To start page

13 Pagbabalik sa sariling bansa



Ika-13 kabanata – Pagbabalik sa sariling bansa


Payo at tulong pinansyal

Kung binabalak mong bumalik sa iyong sariling bansa, maaari kang humingi ng payo at gabay mula sa Danish Refugee Council. Maaari ka rin maging karapat-dapat sa tulong pinansyal sa pagbabalik sa iyong katutubong bansa o dating bansang tinitirahan. Ito, gayunman, ay hindi ipinatutupad sa mga mamamayan ng EU o Scandinavia.

Ito ay nakasalalay sa munisipal na awtoridad

Kung binabalak mong bumalik sa iyong katutubong bansa o dating bansang tinitirahan, dapat mong ipaalam sa iyong munisipal na awtoridad. Batay sa iyong mga dahilan ng paninirahan, susuriin ng iyong awtoridad ang iyong pinansyal na kalagayan at anumang tulong pinansyal na maaari mong tanggapin. Maaaring sagutin ng tulong pinansyal ang halaga ng paglalakbay, makatulong sa pagsasakay ng mga personal na effect, makatulong sa muling pagtatatag, makatulong sa pagbili at pagsasakay ng kagamitan sa negosyo, makatulong sa pagbabayad ng insurance sa kalusugan at mga niresetang gamot.

Kailangan sama-sama kayong maglakbay

Kung dumating kayo sa Denmark dahil sa muling pagbubuklod ng pamilya, maaari lamang kayong tumanggap ng tulong pinansyal sa pagbabalik sa sariling bansa kung sama-sama kayong babalik kasama ng tao na tunay mong nakabuklod. Ito, gayunman, ay hindi ipinapatupad sa mga kaso kung saan kayo ay nagdiborsyo o ang iyong asawa ay namatay.

Isang beses lamang

Posibleng tumanggap ng tulong sa pagbabalik sa sariling bansa, o tulong sa pagbabalik sa dating bansang tinitirahan, isang beses lamang.

Karapatan sa pagbawi

Kung sa loob ng 12 buwan ng pag-alis sa Denmark at pagbalik sa iyong sariling bansa ay pinagsisihan mo ang iyong desisyon, dapat ay posible ka pang makabalik sa Denmark. Gayunman, ang karapatan sa pagbawi ay isang beses lamang ipatutupad.

Tulong sa muling pagsanib

Kung ikaw ay naging 60 anyos, o kung ikaw ay naging 50 anyos at hindi makapagtrabaho, karapat-dapat ka para sa isang espesyal na uri ng tulong. Ito ang tinatawag na tulong sa muling pagsanib. Ito ay buwanang hulog na ginagawa sa loob ng limang taon. May pag-asa ka rin na piliin ang habambuhay na paghuhulog kung saan ay binabayaran ka ng halagang mas maliit ng kaunti bawat taon. Isang precondition sa pagtanggap ng allowance na ito ay may permanenteng tirahan ka sa Denmark at tumira sa bansa sa nakaraang limang taon.

Sumangguni tayo sa website ng Danish Refugee Council sa www.flygtning.dk.





Last update: 3/20/2009
Published by: The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs
The Danish Immigration Service - tel: +45 35 36 66 00 - us@us.dk · The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs - tel: +45 33 92 33 80 - inm@inm.dk