To start page

3 Pagpasok at paninirahan sa Denmark



Ika- 3 kabanata – Pagpasok at paninirahan sa Denmark


Nordic passport-free zone

Kung ikaw ay mamamayan ng Norway, Sweden, Finland o Iceland, malaya kang makakapasok sa Denmark at makakatira sa bansa hangga't gusto mo. Ang dahilan dito ay ang Denmark ay may espesyal na kasunduan sa iba pang Nordic na bansa.

Ang Schengen Agreement

Karamihan sa mga kasaping estado ng EU ay bahagi ng Schengen Agreement*. Nangangahulugan ito na ang mga mamamayan na naninirahan sa mga bansang Schengen ay maaaring malayang maglakbay sa pagitan ng mga bansa na walang anumang uri ng pagpigil sa border.

Registration card para sa mga mamamayan ng EU

Kung ikaw ay mamamayang Swiss o mula sa isang bansang kasapi ng EU o ng EEA*, maaari kang kumuha ng espesyal na registration card mula sa administrasyon ng estado ng Denmark. Ang Denmark ay kasapi ng EU at sa gayon ay sumusunod sa mga alituntunin ng Unyon tungkol sa kalayaan sa pagkilos. Halimbawa, maaari kang pumasok sa Denmark at humanap ng trabaho. Pati na rin ang iba, halimbawa ay mga taong may sapat na pera at mga pensyonado, ay makakakuha ng registration card at tirahan sa Denmark.

Bilang pansamantalang hakbang, may mga espesyal na alituntunin na ipinatutupad sa mga mamamayan mula sa ilang bansa sa EU na naghahanap ng suwelduhang trabaho sa Denmark. Sumangguni tayo sa seksyon na Pagtatrabaho.

Visa

Kung galing ka sa isang bansa sa labas ng Europe na may layuning makalahok sa isang kaganapang pang-kultura, o kung ikaw ay nagpupunta sa Denmark bilang isang turista o dahil mayroon kang pamilya rito, o kung ikaw ay nasa business trip, maaaring kailanganing kumuha ng visa. Sa www.newtodenmark.dk/visa ay matatagpuan mo ang isang lista ng mga bansa na ang mga mamamayan ay nangangailangan ng visa kapag nagpupunta sa Denmark. Kailangan mong kumuha ng visa bago maglakbay sa Denmark. Ito ay ginagawa sa pag-apply sa konsulado o misyon ng Denmark sa iyong sariling bansa. Ang isang visa ay balido lamang ng hanggang tatlong buwan at hindi nagbibigay sa iyo ng karapatang magtrabaho sa Denmark. Sa normal na pagkakataon, ang isang visa ay balido lamang sa buong bahagi ng Schengen.

Pagtatrabaho

Kung galing ka sa isang bansang sumasailalim sa regulasyon ng EU, maaari kang humanap at tumanggap ng trabaho sa Denmark alinsunod sa mga espesyal na regulasyon ng EU. Kailangan mong kumuha ng registration card mula sa administrasyon ng estado na hindi hihigit sa tatlong buwan kasunod ng pagpasok mo sa bansa. Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/eu

Bilang pansamantalang hakbang, may mga espesyal na alituntunin na ipinatutupad sa mga mamamayan ng Bulgaria, Estonia, Latvia, Lithuania, Poland, Romania, Slovakia, Slovenia, Czech Republic at Hungary na naghahanap ng suwelduhang trabaho sa Denmark. Malalaman mo ang iba pa sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/new-eu.

Kung nais mong magtrabaho sa Denmark at nagmumula sa isang bansa na hindi kasapi ng EU o ng EEA, kailangan mong kumuha ng pahintulot bago pumasok sa bansa. Kailangan mong mag-apply sa konsulado o misyon ng Denmark sa iyong sariling bansa para sa permit sa tirahan at trabaho.

Maaari kang kumuha ng permit sa tirahan at trabaho kung nakatanggap ka ng alok na trabaho na nakalagay sa positibong lista. Ito ay isang lista ng mga sektor ng trabaho kung saan may kakulangan sa kuwalipikadong manggagawa. Kasama sa positibong lista ang mga IT specialist, inhinyero, doktor, pharmacist at mga nars. Halimbawa, para makapagtrabaho bilang isang doktor, pharmacist o nars sa Denmark kailangan mong kumuha ng pahintulot ng Denmark. Maaari mong tingnan ang buong positibong lista sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/greencard.

Maaari ka rin kumuha ng permit sa pagtatrabaho sa Denmark kung inalok ka ng trabaho na may minimum na taunang suweldo na DKK 450,000 (humigit-kumulang 60,000 Euro).

Kung kumuha ka ng permit para manirahan at magtrabaho sa Denmark, maaari kang mag-apply upang maisama mo ang iyong pamilya. Ito ay isang probisyon ng Danish Aliens Act na yaong mga naghahangad ng mga permit para manirahan at magtrabaho ay kayang suportahan ang kani-kanilang sarili. Ang mga espesyal na alituntunin ay ipinatutupad sa mga mamamayan ng EU. Malalaman mo ang iba pa sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/eu.

Permit para manirahan upang makahanap ng trabaho - green card

Ang Denmark ay mayroon ding espesyal na plano sa green card. Ang green card ay isang permit na nagbibigay daan sa iyo para makapunta sa Denmark sa loob ng anim na buwan at maghanap ng trabaho. Para maging kuwalipikado sa green card kailangan mong kumuha ng sapat na mataas na score gamit ang isang point system. Binibigyan ka ng puntos para sa edukasyon, kasanayan sa wika at karanasan sa trabaho. Malalaman mo ang iba pa tungkol sa plano sa green card sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/greencard.

Mga panahon ng pag-aaral sa abroad

Bilang isang mamamayan ng EU may karapatan kang mag-aral sa Denmark. Kung nais mong mag-aral sa Denmark ikaw ay tatanggap ng registration card. Para maging kuwalipikado kailangan mong mag-enroll sa isang aprubadong pribado o pampublikong institusyon. Dapat ay kaya mo rin suportahan ang iyong sarili. Kailangan mong kumuha ng registration card mula sa administrasyon ng estado na hindi hihigit sa tatlong buwan kasunod ng pagpasok mo sa bansa. Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/eu

Kung nais mong mag-aral sa Denmark at nagmumula sa isang bansa na hindi kasapi ng EU o ng EEA, kailangan mong kumuha ng pahintulot bago pumasok sa bansa. Kailangan mong mag-apply sa konsulado o misyon ng Denmark sa iyong sariling bansa para sa permit sa tirahan.

Makakakuha ka ng pahintulot para mag-aral sa Denmark kung ikaw ay naka-enroll sa basic na edukasyon, edukasyong pangkabataan, folk high school o mas mataas na edukasyon. Gayunman, isang kondisyon na kaya mong suportahan ang iyong sarili sa panahon ng iyong pananatili at nauunawaan ang wika sa pagtuturo na ginagamit sa kurso. Malalaman mo ang iba pa tungkol sa mga pangkalahatang kondisyon sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/study.

Kung ikaw ay nabigyan ng permit sa tirahan para makakuha ng mas mataas na edukasyon sa Denmark, maaari kang kumuha ng pahintulot para maghanap ng part-time na trabaho.

Permit para manirahan upang makahanap ng trabaho - green card

Kung natapos mo ang iyong mas mataas na edukasyon sa Denmark, pinapayagan kang manatili sa bansa sa loob ng anim na buwan kasunod ng pagtatapos ng iyong mga pag-aaral. Sa gayon ay maaari kang kumuha ng green card na nagbibigay sa iyo ng karapatan na humanap ng trabaho sa Denmark. Kung ikaw ay inalok ng trabaho, kailangan mong kumuha ng permit para manirahan at magtrabaho.

Mga mag-aaral


Asylum

Maaaring humanap ng proteksyon bilang isang refugee sa Denmark kung may dahilang matakot na ang isang tao ay pagmamalupitan dahil sa lahi, relihiyon, nasyonalidad, katayuang panlipunan o mga politikal na paniniwala. Ang mga refugee ay maaaring humanap ng asylum kung nanganganib sila sa parusang kamatayan, pagpapahirap, hindi makatao o mapanghamak na pagtrato o pagpaparusa sa pagbalik sa kanilang sariling bansa.

kapag may taong naghahanap ng asylum sa Denmark, ang Danish Immigration Service ang nagpapasya kung ang kaso ay hahawakan ng Denmark o ng iba pang kasaping estado ng EU. Ang Immigration Service ay maaari rin magpasyang tumanggi na magbigay ng asylum at ituro ang person sa isang ligtas na third country sa labas ng EU.

Ang Immigration Service*

Ang Danish Immigration Service ang pangalan ng isang pampublikong departamento sa ilalim ng Ministry for Refugees, Immigration and Integration. Ang kagawaran ang nagpapatupad ng Danish Aliens Act at sa ganang ito ay humahawak ng mga kaso tungkol sa pag-access ng imigrante sa matitirahan sa Denmark, kasama ang asylum, muling pagbubuklod ng pamilya at mga visa. Sumangguni tayo sa www.newtodenmark.dk/contact-dis.

Oo sa asylum

Kung nasuri ng Immigration Service na ang isang naghahanap ng asylum ay nakakatugon sa mga kinakailangan sa pagkuha ng asylum sa Denmark, ang tao ay bibigyan ng katayuan na refugee.

Mga refugee


Ang munisipal na awtoridad ang nagbibigay ng pabahay

Kung kilala ka bilang isang refugee, ang Immigration Service ang pipili ng munisipal na awtoridad kung saan ka maninirahan. Dito ay bibigyan ka ng espesyal na panimulang programa na kasama ang pag-aaral ng wikang Danish at tulong upang makakita ng trabaho. Sumangguni tayo sa Chapter 4, Bagong Mamamayan sa Denmark. Ang Immigration Service ang pumipili ng munisipal na awtoridad kung saan ka maninirahan batay sa iyong mga propesyunal na kasanayan, mga kamag-anak sa Denmark at iba pang bagay. Trabaho ng awtoridad na bigyan ka ng pabahay.

Maaari mong piliin na lumipat sa ibang munisipal na awtoridad. Subalit magandang ideya na makipag-usap muna sa iyong awtoridad kung lilipat ka bago matapos ang panimulang programa. Ang dahilan dito ay ang iyong awtoridad ay dapat pumayag sa pag-ako ng responsibilidad para sa iyong panimulang programa. Kung nabigong sumang-ayon ang awtoridad, maaaring mawalan ka ng karapatang sundan ang isang panimulang programa at kasama nito ay ang karapatang makuha ang iyong panimulang bayad. Ang panimulang bayad ay isang espesyal na uri ng tulong pinansyal kung saan ikaw ay karapat-dapat kung hindi ka agad makahanap ng trabaho. Alamin ang iba pa sa Chapter 4, Bagong Mamamayan sa Denmark.

Hindi sa asylum

Kung ang Immigration Service ay hindi makapag-apruba ng aplikasyon para sa asylum, isang reklamo ang awtomatikong irerehistro sa Refugee Board.

Ang Refugee Board*

Ang Refugee Board ay isang malayang, mala-hukumang lupon. Ang mga desisyon ng Board ay pinal at hindi mababaliktad o masususugan ng iba pa.

Maaaring ipatupad ng Refugee Board ang desisyon ng Danish Immigration Service na tumanggi sa asylum o baligtarin ang desisyon at ibigay ang status na asylum. Kung ipinatupad ng Refugee Board ang desisyon, ang Immigration Service ay magtatakda ng deadline para makalabas ng bansa ang tao. Ang deadline na ito ay dapat sundin. Kung kusa kang aalis, maaari kang humingi ng tulong sa pulisya at at maaari ka rin maging karapat-dapat sa tulong pinansyal. Kung hindi ka kusang aalis, ikaw ay paaalisin ng pulisya.

Muling pagbubuklod ng pamilya

Asawa, kinakasama at mga anak

Kung ikaw ay may permanenteng tirahan sa Denmark, maaari kang samahan dito ng iyong pamilya kung matutugunan mo ang ilang kondisyon sa Danish Aliens Act. Maaari kang samahan ng iyong asawa, ng iyong kinakasama o mga anak na mas bata sa edad na 15. Ito ay tinatawag na muling pagbubuklod ng pamilya at kailangan nito na matugunan mo ang ilang kondisyon. Sa mga espesyal na kaso, at kung saan naipalagay na para sa kabutihan ng bata, ang mga batang mas matanda sa edad na 15 ay maaaring payagan na makasama sa kanilang mga pamilya.

Mga kinakailangan sa pabahay, pinansyal at pagsasama

Upang ang iyong asawa, halimbawa, ay makakuha ng permit sa paninirahan sa Denmark, kailangan ay mayroon kang wastong pabahay, dapat ay magkasama kayong mamuhay kapag dumating sa bansa ang iyong asawa at dapat ay kaya mong suportahan ang iyong asawa. Dapat ay pareho kayong mas matanda sa edad na 24 at mas matatag ang pakikipag-ugnayan sa Denmark kaysa anumang bansa. Ang layunin ng mga kinakailangang ito ay ang matiyak ang solidong pundasyon ng pamilya sa Denmark at maprotektahan ang mga napakabatang tao na mapilit na magpakasal na hindi nila gusto. Kinakailangan din na ang iyong kasal at pagsasama ay totoo at hindi lang isang daan upang makakuha ng permit sa paninirahan ng nasabing tao.

May mga espesyal na kondisyon na ipinapatupad sa karapatan sa muling pagbubuklod ng pamilya para sa mga mamamayan ng EU, halimbawa, isang mamamayan mula sa isa pang bansa sa EU na nagtatrabaho sa Denmark. Kung naniniwala ka na saklaw ka ng mga regulasyon ng EU, mahalagang pagtuunan mo ng pansin ang bagay na ito kapag nag-apply ka para sa muling pagbubuklod ng pamilya.

Malalaman mo ang iba pa tungkol sa muling pagbubuklod ng pamilya alinsunod sa mga regulasyon ng EU at yaong sa Danish Alien Act sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/family.

Tagal ng permit sa paninirahan

Permanente

Maaari kang kumuha ng pansamantalang permit sa paninirahan o permit sa paninirahan na may opsyon sa permanenteng paninirahan. Kung ikaw ay dumating sa Denmark bilang isang refugee o dahil sumama ka sa iyong pamilya, ikaw ay karaniwang bibigyan ng permit sa paninirahan na maaaring maging permanenteng paninirahan.

Kung mayroon kang permit sa paninirahan na maaaring maging permanenteng paninirahan, maaari kang kumuha ng permanenteng permit sa paninirahan makalipas ang ilang taon basta ba matutugunan mo ang ilang kondisyon. Bukod sa ibang bagay, kailangan ay sinikap mong makasanib sa lipunang Danish.

Kailangan mong magsikap

Ito ay maaaring dahil sa nagkaroon ka ng trabaho o nagtrabaho ka sandali, na nakapasa ka sa pagsusulit sa kasanayan sa wikang Danish, na wala kang pagkakautang sa estado na higit sa isang halaga o hindi ka nakagawa ng isang seryosong krimen.

Mga permanenteng permit sa paninirahan para sa mga mamamayan ng EU

Alinsunod sa mga espesyal na regulasyon ng EU, ang mga mamamayan ng EU at ang kani-kanilang pamilya ay maaaring kumuha ng permanenteng paninirahan kasunod ng limang taon na ligal na paninirahan sa Denmark. Malalaman mo ang iba pa sa pag-log sa www.newtodenmark.dk/eu.

Ang Immigration Service at administrasyon ng estado ang makapagsasabi sa iyo tungkol sa iyong mga karapatan patungkol sa permanenteng paninirahan. Sumangguni tayo sa www.newtodenmark.dk/eu.

Maaari kang mawalan ng permit sa paninirahan

Maaaring bawiin ng Immigration Service ang pansamantalang permit sa paninirahan kung ang mga kondisyon sa pagbibigay nito ay wala na. Halimbawa, kung sumama ka sa iyong asawa ngunit hindi na namumuhay kasama ang taong ito, maaari kang mawalan ng karapatan sa permit sa paninirahan. Gayunman, maaari mong panatilihin ang iyong permit sa paninirahan kung iniwan mo ang iyong asawa dahil naging pisikal na marahas siya sa iyo, at kung napakatagal mo na sa Denmark na mayroon ka pang ibang matatag na pakikipag-ugnayan sa bansa, o kung hindi ka makakabalik sa iyong sariling bansa dahil iniwan mo ang iyong kinakasama dahil sa pisikal na karahasan.

Kung dinaya mo ang pagkakaroon ng permit sa paninirahan o kung naiulat ka sa Schengen information system* bilang masamang tao, nanganganib kang mawalan ng iyong permit sa paninirahan. Ito ay totoo maging ang iyong permit sa paninirahan ay pansamantala o permanente.

Ang pansamantalang karapatan ng isang mamamayan ng EU na manirahan sa Denmark ay maaari rin mawala kung ang tao ay hindi na sumusunod sa mga regulasyon ng EU o kung inabuso ng tao ang kanyang karapatan.

Ligtas na pagbabalik sa sariling bansa

Kung ikaw ay dumating sa Denmark bilang isang refugee, ang iyong permit sa paninirahan ay maaaring bawiin kung ang mga kondisyon sa iyong sariling bansa ay nagbago para maging ligtas ang iyong pagbabalik.

Sa pagkakataong ito, maaari kang humingi ng tulong pinansyal sa pagbabalik sa sariling bansa. Basahin ang iba pa sa Chapter 13, Pagbabalik sa sariling bansa.

Kung aalis ka sa bansa

Kung uuwi ka sa bakasyon, maaaring makaapekto ito sa iyong pag-asa na patuloy na manirahan sa Denmark.

Ang iyong permit sa paninirahan ay makakansela kung pababayaan mo ang iyong tahanan sa Denmark o mananatili sa labas ng bansa sa loob ng 6-12 buwan, maging ang iyong permit sa paninirahan ay pansamantala o permanente. Maging ito ay anim o labindalawang buwan ay depende sa uri ng permit sa paninirahan na mayroon ka at kung gaano katagal kang nanirahan sa Denmark.

Pagpapaalis

Kung napatunayang nagkasala ka sa paggawa ng isang seryosong krimen, maaaring mawalan ka ng permit sa paninirahan o mapaalis mula sa bansa.

Departure area ng paliparan






Last update: 3/20/2009
Published by: The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs
The Danish Immigration Service - tel: +45 35 36 66 00 - us@us.dk · The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs - tel: +45 33 92 33 80 - inm@inm.dk