry of Justice kung balak mong gamitin ang ari-arian bilang iyong permanenteng tirahan.

Mga ahente sa ari-arian

Karamihan sa mga ari-ariang ookupahan ng may-ari ay ibinebenta sa pamamagitan ng mga ahente sa ari-arian. Tingnan ang mga ad sa mga pahayagan, sa Internet, o makipag-alam sa isang ahente sa ari-arian sa lugar kung saan mo balak bumili ng ari-arian.

Ang ahente sa ari-arian ay una sa lahat ang kinatawan ng nagbebenta subalit maaari rin magpayo sa bumibili tungkol sa mga karapatan niyang bumili.

Laging gumamit ng abogado

Makabubuting gumamit ng abugado. Titiyakin nito na ang iyong mga interes ay mababantayan.

Loan - pautang ng bangko o sangla

Maaari kang humiram ng pera mula sa isang nagpapasangla* upang mabili ang iyong bahay o apartment. Maaari kang humiram ng pera mula sa isang bangko upang mabili ang bahay ng iyong samahan sa pabahay. Susuriin ng nagpapasangla o bangko ang iyong kakayahang mabayaran ang loan bago aprubahan ito. Mahalaga na ikaw ay may trabaho at kumikita ng regular na suweldo.

Kuryente, heating at tubig

Dagdag pa sa renta, loan o sangla, kailangan mong magbayad ng kuryente, heating at tubig. Ikaw ay nagbabayad ayon sa iyong nakokonsumo. May mga metro sa ari-arian. Ang kuryente ay ibinibigay ng isang pribadong kumpanya sa kuryente, habang ang heating ay nanggagaling sa isang munisipal o pribadong heating plant. Ang malalaking tirahang gusali ay maaaring may sariling heating plant. Kung pag-aari mo ang iyong tirahan, karaniwan mong babayaran ang iyong singil sa tubig kasama ng iyong amilyar.

Mahal ang bayad

Sa Denmark, mahal ang kuryente, tubig at heating. Ito ay dahil gusto ng lipunan na limitahan ang konsumo sa enerhiya upang maprotektahan ang kapaligiran. Maaari kang makatipid sa kuryente, tubig at heating sa pamamagitan ng:

  • Pagpatay ng ilaw kapag umalis ka ng kuwarto.
  • Paggamit ng mga bombilya na mahinang kumonsumo. Mas mahal ang mga ito kaysa sa mga ordinaryong bombilya ngunit sampung ulit na mas tumatagal.
  • Maligo sa halip na magbabad.
  • Maghugas gamit ang isang palangganang hugasan - sa halip na tuloy-tuloy ang tubig.
  • Bumili ng refrigerator, freezer at washing machine na gumagamit lamang ng kaunting tubig at kuryente. Ang tatak sa lakas ng appliance ang magsasaad ng makokonsumong kuryente at tubig pati na rin ang kahusayan ng appliance. Ang konsumo sa kuryente ay gumagamit ng sukatan na mula A hanggang G, kung saan ang A ay tumatayo sa pinakamababang konsumo sa kuryente. Basahin ang iba pa tungkol sa tatak sa lakas sa Chapter 9, Pagtitipid at pagkonsumo.

Sama-samang bayarin

Kung ikaw ay nakatira sa isang apartment na iyong pagmamay-ari o inuupahan, o kung ikaw ay nakatira sa isang ari-arian ng kooperatiba ng samahan sa pabahay, ikaw at ang iyong mga kapitbahay ay sama-samang nagbabayad sa tagapangalaga at sa pagpapanatili ng gusali at mga pinaghahatiang lugar. Kung ikaw ay nakatira sa paupahang tirahan, ang sama-samang bayarin ay kasama sa renta.

Tagapangalaga

Karamihan sa mga paupahang tirahan at kooperatiba ng samahan sa pabahay ay may tagapangalaga na responsable sa pag-aasikaso sa mga praktikal na gawain gaya ng pagpapanatili sa mga pinaghahatiang lugar. Sa suportadong pabahay, ang tagapangalaga ay maaari rin magsagawa ng maliliit na pagkumpuni sa apartment o tumawag ng isang manggagawa upang gawin ang trabaho.

Kalayaan ng residente

Sa suportadong pabahay

Ang suportadong pabahay ay nagpapatupad ng patakaran na kalayaan ng nangungupahan. Ang ibig sabihin nito ay naghahalal ng mga kinatawan ang mga nangungupahan sa isang komite ng nangungupahan o lupon ng asosasyon* ng mga nangungupahan. Ang mga kinatawan ng nangungupahan ay maaaring mag-apruba ng mga alituntunin sa bahay at magsimula ng mga karaniwang aktibidad. Maaari rin nilang impluwensyahan ang disenyo at anyo ng ilang pinaghahatiang lugar.

Impluwensya ng nangungupahan sa mga pribadong gusali

Sa malalaking proyekto na mga paupahang pabahay, ang mga nangungupahan ay maaaring maghalal ng mga kinatawan upang katawanin ang kanilang mga interes na may kaukulan sa kasero. Ang mga kinatawan ng nangungupahan ay may karapatang suriin ang mga account ng ari-arian at dapat konsultahin bago makapagtaas ng renta ang kasero o makapagsimula sa pagsasagawa ng malakihang pagpapaayos.

Pagsasama ng mga naninirahan

Maaari kang tumulong

Bilang nangungupahan sa pabahay, maaari kang tumulong sa paghahalal ng mga kinatawan sa iba't-ibang uri ng grupo ng nangungupahan. Halimbawa, maaaring ito ay komite ng nangungupahan sa isang gusali na upahang pabahay, lupon sa isang kooperatiba ng samahan sa pabahay o asosasyon* ng mga may-ari ng bahay para sa mga pribadong may-ari ng bahay. Maaari kang sumali sa mga pagpupulong at aktibidad na inihanda ng mga nangungupahan. At maaari kang maging aktibo, bilang isang naihalal na kinatawan ng nangungupahan o sa pagmumungkahi ng mga aktibidad para sa mga bata at may-gulang. Sa ganitong paraan ay makikilala mo ang iyong mga kapitbahay at makakatulong sa paghubog sa iyong lugar ng pabahay.



Mga lugar para sa nangungupahan at mga pinaghahatiang silid

Para sa mga pagpupulong at party

Ang ilang proyektong pribado at samahan sa pabahay at ang karamihan sa mga suportadong proyektong pabahay ay may mga sariling lugar para sa nangungupahan at mga pinaghahatiang silid kung saan ang mga nangungupahan ay maaaring magpulong. Maaaring madalas na upahan ng mga nangungupahan ang mga lugar na ito kung, halimbawa, nais nilang magdaos ng party.

Mga batang lalaki sa palaruan ng basketbol


Pabahay at mga regulasyon sa lugar ng pabahay

Kung may pag-aalinlangan, magtanong

Karamihan sa mga paupahang pabahay at samahan sa pabahay ay may kanya-kanyang alituntunin sa bahay. Maaaring ang mga ito ay itinatag ng may-ari o ng mga nangungupahan. Ang mga alituntunin sa bahay ay karaniwang tumutugon sa mga problemang gaya ng paghuhugas ng hagdanan, mga alaga, ingay, pagpaparada ng mga bisikleta at mga pram.

Kung nag-aalinlangan tungkol sa mga alituntunin, tanungin ang iyong tagapangalaga o kapitbahay.

Ang mga di-pagkakaunawaan ay maaaring malutas

Kung saan may mga tao, may posibilidad na magkaroon ng di-pagkakaunawaan. Kung hindi kayo nagkaunawaan ng iyong kapitbahay, subukang makipag-usap sa kanila sa lalong madaling panahon. Kung hindi ito umubra, makipag-usap sa tagapangalaga o sa lupon, kung mayroon. O sa asosasyon ng mga may-ari ng bahay o samahan sa pabahay, depende sa uri ng gusali na iyong tinitirahan.

Humingi ng tulong

Kung mayroon kayong di-pagkakaunawaan ng iyong kasero tungkol sa pagpapanatili, pagpapalit ng ari-arian o pagpapaupa ng inuupahan, halimbawa, subukan humingi ng tulong mula sa iyong tagapangalaga o lupon sa paglutas sa di-pagkakaunawaan. Kung hindi ito nakatulong, maaari kang maghain ng reklamo.

Kung ikaw ay nakatira sa suportadong pabahay, maaari kang magreklamo sa lupon sa reklamo ng mga espesyal na nangungupahan para sa mga nangungupahan sa suportadong samahan sa pabahay. Magtanong sa iyong asosasyon ng mga nangungupahan o sa iyong munisipal na awtoridad.

Ang mga munisipal na awtoridad ay may lupon sa pagkontrol ng renta*. Dito ay maaari kang maghain ng reklamo kung nakatira ka sa pabahay na pribadong pag-aari at ang di-pagkakaunawaan ay may kinaalaman sa renta o mga alituntunin sa bahay. Magtanong sa iyong munisipal na awtoridad.

Paglilinis at basura

Bilang nangungupahan, responsibilidad mo ang paglilinis at pag-aayos. Itala ang mga alituntunin sa paglilinis at basura ng gusali o ng lugar na tinitirahan.

Ordinaryong basura

Titiyakin ng iyong munisipal na awtoridad na ang ordinaryong basura ng pamilya ay kinukuha mula sa iyong lugar na tinitirahan minsan sa isang linggo. Ang mga organikong basura at malalaking basura ay kinukuha rin ng ilang beses sa isang linggo. Ang malalaking basura ay maaaring kasangkapan at mga ginamit na puting kagamitan.

Munisipal na sentro ng pag-recycle ng basura*

Ang mga munisipal na awtoridad ay may mga sentro ng pag-recycle ng basura kung saan ang mga residente ay maaaring magtapon ng organikong basura at malalaking basura. Ito ang lugar para magtapon ng mga basurang nakakapinsala sa kapaligiran gaya ng pintura, langis, baterya at mga elektrikal na kagamitan. Itanong sa iyong munisipal na awtoridad ang tungkol sa kung anong alituntunin ang umiiral.

Pag- kolekta ng basura


Mga antenna

Mga pangkomunidad na plano sa antenna sa paupahang tirahan

Karamihan sa mga paupahang tirahan at mga bahay ng samahan sa pabahay ay may pangkomunidad na plano sa antenna na awtomatiko mong sinu-subscribe kapag lumipat ka. Ito ay maaaring cable TV o ordinaryong aerial na instalasyon. Kadalasan, binabayaran mo ang plano sa antenna kasama ng renta.

Maaari ka lamang maglagay ng antenna kung nakakuha ka ng pahintulot mula sa may-ari ng bahay o sa kooperatiba ng samahan sa pabahay.

Ang ilang asosasyon ng mga may-ari ng bahay ay namamahala sa pangkomunidad na plano sa antenna.

Kung ikaw ay nakatira sa tirahan na inookupahan ng may-ari, maaaring mayroon kang access sa cable TV, o maaaring ang asosasyon ng mga may-ari ng bahay ay namamahala sa pangkomunidad na plano sa antenna. Kung hindi, ay maaari kang maglagay ng sarili mong antenna.

Ang mga asosasyon sa antenna ang nagpapasya ng mga channel

Maraming pangkomunidad na plano sa antenna ang itinatag ng isang asosasyon sa antenna. Dito ay maaari kang tumulong sa pagpili kung aling channel sa TV ang maaari mong tingnan sa iyong lokal na lugar. Sa kabuuan ng bansa posibleng manood ng rehiyonal, nasyonal at ilang banyagang channel sa TV.

Kung ikaw ay may radyo, TV o computer na nakakasagap ng radyo at TV, kailangan mong magbayad ng espesyal na bayad na tinatawag na lisensya sa media* dalawang beses sa isang taon. Basahin ang iba pa tungkol sa mga lisensya sa media sa Chapter 10, Kultura at oras ng paglilibang.

Mamang nagpipintura


Pag-convert ng ari-arian

Mga alituntuning namamahala sa kuryente, heating at tubig

Kung ikaw ay may-ari ng bahay, maaari mong i-convert ang loob ng iyong tahanan hangga't gusto mo. Gayunman, may ilang alituntunin tungkol sa kuryente, heating at tubig. Ang ilan sa mga instalasyong ito ay maaaring gawin ng mga awtorisadong manggagawa. Kung hindi ka susunod sa mga regulasyon, hindi ka sasagutin ng iyong insurance sakaling magkaroon ng aksidente.

Magtanong sa iyong munisipal na awtoridad

Kung nais mong i-convert ang labas ng iyong bahay sa pamamagitan ng pagtatayo ng attic o balkonahe, halimbawa, o kung nais mong magtayo ng palikuran sa labas o gumawa ng silungan ng sasakyan, kailangan kang sumunod sa ilang batas at regulasyon. Kontakin ang iyong munisipal na awtoridad bago ka magsimula.

Ang mga kasapi ng kooperatiba sa pabahay ay dapat magsabi sa lupon

Kung ikaw ay kasapi ng isang proyekto ng kooperatiba sa pabahay, kailangang alamin mo kung ang mga regulasyon ng kooperatiba ng samahan sa pabahay ay naglalaman ng mga espesyal na restriksyon bago simulan ang pag-convert.

Ang mga nangungupahan ay dapat sumang-ayon sa kasero sa mga pagbabago.

Kung ikaw ang nangungupahan, kailangan mong makipag-ayos sa kasero o sa tanggapan ng pangasiwaan ng gusali* bago simulaan ang anumang pag-convert.

Maaari kang maglinya ng tubo sa washing machine o dishwasher kung ang mga instalasyon ay naaprubahan.

Insurance

Pagnanakaw, pinsala sa sunog at tubig

Halimbawa, kung kumuha ka ng insurance policy para sa nilalaman, ang iyong mga kasangkapan, aklat, damit, stereo system, TV at iba pang personal na nilalaman ay sasagutin sakaling may pagnanakaw o pagkasirang dulot ng sunog o tubig. Ang pagnanakaw ay dapat maiulat agad sa pulisya kung hindi ay hindi magbibigay ng bayad-pinsala ang iyong insurance company.

Maaari mong piliin na kumuha ng "family policy" na sumasagot ng insurance sa pananagutan ng third party, pagkasira at pagnanakaw.

Matatagpuan mo ang mga address ng mga insurance company sa telephone directory o sa pag-log sa www.degulesider.dk.

Kahit pa ikaw ay isang nangungupahan na nakatira sa isang kuwarto sa isang bahay o apartment, dapat mong i-insure ang iyong mga sariling personal na nilalaman.

Paglipat

Ipaalam sa mga tao kung kailan ka lilipat

Lahat ng munisipal na awtoridad ay may rehistro ng mga residente. Kung lilipat ka, dapat mong ipaalam sa iyong munisipal na awtoridad. Kailangang gawin ito na hindi hihigit sa limang araw matapos lumipat. Maaari mong elektronikong gawin ito sa pag-log sa www.borger.dk. Maaari ka rin kumuha ng espesyal na folder mula sa iyong lokal na post office na naglalaman ng lahat ng kinakailangang papeles.

Paglilipat






Last update: 3/20/2009
Published by: The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs
The Danish Immigration Service - tel: +45 35 36 66 00 - us@us.dk · The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs - tel: +45 33 92 33 80 - inm@inm.dk