4 Bagong Mamamayan sa Denmark
Ang iyong panibagong buhay
Kapag nakuha mo na ang iyong permit sa paninirahan maaari ka nang magsimula sa iyong panibagong buhay at kilalanin ang lipunang Danish. Maaari mong simulang makipagkilala sa iyong mga panibagong kababayan kung saan ka nakatira, sa mga samahan, at sa library at lalo na sa trabaho kapag nagsimula ka nang magtrabaho.
Ikaw ay bibigyan ng civil registration number
Kapag nakuha mo na ang iyong permit sa paninirahan ikaw ay irerehistro sa Danish national register. Ito ay gagawin sa munisipal na awtoridad kung saan ka nakatira. Kung nakakuha ka ng permit sa paninirahan bilang isang refugee, titiyakin ng munisipal na awtoridad o Immigration Service na ikaw ay nakarehistro. Kapag nairehistro ka na, awtomatiko kang bibigyan ng civil registration number. Ito ay binubuo ng iyong petsa at taon ng kapanganakan kasama ng apat na numero na bukod-tangi sa bawat tao. Maaaring ganito ang itsura ng isang civil registration number: 23 (araw) 04 (buwan) 54 (taon) - 3476. Para sa kababaihan, ang huling numero ay laging even number (sa kasong ito ay 6) at sa mga kalalakihan, ay uneven number.
Kakailanganin mo ang iyong civil registration number sa iyong pakikipag-usap sa mga awtoridad ng bayan at mga institusyon.
Ikaw ay bibigyan ng healthcare card
Kapag nakarehistro ka na sa iyong munisipal na awtoridad ikaw ay tatanggap ng healthcare card. Ito ay isang dilaw na plastic card na kakailanganin mong dalhin kung dadalaw ka sa doktor o pupunta sa ospital. Basahin ang iba pa tungkol dito sa Chapter 11, Kalusugan at karamdaman
Tulong ng interpreter
Kung hindi ka pa makapagsalita ng Danish, maaari kang kumuha ng serbisyo ng isang interpreter sa maraming pagkakataon na kinakailangang makipag-usap ka sa iyong munisipal na awtoridad o iba pang awtoridad ng bayan. Ang mga pampublikong awtoridad ang nagsusuri kung kailangan ng interpreter. Responsable rin sila sa pagkuha ng mga serbisyo ng interpreter.
Ang interpreter ay walang kinikilingan
Ikaw ay bibigyan ng interpreter, na tutulong sa iyo. Ang interpreter ang responsable sa tumpak na pagsasalin-wika ng lahat ng sinasabi hangga't maaari, at ang interpreter ay hindi dapat sadyang magtanggal ng anumang sinasabi. Ang interpreter ay may tungkulin na pagpapanatiling lihim at dapat ay walang kinikilingan at walang kinakampihan. Ang interpreter ay maaari lamang masangkot sa usapan upang liwanagin ang isang hindi pagkakaunawaan.
Mabuting payo - tungkol sa paggamit ng interpreter:
- Huwag magsalita sa interpreter ngunit sa tao na siya mong kinakausap.
- Magsalita ng dahan-dahan at maliwanag.
- Sabihin mo lang ang gusto mong ipabatid ng interpreter.
Danish at araling panlipunan para sa mga may-gulang
Kung ikaw ay mas matanda sa edad na 18, may permit sa paninirahan sa Denmark at nabigyan ng civil registration number, may karapatan kang tumanggap ng tatlong taong Danish na edukasyon. Kasama sa Danish na edukasyon ang pag-aaral ng wikang Danish at mga Danish na araling panlipunan.
Kinakailangang bigyan ka ng iyong munisipal na awtoridad ng pag-aaral ng wikang Danish na hindi hihigit sa isang buwan kasunod ng iyong pagkuha nito. Ang pag-aaral ay maaaring gawin sa isang sentro ng wika o sa isang aprubadong alternatibong Danish na sentro ng edukasyon.
May karapatan kang tumanggap ng pag-aaral ng wikang Danish hanggang makapasa ka sa panghuling pagsusulit sa kasanayan sa Danish. Gayunman, ito ay dapat mangyari sa loob ng tatlong taon.
Maaaring isama sa trabaho
Ang pag-aaral ng wikang Danish ay nandoon para matulungan kang agad na makahanap ng trabaho kung wala ka pang trabaho. Maaari mong isama ang pag-aaral sa trabaho, praktikal na pagsasanay at iba pang edukasyon. Malalaman mo ang iba pa tungkol sa pagsisimula ng trabaho sa Chapter 8, Buhay may-trabaho
Tatlong Danish na programang pang-edukasyon
May tatlong uri ng Danish na programang pang-edukasyon. Tinitiyak ng sentro ng wika na ikaw ay naka-enroll sa programa na pinaka-angkop sa iyong mga layunin at kakayahan.
Danish na programang pang-edukasyon 1
Danish na programang pang-edukasyon 1 ay para sa mga tao na hindi natutong magbasa at magsulat sa kanilang sariling wika. Ang programang ito ay nagbibigay ng espesyal na pagpapahalaga sa salitang Danish. Ngunit matututo ka rin magbasa at magsulat ng mga simpleng teksto. Ang layunin ay ang mabigyan ka ng kakayahan na humanap ng trabahong hindi kailangan ang kasanayan upang masuportahan mo ang iyon sarili bilang aktibong mamamayan sa Denmark.
Danish na programang pang-edukasyon 2
Ang programang ito ay para sa mga tao na panandaliang nagturo sa paaralan o may mga basic na kasanayan sa pagtuturo mula sa kanilang sariling bansa. Matututunan mong umunawa, magsalita at magbasa ng Danish upang makapagtrabaho ka nang maayos sa araw-araw. Magsasanay ka rin magsulat ng mga simpleng teksto sa Danish. Ang layunin ay matulungan ka na dagling makahanap ng trabaho hangga't maaari upang ikaw ay maging isang aktibong mamamayan sa Denmark.
Matapos makumpleto ang Danish na programang pang-edukasyon natuto ka na ng sapat na Danish upang makasunod sa ilang kurso ng pagsasanay na kapareho ng iba pang Dane.
Danish na programang pang-edukasyon 3
Ang programang ito ay para sa tao na nakatapos ng kainaman hanggang sa matagalang edukasyon, halimbawa, pagsasanay sa negosyo, mas mataas na sekondaryang edukasyon o isang tao na kuwalipikado sa mas mataas na edukasyon. Ang bilis at antas ay mas mataas kaysa sa Danish na programang pang-edukasyon 2. Ang layunin ay matulungan ka na dagling makahanap ng trabaho hangga't maaari o para makapagpatuloy ka sa mas mataas na edukasyon upang ikaw ay maging isang aktibong mamamayan sa Denmark.
Kultura at mga kalagayan sa lipunan
Sa tatlong programa, ang mga estudyante ay tatanggap ng pag-aaral ng wikang Danish pati na rin pag-aaral ng kulturang Danish at mga kalagayan sa lipunan. Dito, halimbawa, ay matatagpuan mo ang mga paksa na gaya ng lipunan sa kapakanan, demokrasya, ang merkado ng manggagawa at paghanap ng trabaho.
Nagtatapos sa pagsusulit
Ang Danish na programang pang-edukasyon 1 at 2 ay maaaring magtapos sa Pagsusulit sa Kasanayan sa Danish 1 at 2. Ang Danish na programang pang-edukasyon 3 ay nagtatapos sa Pagsusulit sa Kasanayan sa Danish 3 o sa Pagsusulit sa Napag-aralan. Ang isang napasahang pagsusulit sa napag-aralan ay kailangan sa pagsisimula ng ilang programa sa mas mataas na edukasyon.
Magkano ang halaga ng edukasyon?
Ang iyong munisipal na awtoridad ang nagbabayad ng iyong edukasyon sa Danish. Ang iyong awtoridad ay maaaring magpasyang humingi ng bayad sa pagsali. Ito, gayunman, ay hindi ipatutupad kung tinanggap mo ang iyong pag-aaral ng wikang Danish bilang bahagi ng iyong panimulang programa. Sa kasong iyon, ang iyong awtoridad ay maaaring hindi humingi ng bayad. Basahin ang iba pa tungkol sa panimulang programa at sa kontrata sa pagsasanib sa susunod na seksyon.


Ang pagsasalita ng wika ay nagbubukas ng maraming oportunidad
Si Amna Amin ay nagpunta sa Denmark mula Iraq noong 1997 at nabigyan ng asylum noong 1999. Habang siya aya naghihintay ng asylum siya ay nagtrabaho bilang isang Red Cross volunteer. Ngayon, siya ay nagtatrabaho sa sa pagsasanib ng kababaihan sa isang munisipal na awtoridad.
"Kapag nagsasalita ka ng Danish, nagbubukas ito ng napakaraming oportunidad. Nakakalabas ka sa halip na paupo-upo ka sa loob at pakiramdam mo ay nilalagpasan ka lang ng buhay. Walang sinoman ang nagnanais mabuhay ng ganoong klaseng pamumuhay. Sa paaralan sa wika hindi ko lamang natutunan ang wika at napasahan ang Pagsusulit sa Kasanayan sa Danish 3. Marami rin akong natutunan tungkol sa lipunang Danish at sumama sa napakaraming pamamasyal sa mga museo at iba't-ibang lugar. At nakilala ko rin ang isa sa aking pinakamabubuting kaibigan."
Panimulang programa at ang kontrata sa pagsasanib
Kung ikaw ay isang refugee o sumama sa iyong pamilya at mga mamamayan ng isang bansa sa labas ng EU at ng rehiyong Nordic, ikaw ay bibigyan ng panimulang programa ng iyong munisipal na awtoridad, at pareho ninyong pagkakasunduan ang nilalaman ng panimulang programa. Ito dapat ay nasa anyo ng kontrata sa pagsasanib. Kasama sa panimulang programa ang pag-aaral ng wikang Danish - at kung kinakailangan - may ilan pang bagay na makakatulong sa iyo na makahanap ng trabaho o makapagsimula ng programa ng edukasyon na makapagbibigay sa iyo ng mga kuwalipikasyon upang makahanap ka ng trabaho.
Gayunman, hindi lahat ng kasapi ng isang muling nagkabuklod na pamilya ay binibigyan ng panimulang programa at lumalagda ng kontrata sa pagsasanib. Kung ang taong iyong sinamahan ay may permit sa paninirahan sa Denmark kaugnay ng isang partikular na trabaho o, halimbawa, bilang isang mananaliksik, estudyante, empleyado ng isang embahada o missionary, ikaw ay hindi bibigyan ng panimulang programa at kontrata sa pagsasanib. Ngunit maaari kang sumali sa pag-aaral ng wikang Danish at iba pang ordinaryong kursong panlipunan.
Bahala ang Immigration Service na magpasya kung ikaw ay sakop ng Danish Alien Act at sa gayon ay karapat-dapat sa panimulang programa at kontrata sa pagsasanib.
Ang kontrata sa pagsasanib - isang pinaiiral na kasunduan
Ang kontrata sa pagsasanib ay isang pinaiiral na kasunduan sa pagitan mo at ng iyong munisipal na awtoridad. Sa kadahilanang ito dapat pareho ninyong gawin ito. Ang kontrata ay dapat maglaman ng plano para sa iyong unang tatlong taon sa Denmark. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga nito sa iyo bilang isang bagong mamamayan.
Dapat isaad ng iyong kontrata ang nilalaman ng iyong panimulang programa. Halimbawa, maaaring ito ang antas ng iyong Danish na programang pang-edukasyon, aling mga aktibidad ang kailangan mo upang masimulan ang iyong pag-aaral o makapagsimula sa pagtatrabaho. Ang layunin ng kontrata ay gawin ka agad na isang aktibong bahagi ng lipunang Danish hangga't maaari at tiyakin na kaya mong suportahan ang iyong sarili.
Bago ang unang buwan
Ang kontrata ay dapat magawa bago matapos ang unang buwan mula ng akuin ng iyong munisipal na awtoridad ang responsibilidad para sa iyong panimulang programa.
Hingin ang iyong kontrata
Ang iyong kontrata sa pagsasanib ay isang karaniwang tool para sa iyo at sa iyong munisipal na awtoridad. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na hingin mo ang iyong kontrata. Ang iyong kontrata ay dapat maglaman ng lista ng mga aktibidad na makakatulong sa iyo na magsimula, gustuhin mo man mag-aral, magsimula ng negosyo o makapasok sa isang kumpanya.
Kung mayroon kang trabaho
Kung mayroon kang trabaho, dapat tiyakin ng kontrata na makakatanggap ka ng pag-aaral ng wikang Danish habang patuloy na pinananatili ang iyong trabaho. Ang pag-aaral ay maaaring gawin sa hapon o gabi, halimbawa, kapag hindi ka nagtatrabaho.
Ang kontrata ay maaaring baguhin
Dapat ay patuloy na subaybayan ng iyong munisipal na awtoridad ang kontrata. Habang nagkakaroon ka ng mga panibagong kuwalipikasyon at karanasan o mga bagong hangarin sa hinaharap, maaari mong imungkahi na baguhin ang mga aktibidad na napagkasunduan sa kontrata.
Pagbabalik sa sariling bansa
Ang kontrata ay maaari rin gumawa ng mga palabis sa kadahilanang maaari mong naisin na bumalik sa iyong katutubong bansa, kung at kapag pinayagan ng pagkakataon. Halimbawa, maaaring itakda ng kontrata na kumuha ka ng mga kasanayan at mga kuwalipikasyon na magiging kapaki-pakinabang kung at kapag bumalik ka sa sariling bansa. Basahin ang iba pa sa Chapter 13, Pagbabalik sa sariling bansa.
Deklarasyon tungkol sa pagsasanib at aktibong pagkamamamayan
Bilang bahagi ng kontrata sa pagsasanib, kailangan lumagda ka ng deklarasyon tungkol sa pagsasanib at aktibong pagkamamamayan.
Ang layunin ng deklarasyon ay ang ipaalam sa iyo ang tungkol sa ilang prinsipyo at alituntunin sa lipunang Danish. Sa ganitong paraan ay malalaman mo kung ano ang inaasahan sa iyo ng lipunan bilang bagong mamamayan. Ang handbook na ito ay isang karagdagan at nililiwanag ang marami sa mga paksang nakalista sa deklarasyon.
Mahalaga sa iyong pagtira sa Denmark
Ang panimulang programa ay opsyonal na alok sa iyo ngunit mahalaga para sa iyong kakayahan sa hinaharap na makakuha ng permanenteng permit sa paninirahan na sumunod ka sa kontrata.
Hindi lalampas sa tatlong taon
Ang programa sa pagsasanib, kasama ang Danish na programang pang-edukasyon, ay libre ngunit maaari lamang tumagal ng hindi lalampas sa tatlong taon.
Alamin ang iba pa
Maaari mong alamin ang iba pa tungkol sa kontrata sa pagsasanib, ang deklarasyon sa pagsasanib at aktibong pagkamamamayan mula sa iyong munisipal na awtoridad. Mababasa mo ang iba pa sa pag-log sa www.nyidanmark.dk/integrationskontrakt.
Panimulang pakinabang
Kung sumasailalim ka sa plano na panimulang programa at hindi agad nakahanap ng trabaho o walang asawang susuporta sa iyo, ikaw ay may karapatan sa espesyal na tulong pinansyal. Ito ay tinatawag na panimulang pakinabang. Para makuha ang panimulang pakinabang, kailangan mong sumali sa mga aktibidad sa panimulang programa at humanda sa trabaho. Ang ibig sabihin ng pagiging handa sa trabaho ay ang aktibong paghahanap ng trabaho at pagtanggap sa trabaho kung ikaw ay inalok. Kung hindi ay maaaring itigil ng iyong munisipal na awtoridad ang pagbabayad sa iyong panimulang pakinabang.
Mga mamamayang Danish
Ang mga bata ay awtomatikong binibigyan ng pagkamamamayang Danish pagkapanganak kung ang mga magulang ay kasal at ang isa sa kanila ay Danish. Ang pareho ay umiiral kung ang mga magulang ay hindi kasal subalit ang ina ay Danish.
Kung ang ama lamang ang Danish, ang anak ay awtomatikong bibigyan lamang ng pagkamamamayang Danish kung siya ay ipinanganak sa Denmark. O kung ang mga magulang ay nagpakasal bago umabot sa gulang na 18 ang anak.
Pagkuha ng pagkamamamayang Danish
Kapag ikaw ay 18 na, maaari kang kumuha ng pagkamamamayang Danish. Kailangan mong mag-apply sa pulisya sa munisipal na awtoridad na iyong tinitirahan. Masasabi ng pulisya sa iyo kung gaano katagal karaniwang inaabot upang maiproseso ang isang aplikasyon.
Parliamento ang nagpapasya
Ang Danish Parliament ang nagpapasya kung ang isang tao ay makakakuha ng pagkamamamayang Danish. Ito ay ginagawa gamit ang isang espesyal na batas, na ipinapasa ng Parliamento dalawang beses sa isang taon. Upang makakuha ng pagkamamamayang Danish, kailangang matugunan mo ang ilang kondisyon na itinatag ng Parliamento.
Kailangan mong matutunan ang Danish at makapasa sa isang espesyal na pagsusulit sa mga mamamayan.
- Kailangang nakakuha ka ng sertipiko mula sa isang sentro ng wika o alternatibong institusyong pang-edukasyon na nagpapatunay na nakapasa ka sa Pagsusulit sa Kasanayan sa Danish 3 o katumbas na pagsusulit. Halimbawa, ito ay maaaring pagsusulit sa panghuling elementarya at mababang paaralang sekondarya, edukasyon sa mataas na paaralang sekondarya o edukasyong pang-negosyo. Kailangan kang matuto ng sapat tungkol sa kulturang Danish, kasaysayan at mga kalagayan sa lipunan upang makapasa sa espesyal na pagsusulit bago makakuha ng pagkamamamayang Danish. Ito ang tinatawag na pagsusulit ng mamamayan.
- Kung wala kang estado o isang refugee, kailangan ay nanirahan ka sa Denmark sa loob ng walong taon.
- Kung ikaw ay isang imigrante, kailangang mayroon kang permanenteng permit sa paninirahan at nakatira sa bansa sa loob ng siyam na taon.
- Kailangan ay kaya mong suportahan ang iyong sarili at mapatunayan na nagawa mo ito sa loob ng apat sa limang taon. Pinapayagan kang makatanggap ng maliliit na bayad mula sa estado na walang kinalaman sa suporta. Maaaring ito ay espesyal na tulong para sa mga gastusin sa pamasahe, pagpapagamot ng karamdaman, gamot, pagpapagamot sa dentista o mga gastusin sa paglipat. Ang pagtanggap ng tulong pinansyal sa edukasyong pang-estado, maagang pensyon sa pagreretiro, pensyon sa estado o sustento mula sa iyong asawa ay hindi humahadlang sa iyo sa pagkuha ng pagkamamamayang Danish.
- Kailangan ay wala kang hindi pa nababayarang utang sa estado.
- Kailangan mong ideklara na wala kang ginawang krimen laban sa seguridad ng estado.
- Kung nakagawa ka ng krimen, maaaring kailanganin mong maghintay bago maging mamamayang Danish. Ito ay magdedepende na sa uri ng krimen.
- Kung nagkasala ka sa paggawa ng isang napakaseryosong kasalanan ikaw ay hindi maaaring maging isang mamamayang Danish.
Mababasa mo ang lahat ng kondisyon sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/nationality.
Mamamayan sa pamamagitan ng deklarasyon
Maaari kang maging isang mamamayang Danish sa pamamagitan ng deklarasyon kung ikaw ay:
- Mamamayan ng isa sa mga bansang Nordic.
- Dati nang nagkaroon ng pagkamamamayang Danish.
Maaari mong alamin ang iba pa at kumuha ng application form mula sa administrasyon ng estado* sa munisipalidad kung saan ka nakatira.
Danish na pasaporte
Kapag nakakuha ka na ng pagkamamamayang Danish, ikaw ay bibigyan ng Danish na pasaporte at magkakaroon ka ng karapatang bumoto at tumakbo sa mga halalan ng parliamentaryo.