To start page

10 Kultura at oras ng paglilibang



Ika- 10 kabanata - Kultura at oras ng paglilibang


Maraming oportunidad

Ang Denmark ay may malawak na pangkultura at panlibangang aktibidad. Ang mga ito ay binubuo ng lahat mula musika, teatro, pelikula, sining, mga museo at pagtatanghal hanggang sa mga pagpapanayam, boluntaryong edukasyon, sport at maraming iba't-ibang uri ng samahan.

Ang mga munisipal na awtoridad ay nakikipagtulungan sa mga samahan tungkol sa mga aktibidad sa lokal na komunidad. Maaari mong alamin ang iba pa sa pag-log sa website ng iyong munisipal na awtoridad.

Ang ilang aktibidad at event ay libre, habang ang iba ay mahal. Ang mga pensyonado at estudyante ay karapat-dapat sa mga diskuwento sa maraming lugar.

Matatagpuan mo ang impormasyon sa mga kasalukuyang kaganapang pang-kultura sa buong bansa sa pag-log sa www.kultunaut.dk.

Magsimula sa library

Ang library ay mabuting lugar para magsimula kung nais mong malaman ang iba pa tungkol sa lipunang Danish o malaman ang nangyayari sa munisipal na awtoridad kung saan ka nakatira.

Ang tulong ay nariyan lang

Sa Denmark, ang mga library ay libre. Maaari kang humiram ng mga libro, tugtog, DVD at mga computer game mula sa library. Maaari ka rin maka-access sa Internet, magbasa ng mga pahayagan sa araw na iyon at humingi ng tulong para maghanap ng partikular na impormasyon o materyales. Bukod sa ibang bagay, matatagpuan mo ang maraming kapaki-pakinabang na polyeto mula sa mga organisasyon at pampublikong awtoridad.

Maraming library ang may mga club para sa mga kabataan, nagsasagawa ng mga exhibition, nagpapalabas ng mga pelikula at nag-oorganisa ng mga palabas sa teatro ng mga bata at nag-iimbita ng mga guest speaker. Marami rin ang nagbibigay ng tulong sa takdang-aralin, mga gawain sa language stimulation at iba't-ibang event sa pagsasanib.

Mga aklat sa ilang wika

Sa library maaari ka rin humingi ng tulong para humanap ng mga libro at journal sa iba't-ibang wika. Kung wala sa library ang mga libro at journal na hinahanap mo, maaari nilang i-order ang mga ito para sa iyo.

Ang media at debate publiko

Ang karapatang mag-isip at malayang magsalita

Ang karapatang mag-isip at malayang magsalita ay isang mahalagang bahagi ng demokrasyang Danish. kusa itong naipapakita sa mga malayang pahayagan at sa debate publiko.

Media para sa mga mamamayang imigrante

Ang pang-araw-araw na buhay Danish ay inilalarawan sa maraming istasyon ng TV at radyo, pahayagan at peryodiko at malawak na komunikasyon sa Internet. Maraming media ang talagang nakatuon sa mga mamamayang imigrante. Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.finfo.dk.

Ang malawak na paglalarawan ng media

Malaking bahagi ng media ang nagtutuon sa purong entertainment. Subalit ang kultural, politikal at natitirang debate publiko ay kumakain nang malaking bahagi sa balita, at ito ay nakakatulong upang mapagtuonan ng pansin ang mga problema at solusyon na mahalaga sa lipunan.

Lisensya sa media*

Ang Danmarks Radio at TV2 ay mga istasyon para sa serbisyo publiko*. Tungkulin nila ang magbigay ng malawak na programa sa radyo at TV na interes ng lahat ng seksyon ng populasyon.

Bukod sa ibang bagay, ang basehan sa programa ng serbisyo publiko sa media ay ang singil na kilala bilang lisensya sa media*. Ito ay isang singil na kailangan mong bayaran kung nais mong makatanggap ng mga programa sa radyo at TV, nakikinig ka man sa kanila sa radyo, TV, mobile phone o sa iyong computer. Ang lisensya sa media ay binabayaran dalawang beses sa isang taon. Ang Danish Parliament ang kumokontrol sa singil sa lisensya sa media.

Maaari kang magrehistro para sa lisensya sa media* sa pag-log sa www.dr.dk.

Maaari ka rin mag-subscribe ang magbayad para sa iba't-ibang plano ng pribadong cable TV.

Senyas sa Danmarks Radio


Aktibo sa iyong oras ng paglilibang

Kasama ng iba pa

Sa Denmark, maraming tao ang gumagamit ng kanilang oras ng paglilibang para mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa isang partikular na field o subject, linangin ang kanilang pagiging malikhain o pumunta sa mga lecture. Ginagawa nila ito sa pagpasok sa night school, mga folk high school at bilang mga kasapi ng asosasyon. Ang pakikipagkilala at pakikisalamuha sa ibang tao ay mahalagang bahagi ng mga gawaing ito.

Mga folk high school

Pangkalahatang edukasyon

Sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo, isang tradisyon para sa pangkalahatang edukasyon ang naitatag na hanggang sa ngayon ay naglalarawan sa lipunang Danish. Sa pinakabuod, sinasaklaw nito ang mithiin na ang lahat ay dapat magkaroon ng access sa panlipunang kaalaman at pag-aaral. Bunga ng kultural na pagkilos na ito, ang Danish folk high school ay nabuo*.

Sa ngayon, may mga folk high school, kadalasang tinatawag lamang na mga "high school" ang kumalat sa buong bansa. Ang mga high school ay nagbibigay ng mga kurso sa lahat mula sa mga mapanlikhang subject hanggang sa mga akademikang subject at iba pang pangkalahatang araling panlipunan.

Akademika at personal na paglilinang

Sa high school, ang mga tao ay maaaring bumuti at malinang kapwa sa akademikal at sa personal na antas, at kasabay nito ay makilala ang iba't-ibang tao. Maaari mo rin gamitin ang pananatili sa high school para malaman kung nasa iyo ang kinakailangang pagganyak para matapos ang bokasyonal na pagsasanay, programang pang-edukasyon na pangkabataan o mas mataas na edukasyon.

Mga kultural na aktibidad

Naninirahan at kumakain ka sa paaralan sa itinatagal ng kurso. Ang mga kurso ay maaaring mula sa isang linggo hanggang sa isang taon. Dagdag pa sa pag-aaral, ang pananatili ay bumubuo ng balangkas para sa ilang kultural na aktibidad: pagliliwaliw, party at mga lecture sa gabi. Kung hindi mo nais manatili o walang pag-asang manatili sa isang high school, maaari kang tumira sa bahay at pumasok na lamang bilang isang pang-araw na estudyante.

Alamin ang iba pa tungkol sa mga high school sa www.hojskoler.dk.

Para sa mga batang imigrante

Ang asosasyon ng mga folk high school sa Denmark ay nagsasagawa ng mga espesyal na kurso at pananatili sa mga high school para sa mga imigrante. Isang halimbawa ay ang "Sommercamp" (summer camp), tatlong linggong kurso sa high school para sa mga kabataan. Ang "Sommercamp" ay gagawin mula 2007 hanggang 2009. Ang mga kalahok ay tatanggap ng pag-aaral sa paaralan at mga pangkalahatang subject at sa gayon ay kayang pabutihin ang kanilang mga akademikang kasanayan sa panahon ng bakasyong tag-init. Alamin ang iba pa tungkol sa"Sommercamp" sa www.campsommer.dk.

Maaaring karapat-dapat ka para sa tulong pinansyal kaugnay ng iyong pananatili sa high scool stay. Alamin ang iba pa sa pag-log sa www.emph.dk

Litrato ni Ali

Sa high school may mga kaibigan ako mula sa buong Europa

Si Ali ay umalis mula sa Afghanistan patungong Denmark noong 2003. Siya ay isang estudyante sa European high school sa Kalø. Pagkatapos nito, nais niyang mag-enrol sa kursong katulong sa lipunan at pangangalaga ng kalusugan upang maging isang radiographer.

"Ang pagiging estudyante sa high school ay isang karanasang hindi ko malilimutan. Nagkaroon ako ng mga kaibigan mula sa buong Europa at natututo ako ng mga wika at maraming bagay tungkol sa lipunang Danish society. Pinabubuti ko ang aking kaalaman sa lahat ng oras. Sa aming oras ng paglilibang nagkakasiyahan kami sa panonood ng mga pelikula, paglalaro ng football o basketball. Hindi ka mag-iisa kailanman dito."



Mga night school

Pag-aaral sa maraming subject

Maraming tao ang pumapasok sa night school kung saan sila ay tumatanggap ng pag-aaral in maraming iba't-ibang subject. Maaaring ito ay nasa anyo ng pag-aaral ng wika o iba pang akademikang subject. Subalit maaaring kasama sa mga subject ang pilosopiya, kasaysayan, pagpapalaki ng mga anak at mga pag-uusap tungkol sa mga kultural na paksa. May mga klase rin sa katawan at pagkilos, pagluluto, pananahi, paggawa ng sulat, pag-awit at napakarami pang iba. Maraming night school ang nagbibigay ng mga espesyal na kurso sa mga bagong mamamayan. Bilang pangkalahatang alituntunin, ang mga night school ay pinamamahalaan ng isang samahang pang-edukasyon* gaya AOF (ang Workers Education Association), LOF (ang Liberal Adult Education Association) o FOF (ang Adult Education Association).

Ang mga kurso ay hindi libre subalit sa katunayan na ang mga paaaralan ay tumatanggap ng mga suporta mula sa mga munisipal na awtoridad, hindi kailangang bayaran ng mga kalahok ang buong halaga.

Mag-log sa website ng iyong munisipal na awtoridad upang malaman ang iba pa tungkol sa mga aktibidad sa night school activities sa iyong lokal na lugar.

Mga aktibidad ng asosasyon

Mga taong may iisang interes

Ang Denmark ay isa sa ilang bansa sa mundo kung saana ang karamihan ng mga mamamayan nito ay mga kasapi ng isang asosasyon. Dito, ang mga taong may iisang interes ay nagkikita-kita Maaaring ito ay interes sa akademika, politikal o kultural na uri.

Maraming iba't-ibang uri ng interes

Ang Denmark ay may di-mabibilang na asosasyon, organisasyon at club. Sport, partido politikal, pabahay, sining, musika, imigrante, mga asosasyong pangrelihiyon at mga asosasyon para sa mga taong may espesyal na libangan - para mabanggit hindi lang ang ilan. Tingnan sa ilalim ng "associations" sa iyong lokal na telephone directory. At sa website ng iyong munisipal na awtoridad.

Ang ilan ay kumikilos para sa isang layunin

May ilang asosasyon na kumikilos para sa pagbabantay sa interes ng iba't-ibang grupo gaya ng may-kapansanan, iba't-ibang grupo ng pasyente, ang matatanda o mga homosexual. At ang ilan ay kumikilos din para sa isang partikular na layuning politikal, gaya ng kapaligiran o kapakanan ng hayop.

Mga tagpuan

Panghuli, mayroon din mga tagpuan, club at mga club house na kadalasang may kaugnayan sa isang pook-panirahan kung saan ang mga tao ay naglalaro ng baraha, nagdedebate, nagpapatuloy ng gustong libangan o nakikinig sa mga salita at lecture.

Sinoman ay maaaring magsimula ng isang asosasyon

Ang lahat ay may karapatang magsimula ng isang asosasyon. Ang kailangan lang ay ang magsagawa ka ng pagpupulong - isang naitakdang pangkalahatang pagpupulong - kung saan ninyo pinagpapasyahan at isinusulat ang mga layunin ng asosasyon at ang mga articles of association (artikulong batas) na iiral. Ang mga artikulo ay mga alituntunin na may kinalaman sa kung sino ang maaaring maging kasapi ng asosasyon, gaano karaming kasapi dapat ang nasa lupon, saan dapat ganapin ang taunang pangkalahatang pagpupulong, etc. Isang ordinaryong bersyon ng mga artikulo ng asosasyon ang matatagpuan sa www.familieadvokaten.dk.

Maaari kang tumulong

Ang isang asosasyon ay maaaring maging isang mabuting paraan ng pakikipag-kilala sa ibang tao at aktibong paglahok sa iyong lokal na komunidad. Ang mga asosasyon ay pinamamahalaan ng isang lupon na inihalal ng mga kasapi ng asosasyon. Bilang kasapi, maaari kang magbigay ng mga suhestiyon para sa pagkilos ng asosasyon at tumakbo sa eleksyon para sa lupon ng asosasyon.

Batang lalaking may suot na damit pang-sport


Mga asosasyon para sa mga bagong mamamayan

May ilang asosasyon na maaaring may kahalagahan sa mga bagong mamamayan. Ang gayong mga asosasyon ay para sa mga partikular na nasyonalidad, mga samahang pangkaibigan at mga asosasyon na nagtutuon sa pagsanib at kultural na pakikitungo. Sumangguni tayo sa www.finfo.dk para sa karagdagang detalye.

Sport at ehersisyo

Kung nais mong maglaro ng sport o mag-ehersisyo kasama ng iba pa, maaari kang maging kasapi ng isang sport club. Dito, halimbawa, maaari kang maglaro ng football, handball, tennis, badminton, swimming at gymnastics.

Limitadong singil

Halos lahat ng uri ng pormal na ehersisyo at sport ay pinamamahalaan ng mga asosasyon o mga organisasyon na maaaring salihan ng mga tao. Kailangan mong magbayad para maging kasapi, subalit sa ilang kaso ang munisipal na awtoridad ay mag-aambag sa gastusin upang ang singil ay manatiling mababa.

Ang mga magulang ay tumutulong

Maraming bata at kabataan ang naglalaro ng iba't-ibang uri ng sport sa kanilang bakanteng oras. Ordinaryo para sa mga magulang ang sustentuhan ang kanilang mga anak, halimbawa, sa pagbabayad sa kanilang mga membership fee, paghahatid sa mga bata patungo at mula sa kanilang mga aktibidad at pagsali sa mga event.

Relihiyon

Ang lahat ay malayang isagawa ang kanilang relihiyon

Sa Denmark, ang lahat ay malayang isagawa ang kanilang relihiyon o ipagpatuloy ang kanilang pananaw sa buhay hangga't nirerespeto nila ang batas. Ang lahat ay malayang baguhin ang kanilang mga paniniwala o kinaaanibang relihiyon - halimbawa, sa pag-alis sa isang pangrelihiyong komunidad upang maging kasapi ng isa pa. Tinatanggap ng Denmark ang maraming relihiyon, paniniwala at pananaw sa buhay. Ang ilang tao ay naniniwala sa isang banal na nilalang; ang iba ay hindi ngunit ibinabatay ang kanilang pananaw sa buhay sa mga prinsipyong walang kaugnayan sa relihiyon, makatao o iba pa.

Litrato ng simbahan


Ang Danish National Church*

Nagsasagawa ng mga serbisyo para sa lipunan

Alinsunod sa konstitusyong Danish, ang Evangelical Lutheran Church of Denmark* ang Danish National Church at opisyal na sinusuportahan ng gobyerno. Ang Danish National Church ay nagsasagawa ng ilang gawain at serbisyo para sa lipunan sa kabuuan. Kasama rito ang pagrerehistro ng mga kapanganakan, binyag at pagrerehistro ng mga kamatayan.

Karamihan sa mga tao ay kasapi ng Danish National Church

Ang karamihan ng Dane ay nabibilang sa Danish National Church. Ang karamihan ay naging kasapi nang binyagan sila noong bata pa.

Kung lumipat ka sa Denmark mula sa abroad at nais sumali sa Danish National Church, may ilang opsyon na bukas para sa iyo:

  • Kung ikaw ay kasapi ng isa pang komunidad na Evangelical Lutheran maliban sa Danish National Church at pinatunayan ito, ikaw ay irerehistro bilang kasapi ng Danish National Church kasabay ng pagrerehistro sa iyo sa Danish national register.
  • Kung ikaw ay nabinyagan ngunit hindi ng Evangelical Lutheran na pangrelihiyong komunidad, maaari kang maging kasapi ng Danish National Church sa pag-kontak sa pari sa iyong lokal na komunidad.
  • Kung hindi ka pa nabibinyagan, maaari kang maging kasapi ng Danish National Church sa pagpayag na ikaw ay mabinyagan.

Kung hindi mo nais maging kasapi ng Danish National Church, maaari mong kanselahin ang iyong membership sa pag-kontak sa pari sa iyong lokal na komunidad.

Buwis ng simbahan

Ang mga kasapi ng Danish National Church ay kailangan magbayad ng buwis ng simbahan. Ang perang ito ay ginagamit sa pagpapatakbo ng mga simbahan at pagpapanatili ng mga sementeryo. Ang mga simbahan ay nagdadaos ng mga serbisyo at nagsasagawa ng mga seremonyang pangsimbahan gaya ng mga binyag, kasal at libing.

Maaari mong alamin ang iba pa tungkol sa pagiging kasapi ng Danish National Church sa pag-log sa website ng Ministry of Ecclesiastical Affairs sa www.km.dk.

Iba pang pangrelihiyong komunidad

150 na iba't-ibang pangrelihiyong komunidad

May humigit-kumulang 150 na iba't-ibang pangrelihiyong komunidad, malaki at maliit, sa Denmark.

Ang karapatang magtayo ng mga gusali

Ang mga pangrelihiyong komunidad ay may karapatang mag-empleyo ng mga pari, imam, rabbi o magtalaga ng mga pinuno ng pangrelihiyong komunidad. Ang mga pangrelihiyong komunidad ay may karapatan ding magtayo ng mga gusali na maaaring gamitin para sa relihiyosong pagsamba. Ang kailangan lang ay sumunod sila sa mga normal na alituntunin sa pagpaplano at regulasyon. Ang mga pangrelihiyong komunidad ay maaari rin magpatakbo ng kanilang sariling boluntaryong edukasyon para sa mga bata at kabataan.

Aprubado at kinikilalang pangrelihiyong komunidad

Higit sa 100 pangrelihiyong komunidad, kasama ang Islamic, Buddhist at Hindu na komunidad, ay aprubado sa sa ganang ang kanilang mga pari ay may karapatan o maaaring kumuha ng karapatan na magsagawa ng pagkakasal.

Labing-isang pangrelihiyong komunidad ay aprubadong trossamfund alinsunod sa mga dating regulasyon. Ibig sabihin nito ay maaari silang magsagawa ng mga pagbibinyag at pagkakasal. Maaari rin silang magpalabas ng mga sertipiko na may parehong bisa na kagaya sa Danish National Church.

kapwa aprubado at kilalang pangrelihiyong komunidad ay maaaring humingi ng pahintulot na makapagpagawa ng sementeryo.

Ang mga membership fee ay maaaring kaltasin sa buwis.

Ang mga kasapi ng mga aprubado at kilalang pangrelihiyong komunidad ay may karapatang kaltasin ang kanilang mga bayad at mga regalo sa pangrelihiyong komunidad mula sa buwis sa sandaling aprubahan ng mga awtoridad sa buwis ang karapatan ng pangrelihiyong komunidad na gawin ito. Walang amilyar na sinisingil sa mga simbahan o sementeryo ng pangrelihiyong komunidad. At hindi rin nagbabayad ang anumang aprubado at kilalang pangrelihiyong komunidad ng anumang uri ng buwis sa lupa para sa anumang lote kung saan may mga gusali sa relihiyosong pagsamba.

Maaari mong alamin ang iba pa tungkol sa mga pangrelihiyong komunidad sa pag-log sa website ng Ministry of Ecclesiastical Affairs sa www.km.dk.

Mga party at pagsasamahan

Sa paglilibang, makikita mo ang mga tradisyon at kaugalian na may kaugnayan sa buhay sa siyudad, pagkakapitbahayan, pagkakaibigan, mga pagtitipon-tipon at mga birthday party. Maraming paaralan, day care center at sports club ang nagdaos ng mga party at mga okasyong panlipunang. Maraming bayan, lungsod at pook-panirahan ang may mga sariling tradisyon sa pagdaraos ng mga party at mga pagtitipon-tipon.

Mga pambatang birthday party

Maraming magulang na may mga anak sa nursery at paaralan ang nag-iimbita sa mga kaibigan o kaklase ng kanilang mga anak sa birthday party ng bata. Ang ilan ay nag-iimbita lang ng mga lalaki o mga babae. Layer cake, buns, chocolate milk at mga soft drink. Ang pagkanta ng mga birthday song at paglalaro ng mga game ay mahalagang bahagi ng tradisyonal na Danish na pambatang birthday party. Ang mga batang inimbitahan sa isang birthday party ay inaasahang magdala ng regalo. Kung hindi ka sigurado kung gaano kamahal na regalo ang bibilhin, magtanong sa ibang magulang.

Mga taong nag-paparty

Mga party at mga pagtitipon-tipon

Sa Denmark, ang mga party ay ginagawa kaugnay ng maraming okasyon gaya ng: kasalan, binyag, kumpil, birthday at mga pangrelihiyong pagdiriwang. Ang mga tao ay nagdadaos din ng mga party kapag bumili sila ng bagong bahay, natapos sa kanilang pag-aaral, paalis na para maglakbay - o dahil gusto lang nila.

Pagkatapos, iniimbitahan nila ang kanilang mga kaibigan, pamilya o mga kasama sa trabaho para sa kainan, tugtugan at sayawan.

Kung inimbitahan ka sa isang party o hapunan, magandang ideya ang magdala ng munting regalo para sa mga host. Isang bote ng alak, bungkos ng bulaklak, tsokolate o katulad nito. Kung inimbitahan ka sa isang birthday party, inaasahan kang bumili ng regalo.







Last update: 3/20/2009
Published by: The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs
The Danish Immigration Service - tel: +45 35 36 66 00 - us@us.dk · The Ministry of Refugee, Immigration and Integration Affairs - tel: +45 33 92 33 80 - inm@inm.dk