To start page

12 Mga pampublikong holiday at mga pangrelihiyong pagdiriwang



Ika- 12 kabanata – Mga pampublikong holiday at mga pangrelihiyong pagdiriwang


Mga kaugalian at mga pista-opisyal

Sa Denmark, ang mga tao ay nagdiriwang ng ilang pampublikong holiday, pista-opisyal at kaugalian sa kabuuan ng taon. Sa ilan sa mga araw na ito, ang mga bata ay binibigyan ng isang araw na pahinga mula sa paaralan at sa mga may-gulang ay isang araw na pahinga mula sa pagtatrabaho.

Shrovetide

Ang Fastelavn (Shrovetide) ay isa pang salita para sa "Carneval" - isang pista sa tagsibol, na nagsimula noong Sinaunang Greece. Sa Denmark, ang Shrovetide ay unang naging tanda ng pagsisimula ng pag-aayuno ayon sa paniniwalang Kristiyano. Ayon sa sinaunang kaugalian, ang mga bata ay nagsusuot ng makukulay na damit at nagpupukpok ng bariles. Noong sinaunang panahon, ang bariles ay may lamang pusa. Sa ngayon, ang taong makakasira sa bariles ang tinatawag na hari ng pusa. Shrovetide ay tumatama 49 na araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay.

Ika-8 ng Marso

Ang ika-8 ng Marso ay Internasyonal na Araw ng Kababaihan (International Women's Day) at ipinagdiriwang na may mga event sa buong bansa.

Pasko ng Pagkabuhay (Easter)

Ang Pasko ng Pagkabuhay ay ang pangrelihiyong pagdiriwang ng Kristiyano na nagbibigay-tanda sa pagpako sa krus, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Sa Denmark, ang Pasko ng Pagkabuhay ay kadalasang panahon ng pagdiriwang ng pamilya. Mula pa noong unang panahon, nagpapatuloy ang tradisyon na pagbibigay ng mga tsokolateng easter egg sa isa't-isa. Ang itlog ay isang sinaunang simbolo ng fertility. Ang Pasko ng Pagkabuhay ay tumatama bawat taon sa pagitan ng Marso at Abril.

Ika-1 ng Mayo

Ang ika-1 ng Mayo ay Internasyonal na Araw ng Manggagawa (International Workers' Day) at ipinagdiriwang na may mga martsa at event sa buong bansa.

Whitsun

Ayon sa paniniwalang Kristiyano, ang Whitsun ay gumugunita sa pagdating ng Banal na Espiritu sa Mundo. Noong una, ang Whitsun ang naging tanda sa pagtatapos ng pitong linggong pagdiriwang sa pasko ng pagkabuhay. Sa Whitsun, may tradisyon na paggising nang maaga upang panoorin ang araw na "magsayaw", at maraming tao ang kumakain ng Whitsun picnic sa kagubatan. Ang Whitsun ay tumatama bawat taon sa Mayo o Hunyo.

Araw ng Konstitusyon

Ang ika-5 ng Hunyo ay Araw ng Konstitusyon, kung saan ang mga tao ay nagdadaos ng mga pagpupulong at pagtatalumpati upang gunitain ang demokratikong konstitusyon ng Denmark, ang konstitusyon ng Kingdom of Denmark. Ipinagdiwang ng Denmark ang unang konstitusyon nito noong 1849.

Midsummer Day

Sa Denmark, ang Midsummer Day ay ginugunita sa gabi ng ika-23 ng Hunyo. Ang Midsummer Day ay nagmula sa heathen folk tradition at Kristiyanismo. Minamarkahan ng selebrasyon ang mid-summer, at ayon sa sinaunang kaugalian, ang mga manyika na tanda ng mga mangkukulam ay sinusunog sa ibabaw ng naglalagablab na apoy. Ang Midsummer Day ay gumugunita rin sa kaarawan ni John the Baptist sa ika-24 ng Hunyo.

Pasko

Ang Pasko ay pagdiriwang ng kaarawan ni Kristo. Ang Bisperas ng Pasko ay sa ika-24 ng Disyembre. Dito, ang pamilya ay nagtitipon upang kumain at bigyan ng regalo ang isa't-isa. Ang karamihan ay nagsasayaw sa palibot ng Christmas tree at kumakanta ng mga awit ng Kapaskuhan at iba pang kanta. Maraming tao ang nagsisimba sa Pasko. At kapag Pasko, lahat ng shop at kalye ay may mga palamuting ilaw, puso at spruce. Ang mga Pixie, maliliit na pantasyang nilalang na bahagi ng tradisyong heathen, ay may mahalagang bahagi rin na ginagampanan sa mga Danish na pagdiriwang ng Pasko. Kapag Disyembre, maraming pinagtatrabahuhan ang nagdadaos ng mga Paskong tanghalian, at sa nursery, mga paaralan at mga after-school na sentrong panlibangan, ang mga bata ay gumagawa ng mga Pamasko. Maraming bata ang may kalendaryo ng Pasko gaya ng nakikita nila sa kalendaryo ng Pasko na programa sa TV. Ang mga kalendaryong ito ang nagbibilang ng mga araw hanggang sa Bisperas ng Pasko. Sa ika-25 at 26 ng Disyembre, na tinatawag na Pasko at Boxing Day, maraming pamilya ang nagtitipon para sa Paskong tanghalian.

Bagong Taon

Ang Bisperas ng Bagong Taon ay tumatama sa ika-31 ng Disyembre, at sa buong bansa ang mga tao ay nagdidiwang sa pagdating ng bagong taon sa pagsisindi ng mga kuwitis. Sa Bagong Taon, ika-1 ng Enero, halos lahat ng shop at pinagtatrabahuhan ay nananatiling nakasara.

Iba pang pangrelihiyong pagdiriwang at pista-opisyal

Kaugnay ng lumalaking kalakaran ng pandaigdigang kultural na "imitation", at habang parami ng parami ang mga Dane na nagmula sa ibang bansa ang tinanggap sa lipunang Danish, ilang alternatibong kaugalian at pista-opisyal ang pinagtibay.

  • Ang ilang paaralan ay nagdiriwang ng Ramadan - ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.
  • Sa maraming lugar, ang Amerikanong tradisyon ng Halloween ay ipinagdiriwang sa ika-31 ng Oktubre. Ang mga bata ay nagdadamit bilang, halimbawa, mga mangkukulam at multo. Ang mga kalabasa ay inuukit, nilalagyan ng bibig at mga mata at isang sinindihang kandila ang inilalagay sa loob.
  • Sa maraming bahagi ng bansa, ang mga tao ay nagdadaos ng mga karnabal na gumagaya sa tradisyonal na na pagdiriwang sa Timog Amerika na may tugtog na samba at mga prusisyon. Ang pinakamalalaking karnabal ay idinadaos sa Copenhagen kapag Whitsun.
Naglalagablab na apoy ng Midsummer Day






Last update: 3/20/2009
Published by: The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs
The Danish Immigration Service - tel: +45 35 36 66 00 - us@us.dk · The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs - tel: +45 33 92 33 80 - inm@inm.dk